CHAPTER 39 : The Damsel is Stressed

93 6 2
                                    

Tahimik ako buong klase at hindi gaanong nakipag-usap kay Allain kahit dinadaldal niya ako. Going back to my own school should be fun, pwera na lang sa part na kamuntikan na akong ma-kick out dahil sa pink juice drink na inabot sa akin.



Nagte-text at kinukulit ako nila Phoebe at Sara, pero hindi din ako lumabas para sabayan sila nung lunchtime, pero sa classroom na lang ako kumain. Maski si Allain, parang gets niya na kailangan ko munang mag-isip at mapag-isa dahil may iniintindi ako.



Hindi pumasok sa klase si Damian buong araw, kaya naman laking gulat ko nang makita siya pagpasok ko sa SC Office, saktong magkausap sila ni Vice-Pres Mia. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. 



"Hi, how are you, Merielle? Okay ka na?" Tanong sa akin ni Mia, lumapit siya at hinahagod hagod ang likod ko. "Are you sure you can work today?"



Hindi nawala ang tingin ko kay Damian na biglang naging busy sa laptop niya nung pumasok lang ako. "Ah, yes, uhm..." Anong palusot mo, aber? Ano? "Syempre na-miss ko din itong office, I'm okay now hindi na masakit ulo ko."



"Welcome back." She smiled at me very sweetly. Tapos non may kinuha siyang papel sa mesa ni Damian, at lumabas ng office. Bali, kaming dalawa na lang ang natira ng Damian na ito.



"Kailangan kong malaman kung sino 'yung nagbigay ng pink juice sa akin." Sabi ko sa kanya. "Dahil sa kanya, muntikan na akong ma-kick out--"



"Was it just only his fault? Or ikaw din? Because you have been acting so reckless?" Damian snapped back at me. Hindi nawala 'yung galit niya sa akin kanina pang umaga.



Galit ba talaga siya? Or naiinis lang siya sa kashungaan mo, Merielle?



"Hindi ko naman alam na may mga ganong galawan ang New Gen." Nilagay ko 'yung bag at gamit ko sa pwesto ko sa office. "Kailangan ko bang hingin ang tulong ni Kyle?" Tanong ko sa kanya. 



Parang lalong lumukot sa galit ang mukha niya. "Hell, no. Baka nga siya pa ang may kagagawan non sa'yo eh." He glared at me. "Do you still trust that guy?"


"H-hindi naman. Siya lang ang kilala ko don na pwedeng--" Then napahinto ako. "Wait, kinausap mo na siya diba? Sabi mo sa Papa---este---sa Principal naten? Sabi mo na-confirm mo kay Kyle na blue drinks lang ang naka-serve sa table kagabi. It means, you talked to him."



He is silent. Huh! Ano ka ngayon? Lakas mo maka-sita sa akin, eh kinausap mo na pala 'yung tao.



"Right now, what you should do is to be quiet." Sabi niya. "Do not tell anyone we've figured something out. Don't even talk about this with your friends."



"At bakit naman?" Napatayo ako sa sinabi niya. "Hahayaan ko na lang na mag-spread 'yung balita na naglasing ako at nagkalat sa New Gen? Dadalhin ko 'yun forever?"



"Not until we have proven something." Tapos non nakita ko siyang minamasahe ang ulo niya. Nakatulog ba siya?  "We still have a lot of work to do to prepare for SciNAG contest."



Napahinga ako ng malalim. Kung sa bagay, may mas importante pa kesa sa reputasyon ko, at kailangang makapag-ready na kami sa contest na iyon.



Dahil balik na ako sa pagiging official utusan ni Damian, inumpisahan niya agad akong utusang magpa-photocopy at mag-stapler ng mga questionnaires na gagamitin. 



Hindi ko pa tapos 'yung gawain na 'yon may panibagong utos na siya. "Post them on all of the announcement boards in this campus." Sabi niya tapos binigay niya sakin ang pagkarami-raming mailiit na announcement poster about SciNAG. "Simula bukas, whoever wants to join will be entertained by you. Lista mo mga pangalan nila at details."



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now