1: Sisters

136 5 0
                                    

Patrice's POV

"Destiny? True love? The One? Hahahahahaha! Saan mo nanaman ba napulot yung mga words mo?" mapang-asar na sagot niya sa akin.

"Sabi ko na nga ba, hindi ikaw yung tamang lapitan sa mga ganitong matters" sagot ko na medyo naiinis.

Badtrip e. Inlove nga ako diba? Di man lang ba niya ako i-aadvice? Sabagay, ano pa bang aasahan ko sa isang to? Playgirl na, heartbreaker pa!

"Alam mo, hindi ka naman kasi dapat nagfofocus sa isang lalaki. Try mo kayang tignan sarili mo sa salamin minsan? napaka ganda mo kaya, mana saken! Kaya kung ako sayo, dapat meron kang reserba para kung sakaling magsawa ka sa isa, edi meron ka pang marami!"

Tinutulad niya nanaman ako sa ugali niya. Ayoko ngang gawin yun. Duh! Ayoko manloko. Ayokong nakakasakit ng damdamin ng iba.

"Eh sis, iba naman kasi ako sa'yo. Hindi ako tulad mo na..." bago ko pa matuloy yung sinasabi ko ay...

*ring ring*

Tinignan niya kung sino yung tumatawag sa kanya. Tas bigla siya tumayo.

"Teka. Teka sis, si Jeff. Sagutin ko lang to." umakyat siya sa kwarto niya upang kausapin si Boyfriend #5. Yes, you got it right. Meron pang Boyfriend #4, #3 and #2. Pero wala siyang #1. Kasi nga diba, hindi yun naniniwala sa 'THE ONE'. At allergic siya sa salitang 'True Love'.

Ako si Patrice Sarmiento but most of the times and most of my friends call me Pat. At yung mokong kong ate, si Ashley Sarmiento. Oo, she's my elder sister. Pero we don't have the same face, kahit gaano ikumpara, malayo yung itsura namin sa isa't isa. At lalong hindi ko siya ka-ugali. Hahaha! Pero mahal ko yung ate ko na yun. