28: Beautiful and Handsome

59 1 1
                                    

ASHLEY'S

Nandito kami ngayon sa Southwood Beach Resort. Dito ako dinala ni Owen, I have no idea why.

"I already told Dad na nandito tayo. And, he said, We can stay here for a day" biglang sabi niya. Nasa loob kami ng isang malaking bahay. Ang ganda, halos puro glass yung mga dingding. Tapos white yung kulay kahit saan ka tumingin.

"So, this is all yours?" im pertaining to the whole resort.

"No, it's My family's property" ang humble talaga ^____^

"Thanks Ow. For everything" sabi ko naman habang seryosong nakatingin sa kanya.

"You know I'm always here, Ash. Anytime, anywhere. I'll be your..." medyo napahinto siya at napayuko. Hinihintay ko lang tapusin niya yung sentence niya. "Your... Bestfriend" sabay ngiti.

Awww! Bestfriend lang :( Pwede bang be my PRINCE nalang? :((

Tumango lang ako. Tapos dinala niya ko sa isang room.

Whoah! Yun lang ang masasabi ko sa room na to.

As in... WHOAH talaga!

"Kanino to? As far as I know, wala ka namang sibling na girl? Bakit ang girly ng room na to?" pink kasi yung kabuuang kulay tapos merong make-up area. Yung bed naman, hello kitty. Alangan namang sa mama niya to?

"A...ah. This is one of my cousin's room. S...si A-al-althea. Oo, si Althea. Minsan kasi, nagsstay din sila dito, you know, for vacation." mautal utal na sabi niya. Bakit siya nauutal? Siguro crush niya ko. Kyaaaaah! ^_____^

"Ahhh." sabi ko habang hinahaplos haplos yung kama.

Oy hindi ko siya sineseduce ha! Malambot kasi yung kama kaya ko hinahaplos. Kayo, ang dumi ng utak no? :D

"Tara, dun muna tayo sa beach" aya niya.

"Okay" lalapit na sana ako sa kinaroroonan niya kaso...

Napatingin ako sa damit ko.

Naka-uniform pa pala ako :( At wala akong dalang damit dahil biglaan ang vacation na ito!!!

"Ayun yung closet ni Althea. Wear some other clothes" WOW. Mind-Reader?! Hahaha sana Heart-Reader ka din. Para alam mo. Para alam mong mahal na mahal kita! T^T

Lumapit ako sa closet tapos tumingin ako sa kanya. Binigyan ko siya ng 'baka-gusto-mong-lumabas-muna' look.

"Cool, i'll just wait outside" sabi niya. Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Kahit crush kita, hindi ko isusuko ang bataan no!

Nagsuot ako ng palda. Yung above the knee. Tapos I removed my polo shirt kaya naka-bra nalang ako. Beach naman diba? So, okay lang na ganito suot ko.

Sinuot ko yung sandals sa tabi ng pinto ng kwarto tapos lumabas na ko.

"Owen?" sabi niya dito lang siya sa outside. Nasaan na ba yun?

Wala siya sa kusina, wala siya sa sala. Nasaan na siya?

Lumabas ako ng bahay, nagbabaka-sakaling nadoon siya. Pero, pagbukas ko ng pinto...

OMG! O.o

A man wearing sando shirt and beach shorts with matching shades and hat. (Yung hat ni Charice Pempengco nung girl pa siya? Yun ganun)

"Sorry, nagbihis din ako eh." sabi niya tapos tiningnan niya yung kabuuan ko. "...you look good"

"T...thankyou" omaygad! Nauutal ako. Ang gwapo niya. He's so perfect!

"Tara na..." Inabot niya sakin yung kamay niya. Hinawakan ko naman yun at nagsimula kaming maglakad.

This is definitely the perfect day ever! Kahit papaano nakalimutan ko na may tao akong nasaktan, si Liam :( Kumusta na kaya siya?

I really feel sorry for him, pero kahit ngayon lang, ayoko muna siyang isipin. Gusto ko lang enjoyin ang araw with the one that I truly love.

"Pwede na bang malaman kung anong nangyari sayo kanina? Ano bang problema?" Sabi niya.

Umupo kami sa gilid ng beach. Ang ganda ng view dito!

"Wag na muna nating pag-usapan. Ayoko muna ng problema. I wanna be happy even just for today" sagot ko naman habang nakatingin sa malayo.

Tumango naman siya.

Tumahimik kami sandali pero maya maya lang...

"Owen, tama na! Ano ba!" Winisik wisik niya sakin yung tubig ng beach.

Ginantihan ko siya, "Oh heto sayo" pero hindi pa din siya tumitigil.

Tawanan. Masaya. Walang problema. Sana ganito nalang palagi.

My life isn't perfect,

But it can be perfect,

Kung ikaw ang kasama ko araw-araw

Kung ikaw ang palaging nakikita ko mula sa paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog

Kung mapapasakin ka, Owen. Nasakin na ang lahat!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now