Chapter 15:❤️Love Triangle Date

1.1K 31 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Nang marelease na ang album ko abot langit ang aking ngiti.....Bakit? Unang araw pa lang kasi halos isang milyon agad ang bumili ng album ko. Lahat ng mga fans ko hindi ako binigo dahil tinupad nila ang pangako nila na bibili sila at magiging hit ito.

Sa bawat radio station nababalitan ko halos kanta ko daw lahat ang pinaplay dahil most requested daw ito sa kanila. Nakaka proud talaga akala ko nga hindi magiging sikat ang mga kanta ko pero buti na lang nandyan ang mga Fans ko.

Ngayon ngang Buwan ng May sobra akong busy bukod sa taping ng PAI may mga guestings, interview pa ako tapos signing sa mga Bumili ng album ko sa iba't-ibang Mall.

Speaking of Mall, nakabili kaya si Julia ng album ko? O bumili kaya siya? Gusto kong marinig niya yung mga kanta ko duon dahil dedicated sa kanya lahat yun.

"Wow naman DJ! Ang ganda ng boses mo dito ah! Ilang beses ba toh inedit?" Tanong naman ni Lesther loko talaga toh.

"Hindi yan inedit noh! Natural na boses ko yan" Depensa ko naman. Nagtawanan naman silang tatlo. Si JC naman ayun tulog sa kwarto niya dahil napuyat kagabi sa kanonood ng ewan....

"Weh!? Kung ganun dapat pala palagi ka na lang sa Recording Studio kumanta wag na ng live sa may stage! Hahahhaa!" Nag-apir naman sila ni Seth tapos si Kats tawa rin ng tawa.

"Pumunta lang ba kayo para laitin ang boses ko? Totoo ko ba kayong mga kaibigan ha?"

"Oo naman! Ang tunay na kaibigan nanlalait minsan diba? Ikaw nga nilait mo mukha ko eh" Sabi naman ni Lesther, totoo naman na hindi siya kagwapuhan ah.

"Yun totoo yun at hindi yun panlalait. Pero yung panlalait sa boses ko na maganda yun panlalait yun"

"Sus! Amin na nga yung kopya ng album mo at ng mapakinggan namin sa bahay" Tignan mo tong si Lesther lalait-laitin ako tapos ngayon hihingi ng kopya. Well humingi talaga ako ng ilang kopya sa Management para ibigay sa pamilya ko.

"Oh ito sa iyo Seth, Lesther and Kats"

"Oh kanino pa yang apat?"

"Ahh ito? Ito kay papa, ito naman kay mama, ito kay JC at ito naman kay.........."

"Kay?"

"Kay ano.....kay.....Julia syempre. Sa kanya dedicated lahat ng kanta diyan eh"

"Naks naman, bibigyan niya ng kopya yung binibini niya. Alam mo kung ako sa iyo wag na baka ma turn off yun sa iyo"

"Umuwi na nga kayo! Kanina pa kayo ah!"

"Sabi nga namin uuwi na kami. Cge bye!"

Hay kahit kailan talaga loko-loko yung mga yun pero kahit yung mga yun ay magkakapatid pa rin ang turingan namin.

Napahawak naman ako duon sa may album ko na para kay Julia. Paano ko nga pala ito ibibigay sa kanya?

-Enrique Gil Point of View-

"WE LOVE YOU ENRIQUE GIL!"

Panay ang kaka- I Love You ng mga Fans ko habang ako dito sa stage sumasayaw. Grand Fans Day ko ito para sa kanila bilang pasasalamat sa pagsuporta sa Princess and I. Kumbaga Mini Concert ko.

May unting picturan, kasiyahan, palaro sa mga fans at kung anu-ano pa. Namigay pa nga ako sa kanila ng mga T-Shirt na may mukha ko. Oh diba ang astig?

"Sir Quen tubig po" Abot naman nung isang staff kaya kinuha ko iyon.

Salamat at natapos na rin ang araw na toh makakapag-pahinga na ako at saktong wala ring taping ngayon dahil pinagpahinga muna kami. Sabi ni Direk pinagpaplanuhan nila na gumawa ng isang Basketball Fair sa PAI. Pinagpaplanuhan nila iyon so walang taping ngayon. Baka bukas na namin malalaman or samakalawa pa.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now