ii ◈ drained

3.7K 131 0
                                    

Pinagmasdan ko ang pagkaing nakalagay sa tray. Mabango ito. Mukha ring masarap. Pero wala akong gana. Dalawang araw na akong namamalagi dito, sigurado akong hinahanap na ako ni Papà. Hindi ko rin akalaing magagawa ni Bill ang lahat ng ito. He betrayed my father, even me. Iyon palang nawawalan na ako ng gana. Tumalikod ako sa taong may dala ng tray at niyakap ang mga tuhod.

"Kumain ka kahit kaunti." Natatandaan ko ang boses niya. Isa siya sa mga lalaking nagdala sakin dito kaya bakit ko siya susundin? "Iiwan ko nalang dito ha? Sana kumain ka na, dalawang araw mo ng hindi ginagalaw itong mga pagkain."

"Umalis ka na."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kasunod ang yabag niyang papalayo. Napapikit ako at sinandal ang ulo sa pader. Tiningnan ko ang tray at napalunok. Hindi. Hindi pwede. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang baso ng tubig at ininom yon ng diretso. Water can save me.

Eat now, Alissa. You're starving. My wolf said. Malamya akong umiling at bumalik sa pwesto ko.

"I'm not going to eat their food." Napakagat ako sa labi nang hindi sumang-ayon ang tiyan ko. I'm hungry. Should I eat? No. Kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko kay Sasa, my wolf. I named her after my name.

Napaayos ako ng upo nang may marinig akong papalapit na yabag. Pamilyar din ang amoy nito na mas ikinasama ng pakiramdam ko.

"Maaari kang mamatay sa gutom, prinsesa." I hissed, tinalikuran ko siya, wala akong planong makita at makausap siya. "May hindi ka ba gusto sa pagkain?"

Nanatili akong tahimik, mas isiniksik pa ang sarili sa sulok ng pader.

"Kung ganon, hindi na kita pipilitin pa." Umalis na siya kaya muli akong binalot ng katahimikan.

Lumipas ang araw na tanging pagtulog ang sagot sa gutom ko. Nawala narin ang mga tray na naiipon lang naman dahil hindi ko ginagalaw. Tumayo ako mula sa sahig para silipin ang labas ng rehas. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito. Napakadilim sa labas, tanging mga maliit na torch ang nagbibigay liwanag sa mahabang daan ng kulungang kinalulugaran ko. Walang mga bantay at mukha ako lang ang nakakulong dito.

I sighed. Napansin ko rin ang kulay dilaw kong bestida na ngayon ay puro dumi na. Hindi ba nila ako bibigyan ng damit? Ano pang silbi ng cr sa kulungang ito kung hindi naman ako makakaligo? Sinuklay ko nalang ang magulo kong buhok at inayos ang pagkakatali. Napabuntong hininga ulit ako pagkatapos. Nagbabadya na naman ang mga luha ko. I hate this.

Someone's coming. Naalerto ako sa sinabi ni Sasa. My senses are getting weaker now, hindi ako papaalahanan ni Sasa kung malakas pa ang senses ko. Umayos ako ng upo saka inamoy ang hangin. Napangiti ako bigla, amoy ng magkahalong gatas at strawberry ang paparating.

Mas lumawak ang ngiti ko pagkakita sa kanya. Nalilito siyang napatingin sa akin at sa paligid. Naliligaw ba siya?

"Hi!" Bati ko sa bata. Kulot ang buhok niya na may magulong tali. Bilugan ang mata niyang kulay berde. Nagtataka siyang lumapit sa rehas bago ako pinakatitigan. Tumayo ako at nginitian siya. "What's your name?"

"Um. I'm Ria. I'm...I'm five." Naging matunog ang pagngiti ko nang mapansin na wala siyang suot sa paa.

"Mag-isa ka lang pumunta rito Ria?" Tumango naman siya bahagyang ngumuso.

"Hmm, my sister is being mean so I run from her. Ayoko pa pong matulog eh."

Inabot ko ang dalawa niyang kamay saka siya pinaupo sa sahig sa tapat ko. Nag-indian sit ako at pinagmasdan siya.

"Gusto mo ba dito ka muna?" Ngiting-ngiti siyang tumango. "My name is Aliss, nice meeting you Ria."

"Ria! Ria? Where did she go?"

"Hindi ko alam, duh, magkasama tayo."

"Crap, magagalit si Kuya kapag nalaman niyang nawawala ang batang yon!"

Nagkatinginan kami ni Ria. Napanguso siya at umiling.

