CHAPTER 8 : Lazy. Late. Library.

848 27 0
                                    


"Merielle, aba ala siyete na ng umaga. Hindi ka ba papasok ngayon ha?"



Boses na naman ng beloved Tita ko. Ginigising ako. Monday na naman  kasi.



Gigising na naman. Papasok na naman! Argh. Tinatamad na talaga ako.



Eto na naman yung pakiramdam na ayaw kong gumalaw at gusto ko nalang maging kaning lamig sa ref na waiting itapon sa labas. So low today.



Ayoko pang bumangon pero need na talaga eh, pagalitan pa nila ako. Tumayo na ako at mabagal na parang pagong kung kumilos ang ginawa. Ganito ako tuwing umaga at papasok.



Lately kasi tinatamad na ko. Hindi ba halata? These past few weeks medyo wala na kong ganang gumising ng umaga para pumasok at mag-aral. Wala na yung excitement kong matuto. Wala na yung interes kong magsipag! Argh. Bakit pa kasi kelangang lumipat ng School eh!



Ang saya saya ko na dun sa QPSHS! Ang tahi-tahimik na nag buhay ko dun eh. Eto kasing si Beloved Papa nag-asawa pang ulit at ayun, eto na ang nagyari saakin. Nalipat ako sa St.Mary High School! Argh. Sobrang laki ng difference ng buhay ko doon sa probinsya kesa dito!



Sighs, ano pa bang magagawa mo Merielle Saavedra From Quezon? Ano pa edi tanggapin mo na lang yun bagong buhay na ito. Wala ka nang magagawa. 



Naumpisahan mo na edi tapusin mo na diba? Isang buong school year lang naman. Tapos may kalayaan na akong pumili pag naka-graduate na ako. 



Tiwala lang.



"Merielle." Boses yun ng aking beloved Papa. Napalingon ako sa kanya habang nakaupo ako sa kama at nagsasapatos.



"Bakit po, 'Pa?" Tanong ko. Himala. Parang ngayon lang ulit kami nag-usap. Huling usap namin kungdi ako nagkakamali was last last week. At tungkol lang iyon sa studies ko. 



Masyado kasing busy si Papa sa Business nila ni tita dito. At yun ang dahilan kung bakit ako napunta at tumira dito sa Manila. Kailangan naming lumipat dahil nakakuha ng magandang pwesto si Papa para sa matagal na niyang gustong itayon meat shop.



At ngayon, simula nang nabuksan ang meat shop niya, medyo hindi na rin kami nagkikita sa mata.



"Parang matamlay ka ata? Sabi ng Tita mo.. Sigurado ka bang papasok ka? Pwede namang dumaan si Tita mo sa school ninyo at kausapin ang adviser mo." Sabi ni mahal kong tatay.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now