xi ◈ your reasons

2.6K 92 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan dahil sa mahihinang yabag na parang nagmamadali. Kinusot ko ang mata dahil madilim pa ang paligid. Mukhang madaling araw palang. Ibinalot ko ng maayos ang roba na suot ko bago tingnan kung saan nanggagaling ang mga yabag. Maingat akong umangat mula sa katabi ni Nikola at Ria saka sila kinumutan ng maayos. Tiningnan ko rin si Ury pero mukhang mahimbing parin ang tulog niya katabi ang isang bata. Nanatili ang lahat dito sa quarter room kung tawagin nila sa utos narin ng Alpha.

Napailing ako dahil bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. But I can't deny the fact that he has a beautiful wolf. Nakagat ko ng mariin ang loob ng labi, masyado pang maaga para isipin ang mga ganoong bagay! I should focus on the situation outside. Wala na akong naririnig na patak ng ulan kaya sigurado akong tumigil na ang bagyo. Pero nakakapagtaka ang pananahimik ng pack. Ano na kayang nangyari? Ang mga Moonclaw? Wala na ba sila?

"Alissa?"

Napaigtad ako at gulat na nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mamukhaan ko si Jules. Nakataas ang kilay niya habang dala ang isang tray na puno ng mga duguang gasa at mga bulak. Napaawang ang labi ko.

"Our men captured some of the outsiders but they left them badly injured. Ginamot ko lang sila dahil sa utos ng Alpha." Aniya habang binabagtas ang papalabas sa dungeon. Tahimik akong sumunod sa kanya. Kung ganon, ang mga duguang katawan kagabi ay mga sugatan lang. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang pumatay ng ganon nalang. Or I'm just expecting too much? Kung isa siyang Alpha, kaya niya sigurong gawin ang lahat katulad ng kayang gawin ni Papà para sa nasasakupan niya.

"Nagising ba kita?" Mabilis akong napalingon sa kanya. Tipid siyang ngumiti bago pumasok sa isang puting pinto. Napansin ko agad na ito ang klinika ng pack dahil una kong nakita ay ang maliit na table na may name plate na Dr. Jules Verde. Narinig ko ang pagbukas ng gripo kaya napalingon ako kay Jules. May mga gamit siyang hinuhugasan na pamilyar na pamilyar sa akin. Ilang segundo yata akong natulala sa ginagawa niya bago mapansing nakatitig siya sa akin.

"Pasensya na..." Napangiti ako ng tipid. "Naalala ko lang ang...ang Uncle ko. Isa rin siyang doktor katulad mo."

Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin bago pumasok sa mga shelf na mukhang mga gamot ang mga nakasalansan. Lumabas siya dala ang ilang bote ng gamot at mga bagong gasa.

"Marami ring sugatan sa myembro ng pack, gusto mo ba akong tulungan?" Sinabi niya yon ng hindi ako tinitingnan. Patuloy siya sa pagbasa ng mga nakalagay sa bote kaya dahan-dahan akong tumango.

"Paano ba ako makakatulong?" Tanong ko na nakapagpatigil sa kanya.

Sandali siyang tumitig sakin bago ibalik ang atensyon sa mga bote ng gamot. "Nasabi mong isang doctor ang Uncle mo hindi ba?" Tumango ako. "Siguro naman may naituro siya sayo kahit basic bandage lang? Makakatulong na yon."

Ngumiti ako. "Magsisimula na ba tayo?"

Nakita ko ang pag-ngisi niya bago bitbitin ang isang bag ng first aid kit. Napaatras pa ako dahil hinagis niya sa akin ang kit pero dahil sa gulat at bilis ng reflexes ko nasambot ko yon at pinanlakihan siya ng mata.

"Stop smiling like your Uncle." She uttered before stepping out of her clinic. Napakurap ako. Sandali, tama ba yong narinig ko?

"Hurry up Alissa! We have lots of patients to attend to." Sigaw niya mula sa hallway kaya mabilis na akong sumunod sa kanya at iwinaksi nalang ang iniisip.

I was shocked to see how the storm damaged the pack area. Maraming puno ang natumba mula sa labas at halos karamihan ay nahugot mula sa lupa. Dalawang oras narin simula nang simulan naming gamutin ang mga sugatang myembro ng pack pero hindi ko maiwasang mapasilip sa labas kung saan mas malaki ang pinsala lalo na sa mga pananim na pinaghirapan ng mga tao dito.

The Hunted LunaWhere stories live. Discover now