CHAPTER 50 : The Story of Us

99 7 2
                                    


One week ang nakalipas, at parang namatay na lang bigla ang mga issue at usapan sa school. Walang nakaalam ng ginawa ni Mia (except ako at si Damian), at hindi na rin ako naging usapan sa buong campus. Binalik na din bigla ang pag-allow ng cellphones sa loob. 



Hindi ko na lang rin sinabi kina Phoebe, dahil masaya na silang nakabalik ako sa school at mas masaya silang wala na ako sa office kasi mas nakaka-bonding na nila ako.



Mia is all sunny and bright, parang wala lang sa kanya 'yung pagkawala ng VP position niya.



Damian is acting like he never knew me.




Parang normal na ulit.




Parang lang.




"Peaches, you're not touching your food." Sita sa akin ni Samuel nung napansin niya sigurong nakatulala na naman ako sa horizon. 




"Hey, I baked that for you." Pagtatampo ni Sara sa akin. "Hindi mo ba titikman?" Nung lahat na sila nakatingin sa akin, dinampot ko 'yung isang slice ng banana bread at sinubo ko lahat.




"Masharap." Sabi ko habang ngumunguya. "Ja besht." Pinilit ko na lang na lunukin lahat iyon para ipakita sa kanilang okay ako. Inabutan ako ni Allain ng juice bago pa ako mabulunan.




"Oh, ayan, amin amin din kasi kung hindi talaga kaya. Hindi 'yung nagpapanggap pa." Parinig sa akin ni Phoebe tapos natawa naman silang lahat. "Oh, diba ikaw din nahirapan at nasaktan?"



"Masarap nga 'yung banana cake." Inirapan ko na lang si Phoebe. "Anong oras pala ang swimming bukas?" Pag-iiba ko ng topic, medyo nakakawalang gana na kasi kung palagi nila akong inaasar tungkol sa pagiging malungkutin ko dahil sa pagkawala ng posisyon ko sa school council.




Hindi pa rin maiwasan na asarin ako ng mga kaibigan ko about dun, inaasar din nila ko na malungkot ako dahil hindi ko na makikita si Damian palagi.



Masaya kaya akong mawala na don! Dahil malaya na ulit ako! 




"Ano ba 'yan, nung isang araw ko pa 'yan sinabi sa GC eh." Angal naman ni Sara habang nakanguso. "We're meeting at my place tomorrow, 10:00 in the morning. Gagamitin ang sasakyan namin to get to Laiya, Batangas!" Sigaw niya tapos napapalakpak siya.





Napag-isipan ng grupo na mag-unwind naman kami, at nung tumapat na long weekend (since walang pasok Monday to Tuesday), at since may means and money naman ang mga friends ko, tinuloy na nila ang swimming get-away namin. 


"Excited na ako, magdala kayo ng mga pangmalakasan niyong swimsuit ah. Sasabay ako!" Sabi ni Allain at nagumpisa na siyang mag-pose na parang may photoshoot. 



"Hoy, hindi ako magsusuot ng swimsuit. Baka gusto mong mapatay ako ng tatay ko!" 



---


Habang naglalakad kami ni Allain pabalik sa classroom matapos ang lunchtime, nakasalubong namin si Mia at ang mga alipores niya.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now