Chapter 10:❤️Special Day

1.2K 30 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

"Binibini sa aking pagtulog, ika'y panaginip ko" Nandito kami ngayon sa isang Club ng biglang may kumanta. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang kantang iyon pero ang dilim wala akong makita.

"Panaginip ng kathang dakila, nitong pag-iisip ko" Mula sa liwanag na nanggagaling sa mini stage biglang nagliwanag banda duon at nakita ko si DJ na kumakanta at ngayon papalapit na sa akin.

"DJ ano toh?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ito? Ito ang regalo ko para sa iyo. Julia mahal na mahal kita" Teka? Mahal niya pa ako diba si Kath na ang mahal niya?

"Ate!" Bigla namang may tumawag sa akin pero wala ng ibang tao dito kundi ako lang at si DJ.

"Julia.... Mahal mo pa ba ako?" Tanong naman ni DJ

"Ate! Huy!"

"Huh?"

"Ang sabi ko mahal mo pa ba ako kasi ako sobra"

"Ate! Ano ba huy! Ahh ganun ah!"

"AHHHHHHH! PWE!" Bigla akong napabangon sa kama ko at basa ang mukha ko pagtingin ko si Patrick pala. Ginantihan ako sa ginawa ko sa kanya nung isang araw ah.

"Hay salamat gising ka na! Happy Birthday!"

"Happy? Birthday? Sa akin? Matapos mong basain ang mukha ko?"

"Hahahaha! Buti nga hindi kita binasagan ng itlog. Tara na sa baba pinagprepare ka namin nina Lola at ng mga kapatid natin ng breakfast! Let's go" How sweet of them naman.

Pagbaba ko nakita ko yung isang itlog na may bacon nakahugis ngiti at yung isa naman hot chocolate na may smiley face rin.

"Bakit smiley lahat ang design?"

"Syempre! Kasi dapat ngayon nakasmile ka kasi it's your special day!"

"Happy birthday Ate!" Bati naman ng iba ko pang kapatid.

"Mara! Happy Birthday!" Si Lola yan.

"Salamat po sa inyong lahat! Tara kain na po tayo.

"Inimbita mo na ba yung mga kaibigan mo dito mamaya?" Tanong naman ni Lola.

"Uhm opo kagabi po sabi ko sa kanila mga 7:30 ng gabi pumunta po sila dito"

"Dapat mga 5:00 ng hapon makapagluto na ako"

"La! Tulungan ko na po kayo"

"Wag na birthday mo ngayon kaya dapat relax ka lang"

"Basta la tutulungan ko po kayo okay?"

"Cge na nga. Hindi naman ako mananalo sa iyo eh"

Pagkatapos naming kumain niyaya ko na si lola sa palengke. Nakakamiss din yung pupunta ka sa palenke na walang aircon kumbaga talaga Market ang dating hindi tulad sa mga Malls na de aircon.

Hindi rin maiwasan na may magpakuha ng litrato sa akin kaya ayun pumapayag ako kasi bilang fan ko sila dapat ito yung way ng pagpapasalamat ko sa kanila.

Hindi ako nagsuot ng disguise kasi pangit naman yung ganun tinataguan mo yung mga tao. Pwera na lang kina DJ and Kath kasi sa Mall yun maraming tao kaya sure na dudumugin sila ako naman sa palengke lang unti lang tao ng ganitong oras.

"Ayan la! Okay na po tong mga toh"

Sabi ko kay Lola kaya naman umuwi na kami. Hiniwa-hiwa na namin yung mga dapat hiwain para pagdating ng 5:00 lagay-lagay na lang sa lutuan para mabilis.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now