CHAPTER 46 : Wildest Dreams

83 6 5
                                    


"Social Studies?" Sabi ni Damian sa kabilang linya nang makalabas ako ng bahay nila Phoebe at tinawagan ko agad siya para mag-report. "Are you sure?"



Siniguro ko naman syempre na malayo na ako sa bahay nila Phoebe bago ko tinawagan si Damian. Gagabihin na din kasi ako kung sakaling magtagal ako kaya isang oras lang ang tinagal ng usapan namin ni Phoebe.



"Oo nga, nakwento daw ni Kyle sa kanya na mahirap masyado ang social studies kaya ayun ang sinalihan niya." Napaisip ako, kaya siguro hindi rin nakapasok si Allain kasi mahirap nga.



"Good job." Matipid na sabi niya. "Ngayon ka pa lang uuwi? It's already late."



Parang may nakiliti sa tyan ko sa tanong niya, pero dedma lang. Pagod na kasi ako at gusto kong i-reserve ang natitirang energy ko para maglakad papalabas ng village ni Phoebe at mag-commute pauwi.



"Oo," sagot ko sabay hikab. "Sige na, nagawa ko na 'yung pakay ko, babush--"



"Wait up!" Ibababa ko na sana 'yung tawag pero sumigaw siya. "Don't move, stay there."



Napatigil naman ako. "Bakit? Hindi pa sapat na information sa'yo yan? Social Studies nga!" Sigaw ko sa kanya sa phone dahil parang napapalitan na ng inis ang pagod ko bigla. 



"Relax, Merielle. Get inside the car."



Matagal bago ko maintindihan ang sinabi niya. Maya-maya may tumigil na pamilyar na sasakyang itim sa tapat ko. "B-bakit ka nandito?! Sinundan mo ba ko?!" Sigaw ko sa kanya ulit sa phone habang nakatingin sa sasakyan.



Mabilis na nagbaba ng car window si Damian. Sabay naming binaba ang phone namin nang magtama ang tingin naming dalawa. "Shouting over the phone is rude, Merielle."



"Bakit ka nga nandito?" Naiinis kong sabi. 



Nangunot naman ang noo niya at nagkibit-balikat. "I live here, I was on my way home when I saw a stupidly looking student walking."



Para yatang nanlaki ang mga mata ko. "D-dito ka nakatira?! Kapit bahay mo si Phoebe?!" Bakit walang nabanggit sa akin si Phoebe na ka-village niya lang si Damian?!



"Obvious ba?" Tapos non binuksan na niya 'yung pinto ng passenger seat. "Sakay na, ihahatid na kita pauwi."



Para akong bata na tumakbo papasok ng sasakyan niya. Free ride means walang gastos! Free ride meads walang lakad lakad! "Sigurado ka ba ihahatid mo ko? Kahit hanggang--"



"Shut up and put your seatbelt on." Sabi niya sabay mabilis na paandar ng kotse papalabas ng village.



Yes! Hindi ako maglalakad pauwi! Ang swerte ko naman! "Wala ka bang thank you sakin?" Tanong ko sa kanya nung matagal kaming nanahimik. "Inalam ko lang naman kung anong category ni Kyle---"



"I'm driving you home, isn't that enough?" Sagot niya sabay lingon niya sa akin saglit bago siya ulit mag-focus sa daan. "Social Studies is a smart choice. Buti na lang inaral ko na din 'yon." Sabi niya. 



"Kaya nga eh, ang lakas ng trip mong aralin lahat ng categories nang sabay-sabay." Napasandal na ako sa upuan at napahinga nang malalim. Love talaga ako ni Lord. Binigyan niya ako ng way para makapagpahinga kahit paano.

---

"Merielle." Napalingon ako kay Damian at bigla akong napanganga sa klase ng tingin na binibigay niya sakin. Hindi ko ma-explain. Pero parang nakakakilig. "Thank you for helping me."



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon