xxi ◈ Alpha's deal

1.5K 73 7
                                    

[flashback]

ROSS DELUCAS

"Do we have a deal Mr. Delucas?"

Nilingon ko ang taong nagsalita. Magkasalikop ang mga kamay nito habang matamang naghihintay sa isasagot ko. Itinukod ko ang mga siko sa hita at muling napaisip. I'm not really sure about this. Dealing with a man like him would be a gamble. I can't risk my pack just to pay my debt.

"I don't think I can wait any longer, Mr. Delucas. I'm a busy man. I need to hear your answer now." Tumikhim ito at muling sumandal sa kanyang upuan. "Hm. Mukhang kailangan ko pa ng isang dahilan para mapapayag ka."

Tumuwid ako ng upo. Napansin niya sigurong nakuha niya ang atensyon ko kaya siya napangisi. This man, what is he trying to plot?

"Tell me, Mr. Delucas. How are you going to revive a pack that is casted out on the list of Isla Solomon?"

Nagtiim bagang ako. He knew all along, huh? Ito siguro ang totoong dahilan kung bakit ako naimbitahan sa lugar na ito. Kasalanan itong lahat ni Bill, pinilit niya akong tanggapin ang alok ng taong ito. Masyado rin siguro akong naging kuryuso sa naging gawi ng pinsan ko. Tahimik at seryoso itong tao para mangumbinsi ng ilang beses. Doon palang ay naging interesado na ako. Ngunit mukhang magiging mahirap na laro ang papasukin ko.

"Consistency of survival is your top priority, I assume? Sixty percent of outlaws, hunters....and even rogues are living—no, tresspassing in your territory. Clearly, your pack isn't safe anymore. Gain your rights or the south will be vanished. You know them, they are cruel sometimes."

Nanatili akong seryoso habang nakikinig ng maigi sa mga sinasabi niya. He sounds like he forget about what happened a year ago. The reason why Dawn pack are casted out on the list of Isla Solomon.

"What's your point Mr. Martyn?"

Marahan itong tumayo mula sa upuan saka humarap sa malawak na glass window ng kanyang office. Ilang minuto itong natahimik habang nakatingin lang sa papalubog na araw mula sa labas. Kahit ako ay napatitig lang doon.

Fascinating.

"Fascinating."

Napaangat ako ng balikat nang may marinig akong boses ng isang babae mula sa hangin. Sinuri ko ang buong silid pero nasisiguro kong kami lang dalawa ni Mr. Martyn ang nasa loob nito. Odd. Am I hallucinating or what?

'I heard it too.' My wolf said.

"I just want to protect her. And I chose you to do that for me, Mr. Delucas." Pagbasag nito sa katahimikan.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Who?"

"My daughter. My only child." Pagharap niya sa akin.

Natigilan ako at napatitig sa seryoso nitong mukha. Matikas ang tindig nito at halatang desidido sa mga nasabi. Kung ganon, may tagapagmana siyang itinitago sa lahat. Kaya ba hindi siya nangangamba sa mga banta sa buhay niya? Kaya siguro nagdalawang isip ako sa deal na iminungkahi niya sa akin kanina.

"I need your service, Mr. Delucas. Protect something for me. Something important. Something precious."

Something huh? Or should it be, someone?

Pabagsak akong sumandal sa inuupuan ko. Hindi parin ako makapaniwalang nagawa niyang itago sa lahat na may tagapagmana siya. Sabagay. Sa laki ng kanilang manor madali nalang magtago ng bata na hindi makikita ng kahit ninuman. Lalo na kung sa loob ito ng gubat nakatayo.

"Hindi niyo ba siya kayang protektahan? Kayo na nga ang nagsabi, hindi na ligtas pa sa timog kaya bakit ako pa ang napili mo?" Apila ko.

