Chapter 21:❤️Confession

1K 30 4
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Ano yun?"

Siguro nga ito na ang Perfect Timing. Siguro naman walang Enrique Gil na susulpot ngayon para sirain ang moment namin na toh.

"Julia Mahal Kita" Ayan na nasabi ko na. Medyo napatungo naman ako. Ano kayang isasagot niya?

"DJ....... Mahal din Kita" Napaangat ang ulo ko sa sinabi niya. Mahal niya raw ako ibig sabihin.....

"Mahal mo ako? As in mahal kita tapos ikaw mahal mo ako equals nagmamahalan tayo parang ganun ba?" Para naman akong tanga na nagpapaliwanag.

"Oo nga DJ mahal kita mahal mo ako as in parehas tayo ng nararamdaman" Medyo natatawa niyang sabi.

"So kung ganun hindi mo nalimutan yung pangako natin sa isa't-isa noon?"

"Teka....ibig sabihin ikaw rin hindi mo nalimutan yun?" Tanong rin niya.

"Wait...wait...wait....Ibig sabihin parehas nating inisip na kinalimutan natin yung pangako natin sa isa't-isa noon. Ibig sabihin...." Nagsasalita pa ako ng biglang magsalita si Julia.

"DJ tama na yung ibig sabihin-ibig sabaihin na yan ang importante nagkaaminan na tayo at nalaman nating pareho na hindi natin nalimutan yung nangyari noon yung pangako natin diba?"

"Tama ka pero ano yung mga balita noon na naging kayo daw ni Enchong Dee?"

"Yun? Hindi naman totoo yun eh. Nung taon kasi na yun ayaw na ni Kuya Enchong na makipag-Loveteam kay Ate Erich kaya ang ginawa nila since magkasama kami sa Shoutout noon at palagi pa kaming magkatabi noon ako ang napili nung Manager ni Enchong na gawing dahilan para mawala ang Erich-Enchong Loveteam para hindi na makagawa pa ng Teleserye or movie kaya ayun kami ang inintrigang dalawa. Ikaw kapag iniinterview kayo ni Kath kunwari lang pala yung mga sagot mo na gusto mo siya?"

"Oo kailangan kasi sa Show yun para mas kumita kami at magkaroon ng mga tagahanga. Tsaka si Kath alam ko naman kung sino ang gusto niya si Quen yun at ako naman ikaw"

"Alam mo alam ko na si Quen ang gusto ni Kath"

"Kung ganun ba't mo siya binigyan ng chance?"

"Kasi alam ko na hanggang crush lang ang tingin ni Kath kay Quen kaya ko yun ginawa tsaka susubukan ko sanang mahalin si Quen ang kaso nahuli kang gawin tong pagtatapat na toh kaya nasabi ko na"

"Sorry ha dapat naman talaga kasi magtatapat na ako sa iyo nung Birthday mo kaya lang kasi naunahan ako ni Quen at saktong parehas pa kami ng gagawin"

"Kaya pala naglasing ka?"

"Oo ikaw kasi eh masyado kitang mahal. First time ko kaya yun" Tumingin ako kay Julia at hinawakan ko ang isa niyang kamay.

"Julia mahal na mahal kita kaya sana kapag nag 18 ka na tayo na talaga officially ha? Tsaka yung chance na binigay mo kay Quen bawiin mo yun"

"Oo nga pala pero paano ko naman sasabihin yun kay Quen?"

"Edi sabihin mo 'Quen yung chancena sinasabi ko binabawi ko na'" Tapos nag-act ako na parang siya.

"Ano ka ba hindi naman ganun kadali yun pero....ako ng bahala dun"

"Promise?"

"Oo DJ promise"

Matapos ang Confession na nangyari ngayong gabi kumain ulit kami at as usual si Lesther nanaman ang umorder at kinongrats ako dahil nagkatapatan na kami ni Julia.

A Life In Star World [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang