xxiv ◈ memento

1.4K 70 11
                                    

Dahil sa nangyari hindi na ako muling dinalaw ng antok. Kalmado narin si Sasa at alam kong ilang araw na naman itong mananahimik. It was as if her last word means I'm on my own now. Hindi na siya makikialam pa.

Nagbaling ako ng tingin sa labas nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Czarina said the Main is safe. Siguro naman hindi ako mapapahamak kapag naglakad-lakad lang ako sandali. Napangiti ako. Agad akong bumangon sa higaan saka tinungo ang veranda. Maingat kong inakyat ang deck at sinuri ang paligid. Wala akong maamoy na tao sa malapit kaya sigurado akong walang makakapigil sa gagawin ko. Kumpara sa training house mas mataas ang pack house na ito. But I think I can manage, mas malalapit ang mga puno rito kaya siguradong makakasalba naman ako sa pagtalon basta sa tamang sanga ako makababa.

Without thinking twice, I jumped. Bahagyang gumalaw ang puno at nagkaron ng kaunting ingay kaya sandali akong tumigil. I was smiling at myself when I climb down the tree. Nakapaa lang ako ngayon kaya ramdam na ramdam ko ang mga damong tinatapakan ko. It was oddly satisfying. Really.

Mukhang nalalapit na naman ang kabilugan ng buwan. Nakakalungkot lang na hindi ko makakasama si Papà sa araw na yon.

"Aren't you cold?"

Natigilan ako sandali bago siya lingunin. He doesn't look fine. He looks troubled and sleepless. Hinintay ko siyang lumapit katulad ng palagi niyang ginagawa pero nanatili siyang malayo mula sa akin.

"Maayos na ba ang sugat mo?" Pagaaalala ko. Baka dahil doon kaya mukhang kulang siya sa pahinga. Akma akong lalapit nang umatras siya.

"I'm healed. Thanks to you." He chuckled. "By the way, why are you here? Can't sleep, huh?"

Sasabihin ko bang si Diana ang dahilan kaya gising ako ngayon? Napailing lang ako. That doesn't feel right.

"Yeah. I think so. Ikaw, sinusundan mo ba ako?"

Huh? Ano tong sinabi ko?

Nakita ko siyang ngumisi kaya parang nag-init ang mukha ko. "Maybe. Do you want me to follow you? Or beside you?"

Napakurap-kurap ako. "Are you really asking me that?"

Ang kilala kong Alpha hindi naman ugaling magtanong. Mabilis din siyang umamin at walang pasubaling magsabi ng totoong motibo. Mapaglaro sa mga salita.

"Well, I'm a gentleman. And I'm asking a woman. I'm asking you, Alissa."

Muli akong kinilabutan. The way he said my name is giving me chills. Anong mayroon sa kanya ngayon?

"It's fine." Mahina kong tugon.

"Alright then."

Nang makalapit siya ay agad niyang inabot sakin ang suot na jacket. Hindi ako nakatanggi nang siya mismo ang maglagay sa akin. Napabuntong hininga lang ako.

"Do you like thin dress that much?"

Bahagya akong natawa. "No. It was Ury and Nikola. Silang dalawa ang nagbibigay ng damit sa akin."

"Yeah right. They like giving me headaches." He hissed. "And I think Aria will going to join them soon."

"Aria is a lovely girl." I said defending her.

He looked at me with an amused expression. "Of course she is. With the ones she like. And you don't want to know what happens to those she doesn't like."

Nagpatuloy ang usapan namin tungkol sa mga simpleng bagay. I don't know how it goes so well but it does. We are currently sitting on the grass while having a comfortable conversation. That is kinda weird. It was as if the raven has turned white.

The Hunted LunaWhere stories live. Discover now