Chapter 55:❤️She's Back

763 32 10
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

6:00 PM

"Guys ayos na ba lahat? Yung chords baka hindi nakasaksak sa speaker tsaka yung drums mo Lesther naka-set na ba ng maayos? Ayusin ninyo ha? Tsaka mag-" Nagsasalita pa si DJ ng putulin siya ng mga kaibigan niya.

"DJ easy ka lang 1 hour pa ang natitira okay? Bakit ba parang tense na tense ka diyan?" Nakataas kilay na makahulugan ni Lesther. Kanina pa kasi nila napapansin si DJ na parang natataranta at ang lalim pa ng eye bags nito.

"Anong tense? Hindi ah. Kaya lang naman ako ganito kasi ayokong mapahiya kay Mr. M pinagkatiwalaan niya ako dito noh" Naupo naman si DJ sa mini stage.

Nag-aayos naman ang mga staff ng mga upuan at lamesa at nilalagyan na ng mga plato, kustara at tinidor. Kung titignan parang isang debut ang mangyayari. Tuwang-tuwa lang talaga si Mr. M dahil isa sa mga inaanak niya ay naging sikat na Super Model sa ibang bansa sa Germany.

"Sus ang sabihin mo kinakabahan ka dahil makikita mo si Julia after 2 years. Tama ba ako DJ?" Tumabi naman si Katsumi kay DJ na naka-upo sa mini stage at umakbay sa kaibigan.

"Hindi noh! Mag-CCR nga lang ako!" Tumayo naman si DJ at lumabas. Nagtawanan naman ang tatlo maging ang kapatid niyang si JC.

Tinignan ni DJ ang sarili sa salamin at napansin niyang ang lalim ng eye bags niya. 5:47 na kasi siya ng umaga nakatulog dahil kinakabahan siya sa mangyayari ngayon.

Pagkalabas ni DJ sa CR may nabunggo siyang isang tao.

"Quen" Sabi naman niya.

"DJ? Long Time No See. Kamusta?" Nginitian naman ni Quen si DJ. Kahit papa-ano nawala ang galit niya dito pero may inis pa rin siyang nararamdaman dahil sinaktan nito si Julia.

"Okay lang naman" Tumingan naman siya sa likuran kung nandun si Julia pero wala ito.

"Hinahanap mo ba si Julia? Mamaya pang 7 dating nun para sakto daw. Alam mo ang laki na ng pinagbago ni Julia at ang mas maganda dun nakalimutan ka na niya kaya hindi na siya malulungkot o masasaktan. Sige mauna na ako sa loob" Sabi naman ni Quen sabay tingin sa cellphone niya kung nag-text na si Julia sa kanya.

Pagdating ng 7:00 PM dumating na ang mga bisita para i-welcome si Julia Montes ngunit ang isusurpresa nila ay hindi ito alam. Sinabi ni Enrique kay Julia na pumunta sa Party dahil Birthday ng matalik niyang kaibigan at idol na idol siya.

Nagsuot ng red dress si Julia dahil paboritong kulay niya ay red. Nagmaneho na siya papunta sa lugar na sinabi ni Enrique at nagtaka siya kung bakit madilim pagkapasok niya.

"Uhh, may tao ba?" Tanong naman niya. Kahit madilim pakiramdam niya may mga matang nakatingin sa kanya.

Narinig ni DJ ang boses niya dahil medyo pasigaw niya itong sinabi. Nagulat si Julia ng biglang bumukas ang mga ilaw at nakita niya ang malaki niyang larawan. Isa sa mga pictures niya nung nagmomodel siya sa Germany. Dahil nasa backstage sina DJ at ang apat hindi nila ito nakita. Makikita lamang nila ito pagkatapos magsalita ni Mr. M.

Halos maiyak naman si Julia. Dahil ang ilang niyang mga kaibigan ay naroon kahit na si Kathryn na kaaway niya.

"Congratulations Julia!" Binigyan naman siya ni Mr. M ng mainit na yakap. Hindi na napigilan ni Julia ang mapaluha dahil namiss niya ito. Tinuring niya ito na tatay-tatayan niya nung hindi pa niya nakikilala ang Daddy Martin niya. Pero kahit nakilala niya na ang Daddy niya ituturing pa rin niya itong pangalawang tatay.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now