24: Sacrifice

49 3 0
                                    

Ashley's POV

First Day of classes today! First Day of being a college student.

A bit nervous but mixed with excitement! Hayyy. This is my first time to study with inspiration. And that inspiration eh, makakasama ko sa isang school. Ano kayang mangyayari? Hihihi!

Napapangiti ako habang kumakain ng breakfast tapos nakita kong pababa ng hagdan si Patrice.

"Good morning patty! Where have you been yesterday?" Hindi ko na kasi siya nakitang umuwi. Baka umuwi siya nung tulog na ako.

"I told you, I went out with Allison" napatingin ako sakanya habang kumakain ako. Umupo siya sa tabi kong chair.

Bakit ganyan yung mukha niya? Para siyang bangag?! O_o

"Naglasing ka ba kagabi?" Diretsong tanong ko.

Umiling siya pero hindi nagbitaw ng kahit anong salita. Nakakapanibago ah.

"You can always tell me anything, sis" dahil sa sinabi kong yun, napatingin siya sakin. Yung seryosong tingin.

Sabi na eh. There is something wrong with this creature. Alam na alam ko.

Bumalot sa amin ang panandaliang katahimikan hanggang...

"The guy that I want" aniya.

"Oh? What happened to him?" tanong ko. Nambibitin pa eh! >__<

"Hindi ko na siya pwedeng magustuhan" napayuko siya. Ako naman, ganito (⊙o⊙)?

"Huh? What do you mean? Sinaktan ka ba niya? Sis, uupakan ko siya. Tara puntahan natin, ngayun na!" tumayo ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

May nanggigilid ng luha sa mga mata niya. Hindi ko mawari kung anong totoong nangyari. Pero isa lang ang sigurado ako. Nasasaktan yung kapatid ko.

"Sis, what happened ba? I'm here, I will listen. Wag mong solohin yung problema. Diba partners tayo? Ayokong nakikita kang ganyan" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko yung mga luha na pilit niyang pinipigilan.

Maya maya ay tumayo na din siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ashley, sis, I love you! Since we we're kids, pinoproblema mo din kahit simpleng problema ko lang. Pag hindi ako nakagawa ng assignments, nagagawa mong mag-cut ng classes para lang magawan ako. But iba na ngayon, Ash. We are grown-ups already. And this time, It's my turn. Gusto kong suklian yung mga kabutihan mo. Gusto kitang mapasaya in my own way" humihikbi siya habang nakayakap pa din sakin.

Namumuo na din yung mga luha sa gilid ng mga mata ko. Ang sarap sa feeling na ganito kayo ka-open ng kapatid mo sa isa't isa. Ang gaan sa pakiramdam.

"Patty..." inilis ko siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan yung mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata niya.

"...i'm your big sister. Natural, I will do anything for you. And you don't have to worry about me now. Because..." heto na. Sasabihin ko na sa kanya yung natuklasan ko last night.

"...because I'm already happy. Natupad na yung wish mo para sakin, little sister. I'm already inlove with a guy. And this time, it's for real!" tumulo ulit ng mabilis ang mga luha mula sa mga mata niya pero she afforded to give me a smile.

"Who's this lucky guy?" Tanong niya habang pinupunasan niya yung luha niya.

"His name is Owen. Owen McDermoth Tyler"

Lumuluha padin siya. Tears of joy ba yun? Ewan ko. Pero masaya ako. At thankful ako sa kapatid ko dahil kung hindi dahil sa kanya, never ko na sigurong mararamdaman ang 'Tunay na Pag-ibig' hanggang sa mamatay ako.

Niyakap niya ko. Mahigpit!

"Make sure that he will also fall inlove with you huh? Wag mo na siyang pakawalan. Maswerte siya dahil siya ang unang lalaking bumihag sa puso mo" sabi niya sa gitna ng yakapan namin.

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. 'Oo naman. I will make him fall for me too. In time, he will. Owen will fall inlove with me.' sabi ko sa isip ko.

Patrice's POV

Ang magparaya ay walang kasing hirap! Pero kung yun lang ang makapagpapasaya sa Ate ko, then, magiging masaya na rin ako para sa kanya.

I'm on my way to Golden Arches Acad.

First day of class ngayon.

Namumugtong padin yung mga mata ko dahil sa sakit ng iyak ko kanina. Pero meron padin namang part ko na masaya.

Iniisip ko lang ngayon, paano na si Liam?

Sabi niya sa akin, ngayon niya uumpisahan ang panliligaw kay Ash. Meron pa nga daw siyang inihandang surpresa eh.

Paano pag nalaman niya na wala siyang pag-asa dahil si Owen na ang gusto ni Ash?

Dapat malaman niya na bago pa niya deretsahang ipahiya yung sarili niya.

"Sana wag niyang paka-bongga yung surprise niya. Kasi the more na nageeffort siya, the more na mapapahiya lang siya" bulong ko sa sarili ko.

"Kawawang Liam. Paano kung hindi masabi kaagad ni Ashley na meron na siyang ibang gusto? Hay! Kailangang maagapan ko to." kausap ko sarili ko habang nasa loob ng kotse.

"Colton pa man din siya. Paano nalang kung mabalita ito at malaman ng mga magulang ni Liam na ipinahiya siya ni Ashley?" Bulong ko ulit sa sarili

"May ibang tao pa po ba dito bukod sating dalawa?" Biglang tanong ni Manong Gardo.

"Wala. Dalawa lang tayo, bakit?"

"Kanina pa po kasi kayo may kinakausap diyan. Okay lang po kayo, ma'am?"

"H-ha? Oo naman. Kinakabahan lang ako sa first day ko" pagdadahilan ko.

"A-ah manong. Pwede niyo ba akong sunduin mamayang lunch? M-may importante kasi akong pupuntahan" kailangan kong pigilan si Liam sa gagawin niya. Masasaktan lang siya.

"Eh ma'am ang sabi niyo po, 5p.m. pa ang labas ninyo"

"Ako ng bahala dun, basta puntahan mo ko dito ng lunch time" utos ko.

Hay nako Liam. Sana ma-abutan pa kita. Sana mapigilan pa kita!

-*-

A/N:

Shout-Out lang po.

Hello po tayo kay Kriza Lay B. Sunga! :') Kapatid ng Bham ko. Haha. Thank you sa pagbabasa ng story ko. Sana ipagpatuloy mo pa.

Darren Manalastas, kung mababasa mo to, haha. Wala lang. :P Hello daw sabi ni Krissy. :']

VOMMENTS NAMAN DIYAN :*

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now