Chapter 34:❤️Talk

887 24 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas ang issue namin ni DJ. At sa isang linggo na yun wala akong tawag, text o anino man lang na natanggap kay DJ. Natatakot na ba siya na maging kami? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin ng isang linggo?

"Miss Julia! Are you okay? Ang dami-dami na nating scenes na hindi matapos-tapos dahil ang dami mong mali at nalilimutan?"

Pati trabaho ko naapektuhan na ng pag-iisip ko. Tapos na ang issue pero si DJ kasi hindi nagpaparamdam.

"Pasensiya na po Direk pagod lang po kasi ako. Hayaan niyo po magseseryoso na ako"

Si Quen naman halos araw-araw tumatawag para kamustahin ako kung nakamove-on na ba ako sa issue na nangyari. Buti pa si Quen na kaibigan ko kinakamusta ako samantalang si DJ na mahal ko parang binabaliwala ako. Naisip niya na ba na kapag naging kami at malaman ng publiko masisira ang career niya? Mas pipiliin niya ba si Kath kesa sa akin?

"Julia, okay ka lang ba? This past few days parang ang tahimik mo" Tumabi naman sa akin si Kuya Paulo. Buti rin siya tinatanong kung okay lang ako.

"Oo naman Kuya Paulo okay lang ako. Kuya may Girlfriend ka na ba?"

"Ha? Ba't mo naman natanong? Actually meron akong non-showbiz Girlfriend kahit na may anak na ako bakit?"

"Wala naman. Alam mo ba yung pakiramdam na hindi niyo maipahayag sa publiko yung totoo ninyong estado? Relasyon ganun"

"Bakit ibig sabihin na nun totoo yung issue sa inyo ni DJ?"

"Oo Kuya totoo yun kaso hindi pwede eh dahil masisira career namin. Ang hirap pala noh?"

"Ganyan talaga Julia kapag sa Showbiz lalo na't sa kinalalagyan ni DJ eh may nakadikit sa kanya si Kathryn. Iniisip nga ng mga tao diba na sila na dahil sa mga kinikilos nila? Yun ang mahirap lalo na't Bestfriend ka pa ni Kathryn"

Oo nga noh. Alam ng publiko na Bestfriends kami ni Kathryn tapos malalaman pa ng publiko na eh ang ka-loveteam niya na si Daniel eh Boyfriend ko. Tsk! Parang ang pangit nga nun dahil parang inahas ko. Pero ang totoo naman niyan eh nauna ako kesa kay Kathryn.

-Enrique Gil Point of View-

Naaawa ako kay Julia. Kahapon tinawagan ko siya at nalaman ko na isang linggo na siyang hindi tinetext o tinatawagan man lang ni DJ. Nakakainis ang patpatin na yun natakot ba siya na baka kapag nalaman ng publiko na may pagtingin sila sa isa't-isa ni Julia eh masisira ang career niya?

Matawagan nga ang patpatin na iyon. Nabalitaan ko nga ninakawan siya ng halik ni Kathryn nung nasa sinehan sila. Sus! Pihadong pakulo lang nila yun para masabi na totoo ang mga ikinikilos nila.

DJ: Hello?

Ako: Anong hello ka diyan? Bakit hindi mo kinokontact si Julia ha? Isang linggo na ang nakalipas. Alam mo bang nalulungkot siya?

DJ: Hindi ba siya galit sa akin dahil sa naging issue namin last week?

Ako: DJ nag-aalala nga eh ba't naman magagalit sa iyo si Julia? Tsaka isa pa kaya naman kayo nagka-issue eh dahil pumunta ka sa probinsiya para malaman kung okay lang siya diba? Alam niya ang dahilan kaya kayo magkasama diba?

DJ: Akala ko kasi galit siya sa akin kaya binigyan ko muna siya ng time tsaka space.

Ako: Bakit naman umabot ng isang linggo? Alam mo ang gawin mo ngayon puntahan mo na sa bahay nila kesa

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now