SHUYIN 6: His Princess

Start from the beginning
                                    

["Kain na lang po tayo. :)"]

"Exactly my plan."


Nakarating na kami sa pagkakainan namin. Agad kong napansin ang mga lalaking naka-tuxedo sa labas ng El Regere Restaurare, kaya naman medyo kinabahan ako. Andami pa man din nila.


Kinalabit ko si Azul kaya napalingon siya sa'kin.


["Sino sila? Yung mga naka-suit?"]
Nanginginig kong itinaas ang cellphone.


Napansin ko ang pagtitig niya sa kamay kong hindi ko mapigilan ang panginginig...


"Don't worry. Mga bodyguards sila."

["Bodyguards mo?"] Grabe naman kung ganun... Andami, eh...


He heaved a sigh before he responded.


"Bodyguards sila ng girlfriend ko." Sagot niya tsaka siya naglakad papasok sa restaurant.



G-Girlfriend..?



Bodyguard ng girlfriend...mo...namja..?



Namja?



Totoo ba yung narinig ko?



May...bagong girlfriend ka na ba talaga?



Pinalitan mo na ba talaga ako..?




Buti na lang naka-belo ako... Hindi niya mapapansin ang pagluha ko... Gusto kong pigilan pero hindi ko talaga kaya. Kapag naiisip ko kung gaano siya kaguwapo at gaano kaganda yung Persephone na yun, hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan.


Bagay na bagay kasi sila...sobra...


I quickly and secretly wiped my tears and sniffed as much as I could before I ran after him. Nakapasok na kasi siya sa restaurant.




Napakaganda ng restaurant, as expected. Maraming matitingkad na chandelier na punung-puno ng crystals, at maaliwalas din ang paligid. Ramdam kong puro maharlika ang nandito, base sa pagkilos nila. Napaka-demure ng mga babae at napaka-finesse naman ng mga lalaki.


Mas mae-enjoy ko sana 'to kung hindi kumikirot itong puso ko ngayon...



"Sena, here." Pagtawag ni Azul sa'kin.


Wala sa sarili akong lumapit sa kanya, at halos hindi ko na napansin ang babaeng nakaupo sa mesang nasa harap naming dalawa...


"This is Persephone, Princess of Thanatos, my girlfriend." Pinakilala mo pa talaga sa'kin, namja?!

"Hi!" Maliwanag ang ngiti ng potek na babae.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now