CHAPTER 9 : New Student?

723 25 0
                                    


KINABUKASAN



"OMG! Ang school  natin 'yung napiling pasukan nung anak ng mayamang negosyante! Grabe! I wonder kung mabait siya? Yieee! Can't wait to see him again!" Habang papasok ako eto na yung naririnig ko. 



Peste bakit kasi naiwanan ko yung earphones ko sa bahay?



Isang nakakarinding umaga na naman sa iyo Merielle Saavedra. Ano ba 'tong topic ng mga babae ngayon? Tungkol pa rin ba 'yon sa bwisita dito sa school kahapon? 



Di maka-get-over.  Kung sa bagay okay na rin yun at least updated ako sa nangyayari dito sa Boring na school na to. Busy kasi ako kahapon sa kaka-muni ehh. 



Itong mga babae kong classmates naman, hindi matigil sa kaka-chika at kakatili tungkol p din dun. Buong estudyate ata dito mukambibig 'yun, eh. 



Nakakasuya na. Dinaig twitter sa pag-trending. Malay mo pogi talaga yung bagong student na yun kaya makabasag-eardrum yung tili nila ngayon. Hindi ko kasi nakita kahapon eh.



Absent si Maam Garcia ngayon. Ganoon na din si Phoebe. Hay, buti naman napagbibigyan ako ng tadhana ngayon. 



Pero kahit absent yung napakasungit naming teacher, nagpaiwan naman siya ng seatwork, hinde pa din ligtas sa kamandag niya.



Di katulad ng kahapon, medyo nabawasan na rin yung pagka-emo emo echos echos ko. Medyo nakakasakay na rin ako sa daloy ng ka-boring-an ng school na to.



Nanahimik bigla yung class kasi pumasok si Maam Sanchez kasama niya si Kyle. Hmm, ano na naman kayang agenda nito?



"Class,  siguro naman alam niyo na ang balita tungkol sa bagong student natin ngayon sa St.Mary High?" Tanong ni Maam.



"Opooo.." Sabay-sabay na sagot ng buong klase. 



"Okay good. I want everyone of you to meet Mr. Samuel Lim, the son of the Lim Corporation's President." 



Nag-simulang magbulungan yung mga classmates ko, excited silang makita ulit yung new student. Ako plain expression lang, sus pero inaabangan ko din kung gwapo ba or hinde.



Dahan-dahang pumasok yung lalake. Tinignan ko siya simula sa paa, astig black shoes mukhang mahal. Tapos nag-jump na ko papuntang mukha---



Siya yung kahapon na nakabangga ko at nalaglag ang precious books niya diba?



Patay ka, Merielle!



Did he come here for me? Para pahiyain niya ko or pagbayarin sa mga nalaglag na librong mukhang mamahalin? OMG! Sana hindi niya ko maalala!



Yung mga babae tuwang -tuwa at halata sa mga mukha nilang gusto nilang sumigaw. Kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon, sobrang tense ako! 



Inikot ng mga mata niya yung buong room. Omg, it seems like he's looking for something? Someone? For me?! Paktay ka talaga, Merielle Saavedra. Maling tao yung binangga mo, actually.



He smiled when he set his eyes on me. Paktay ka talga Merielle huling-huli ka na! Pero wala akong ginawang masama! Hindi ko sinasadyang mabangga siya kahapon! Huhu!



"Hi guys. It is very nice to meet you. All of you." Then he smiled again. At hindi pa rin mawala yung tingin niya sa akin. Grabe. Nakakatakot yung ngiting yon! Kyle tulong!



Hindi ko masalo lahat nung tingin niya. Well hinde talaga ko makatingin sa kanya ng diretso!



This is the end of my high school life!




___


#MERIELLEandanotherTRANSFEREE

~FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon