5: The Ruined Date

67 5 0
                                    

ASHLEY'S POV

Papunta ako ngayon sa Kettio Restaurant. Doon kasi nakikipagkita si Patrice. Ipapakilala niya daw sakin yung first choice ko sa pagpili ng idedate.

Naka-taxi ako ngayon. On-hold kasi yung license ko kaya di ako nakakapagdrive. It's either meron akong kasamang driver, o dikaya, magtaxi.

"Bakit ang traffic, kuya?" tanong ko sa driver nung taxi.

"Ah meron po yatang nagsalpukang bus tsaka tricycle sa kabilang daan."

"Naku ganun po ba. Sige lalakarin ko nalang po siguro, malapit na din naman ako sa pupuntahan ko e." Nagbayad na ko at bumaba. Gumilid ako sa walking lane at doon naglakad.

Tinignan ko yung oras sa wrist watch ko habang naglalakad ng...

*blagggshhp!* (yung bag ko nahulog)

Natisod ako! Pero...

Pero...

Me-merong lalaki...

Nakahawak sa baywang ko ang isang kamay niya at nakaalalay sa likuran yung isa.

Ako naman, nakahawak sa magkabilang balikat nung guy.

Nasalo niya ko.

What?! Teka. Baka namboboso lang to!

Pero bakit...

Bakit ang amo ng mukha niya? Parang isang anghel na hulog ng langit.

Tumiwalag ako at sinubukang bumalik sa pagkakatayo pero...

Inalalayan niya ko ulit dahil muntik ulit akong mapa-upo.

Yung heels ko nasira!!!! Waaah!

"Miss hindi mo kaya, wag mong pilitin" napatingin ulit ako dun sa lalaki na nakahawak naman ngayon sa magkabilang kili kili ko para sa support.

"Kailangan kong pilitin. May lakad akong importante." Baka sabihin ni Patrice, nandadaya ako e. Kaya kailangan ko siyang siputin. Kaso paano?

Sinubukan kong tumayo at naglakad. Kaso tuluyan na kong bumagsak at hindi na niya ako nasalo.

*bugs*

Lakas ng pagkakabagsak ko. Nung umayos ako ng upo sa sahig...

"Blood!" tapos nagulat ako ng...

Kinuha niya yung bag ko na nakasabit sakin at sinabit iyon sa leeg niya. Tapos...

Bi-binuhat ako!!!

Ng lalaking ngayon ko palang nakita. Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan.

"Anong ginagawa mo? May lakad ako!" nagpupumiglas ako.

"You attempted to walk na, right? Kaya mo ba?" seryoso naman to masyado. Napayuko ako kasi tama naman siya e. Hindi ko kaya!

Pero pano na yung date ko?! Sigurado may parusa kung hindi ako pupunta sa pinag-usapan. >_<

"Saan mo naman ako balak dalhin? Teka. Hindi ko pa alam pangalan mo, binubuhat mo na ko?"

"Osige ibababa na kita." tumigil siya sa paglalakad at pumormang parang ibababa na nga yata ako.

Masakit pa yung sugat ko sa tuhod!!! Tapos yung heels ko, sira pa. Yih!

Humigpit yung yakap ko sa leeg niya, "Wag!"

Itinaas niya ulit ako at tinignan ako ng naiinis na tingin atsaka bumalik sa dinadaanan namin yung tingin niya.

"Dadalhin kita sa condo ko. Malayo pa yung clinic dito, at wala akong sasakyan. Kaya dun ko nalang gagamutin yan. Walking distance lang naman mula dito yung condo ko..." nakatingin pa din siya sa daan. Pakiramdam ko nabibigatan na siya sakin.

"Kung nabibigatan ka na..." bago ko pa matapos yung sasabihin ko,

"Mamaya na ko magpapakilala sa yo pag okay na yang sugat mo. And i-inform mo na din yung taong kikitain mo dapat kanina tungkol sa nangyari sayo" ang amo talaga ng mukha niya.

Teka! Oo nga pala. Si Patrice! Bahagya akong tumingin sa wrist watch ko na naglagay sakin sa sitwasyon na to. Kasalanan niya lahat!

Hala it's 4:35pm. 35 minutes na kong late. Huhuhu! Kailangan kong tawagan si Patty!

Pero pano?

Buhat buhat nga ako ng isang lalaking hindi ko pa kilala e. Pano ako makakagalaw?

Maya maya pa't pumasok kami sa isang building. Dito na yata yung condo niya.

Kinakabahan ako. Bumibilis yung tibok ng puso ko. -.- Baka...

"Send me a complete first aid kit sa room ko." Utos ni Mr.Hindi-Ko-Kilala dun sa Costumer Service Representative.

"Yes, sir." Mabilis na tugon ng babae tsaka niya kinuha yung telepono.

Nasa elevator na kami. Pinapindot niya sa kin yung floor 5. Kasi nga buhat buhat niya ko kaya di niya kaya.

"Okay ka pa ba?" Tanong niya sakin. Wow!

"Hindi ba dapat ikaw yung tanungin ko niyan?" balik ko sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti ng hindi nakatingin sakin. Pero ako,

TITIG NA TITIG SA KANYA.

Ang perfect ng pagkakahulma ng mukha niya. He's an angel talaga. INSIDE AND OUT!

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now