"Someone's calling you, Ria. Mukhang oras na talaga ng pagtulog mo." Lumatay ang lungkot sa mata niya, itinayo ko naman siya at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Bumalik ka bukas ng umaga, hihintayin kita."

"Magdadala po ako ng toys?" Ngumiti naman ako saka tumango. "And...and we'll play?"

"Yes, Ria. We'll play together when you came back."

"Okay, okay po! Bye bye!" Kumaway pa siya sakin bago tumakbo papalabas. Natatawa ko naman siyang sinundan ng tingin. She's cute and adorable, I like her already.

Nawala ang ngiti ko matapos makita ang paparating na pigura. Umatras ako palayo sa rehas at niyakap ang sarili.

"Hindi ka raw kumakain, Aliss? Here, I brought your favorite." Umiwas ako ng tingin sa hawak niyang pagkain. It was my favorite bread, made from our home chef, Chef Valery, kung ganon nakakapasok parin siya sa loob ng Manor. Mapait akong ngumiti. Tinatraydor niya si Papà ng harapan, nakakatawang nakakaya niya pang humarap sa aking ama matapos ng mga ginawa niya.

"Hindi ka ba natatakot na malaman niya ang lahat ng ito?" Tiningnan ko siya, naging blanko na naman ang mata niya at umiwas ng tingin. "Alam nating pareho ang kayang gawin ni Papà. Para sa Pack, para sa akin. Lahat gagawin niya para lang mapanatiling ligtas ang mga nasasakupan niya."

Kilalang-kilala ko si Papà. Siya ang Alpha ng Lunàr Pack. Siya ang namumuno at siya ang sinusunod. At isa sa batas niya ang pagpataw ng kamatayan sa mga taong tatraydor sa kanya. The Lunàr community bow to him, lahat ay tinitingala at minamahal siya dahil sa angkin niyang galing sa pamumuno. He deserved it though, he worked hard for it.

"Alam ko ang ginagawa ko Aliss." Inihagis niya sakin ang nakabalot na tinapay at walang pasabing umalis.

Maraming madadamay Bill, kailangan niyo ng magdesisyon ngayon. Napasandal ako sa pader, napapikit. Dinampot ko ang tinapay at tahimik itong kinain.

"Alish!" Napadilat ako sa isang maliit na boses na tumawag sa akin. "Alish wake up!"

Umaga na pala. Napangiti ako at nanghihinang nilapitan si Ria. May dala itong dalawang stuff toys na kulay puti at pula, meron ding isang story book na hindi na mabasa ang title dahil puno ng guhit ng krayola ang pabalat. Natawa ako ng mahina.

"Magandang umaga, Ria." Inayos ko muna ang buhok ko bago naupo sa tapat niya. Mabilis naman siyang naupo rin at ibinigay sakin ang isang teddy bear na hawak niya.

"You promised me that we'll play po diba?" Aniya, biglang ngumuso. "But can we play outside? I want outside Alish. Please?"

"Maglalaro tayo sa labas next time, Ria. Pero pwede bang dito na muna tayo ngayon?" She pouted, pero tumango rin. "Great, so how do we play this? What's her name?" Turo ko sa teddy bear na kulay puti na ibinigay niya sakin.

"That's Sofia and this is Maria." Pagturo niya sa hawak niyang kulay pula. "They are classmates po."

Bigla akong nahilo. Napahawak ako sa rehas sa biglang pag-ikot ng paningin ko. What's happening? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Alish! Alish!" Inaninag ko si Ria pero tuluyang umikot ang paningin ko at muling binalot ng kadiliman.

"Come here, sweetheart. May regalo ako sayo." Tiningnan ko ang bagay na hawak ni Papà, isa yong bilog na bagay na may korte sa gitna. "It's beautiful, isn't it?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ngumiti naman siya.

"Hindi mo ito pwedeng tanggalin Alissa, kahit ano pang mangyari."

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at ngumiti kay Papà kahit pa may kakaibang sensasyong ibinibigay ang kwintas sa leeg ko. "Naiintindihan ko po."

Nagmulat ako nang maramdaman kong may dumadaloy sa pisngi ko. Dahan-dahan ko itong pinahid at medyo nasilaw sa liwanag. Sandali, liwanag?

Am I home? Nawala ang ngiti ko pagkakita sa isang babaeng hindi pamilyar sa akin. Mahaba ang kulot niyang buhok na hanggang bewang. Nakikita ko sa kulay ng mata niya si Ria, kahit ang ekspresyon na parang namamangha ay magkapareho.

"Um, you're awake." Nagmadali itong tumayo bago tumakbo papalabas.

I sighed. "I'm still not home, huh."

The Hunted LunaWhere stories live. Discover now