Mukhang napaisip siya sa sinabi ko. Kung proteksyon lang naman ng isang bata bakit kailangan niya pang humingi ng tulong sa iba? Una sa makapangyarihang pack ang Lunar kaya nakakapagtaka na ipapasa niya sa iba ang pagbabantay ng isang bata.

"There's a rumor that's spreading all over Solomon. A rumor about her as my successor. Unfortunately, not everyone will go easy about it. They will dig deeper until they are face to face with my daughter. Iyon ang ayokong mangyari. Magiging mapanganib kapag natunton nila ang anak ko sa lugar na ito. Kapag nangyari yon baka hindi ko siya maprotektahan ng sapat laban sa mamamayan ng Lunar o ng iba pa." Paliwanag niya.

Still, I don't think sending her away will be a good option.

"I know what you're thinking." Aniya na mukhang nabasa ang ekspresyon ko. This really doesn't make sense. Kung ako nasa sitwasyon niya, hinding-hindi ko magagawang ilayo ang anak ko. "Odds are but I wanted to fulfill her dreams. Kapag nakikita ko siyang patagong sinisilip ang kagubatan mula sa bintana, naiisip ko kung gaano ako kasamang ama. I want her to be free for a while. I want her to find her path and grow on her own. By then, she will learn how wonderful and cruel the world is."

It doesn't sounds a good thing. That's a hopeless chance learning it's just for a while.

"Hitting two birds with one stone, eh? Smart move. But how sure are you that your child is safe in my hands?"

"Child? Ahh. Maybe, she's still a child." Aniya na may makabuluhang ngiti. "I don't need your assurance Mr. Delucas. This is a deal between you and me. Make it and deal with it. I'll make sure to return the favor with no time now.."

What? Is that even an assurance? Damn.

"Is it a deal?"

Napailing nalang ako at buntong hininga. He already cornered me with those worthy proposals, considering that he's the first one who offered it. I don't think he's gonna let me decline. So, yeah. Let's fucking deal with it.

"Fine. It's a deal." Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napili ng taong ito para gawin ang gusto niya, pero sa ipinapakita niya sa akin ngayon parang walang dahilan para hindi tanggapin ang alok niya. It was as if he trust me alot. Gayong ngayon lang naman kami nagkita. Napabuntong hininga nalang ako at nang akmang aalis na ako ay bigla na naman siyang nagsalita.

"One more thing, Mr. Delucas." May inilabas siyang parisukat na kahon mula sa kanyang drawer kaya doon napunta ang atensyon ko. Binuksan niya ito at bumungad sakin ang isang bagay.

I want to make a face. That's a silver neck collar. A simple and plain jewelry with an infinity sign at the center that is kinda weird. Anong gagawin ko sa bagay na ito?

"I also want this to your possession."

"Is this a family heirloom or something?" Medyo iritado kong tanong. Ano bang gagawin ko sa bagay na ito? Isusuot ko sa anak niya?

"That's...for you to find out, Abran."

Umigting ang panga ko. Tanging ang mga magulang ko lang ang tumatawag sa pangalawa kong pangalan. Mukhang tama nga si Doktor Benjamin na matalik na magkaibigan ang Alpha ng Lunar at Dawn mula pa noon. Hindi ko pinaniwalaan ang tungkol sa bagay na yon dahil mas naniniwala akong kalaban ang lahat pagdating sa kapangyarihan.

"I almost forgot. You must return her when I say so."

"Of course." Bakit naman hindi?

"Alive, Delucas."

Sandali akong natigilan bago marahang tumango. Nang tumalikod siya ay saka lang ako tuluyang lumabas ng silid. Dealing with the Lunars Alpha is a gamble. Marami ang humahabol sa kapangyarihang meron ito sa Isla Solomon. Kung malalaman ng mga ito ang tungkol sa pagbabantay ko sa nagiisang tagapagmana ng Lunar, siguradong madadamay ang iniingatan kong pack. But I already decided, I will fucking play the role.

I'll babysit the damn child.

The Hunted LunaOnde histórias criam vida. Descubra agora