xli ◈ differences

86 2 0
                                    




I was twelve years old when I heard about the history of Martyn's family. The history of how our ancestors discovered the Island and acknowledged by many as Royals. Sa mga nagdaang henerasyon sila lang ang namuno sa buong isla, ngunit ilang dekada na ang nakakalipas nang mabuo ang konseho. Nabuwag ang pamunuang maharlika at nahati sa apat ang isla. I don't really know the whole story but I know that there's alot to it. Hindi ko lang alam kung bakit iyon lang ang naikwento ni Uncle noon, siguro dahil masyado pa akong bata para maintidihan ang lahat.

"You forced yourself again, Ms. Alissa." Marahan kong nilingon si Elias na katatapos lang palitan muli ang benda sa leeg ko. "Hindi agad maghihilom ang sugat kung hindi kayo magpapahinga ng maayos."

Thank you, Elias.

Nailing siya at tipid na ngumiti. "It's my job, Ms. Alissa."

Sandali akong natigilan at pinagmasdan siyang linisin ang mga ginamit niya. You sound like Jules.

Bahagya naman siyang lumingon sa akin bago ituloy ang ginagawa. "I'd love to hear that in the future Ms. Alissa. I also want to be a great doctor like her."

You'll be one someday. Wika ko pero mahinang tawa lang ang isinagot niya. I'm sure he'll be.

Pareho kaming napalingon nang magbukas ang pintuan ng infirmary. Isang hindi mabasang ekspresyon ang ibinungad niya sa amin. Gusto kong malaman kung anong ginawa niya nang hindi siya sumamang magpunta dito pero mukhang alam ko na kung anong nangyari.

"How is she?"

"I replaced her bandage already but she needs rest...for now." Tipid na paliwanag ni Elias bago magsabi na may gagawin pa siya.

Tiningnan ko si Ross dahil hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya. Nakatitig lang siya sa akin habang malalim ang iniisip. Inabot ko ang kamay niya kaya sandali siyang natauhan.

Are you mad? He took a deep breathe before avoiding my eyes. They're still waiting?

He huffed and make a face. "I told them to go but they are so persistent."

So that's the problem. I can tell them to come back tomorrow.

Nagtaas siya ng kilay at tuluyan na akong nilingon. "I suggest they comeback when you're fully healed, Alissa. If they can't cooperate, I'll take you home to the South and lock the whole place."

Sandali akong napaisip habang pinagmamasdan ang seryoso niyang itsura. I wonder if he can really do that?

"I'm serious, Alissa."

I know that. Alam kong seryoso siya kapag nadadalas ang pagtawag niya sa pangalan ko at kanina pa niya ginagawa yon. I'm actually quite amused. Ilang beses palang niyang nababanggit ang pangalan ko kaya may konting tuwa kapag naririnig ko yon mula sa kanya. But I get his point. It's for my sake. Napansin niya rin siguro na hindi pa ako handa na harapin sila. Their presence suffocates me.

Can you give me a hand? Ani ko para makatayo ng maayos. Mabilis naman siyang umalalay pero hindi parin siya makatingin ng diretso. Nang makalabas kami ng infirmary ay isang tahimik na hallway ang sumalubong sa amin. It's dead silence. Nilingon ko si Ross pero tuwid lang ang tingin niya.

"They're here!" Ilang galaw ang narinig ko mula sa loob ng living room bago muling tumahimik.

Pagpasok palang sa silid ay napansin ko na agad ang pag-iwas ng tingin ng ilan sa kanila. Pati ang mga bata ay tahimik lang na nagmamasid. Mabilis na tumayo ang babae kanina at tipid na ngumiti sa akin. She looks anxious while looking at me and then to Ross.

"Are you okay, Alissa?" Akma itong lalapit pero agad akong hinapit ng katabi ko. I sigh. "Again, I'm sorry for all this trouble. We also want to apologize for coming without prior notice, masyado kaming natuwa na makilala ka kaya hindi na namin naisip ang kalagayan mo at agad na nagpunta dito."

The Hunted LunaWhere stories live. Discover now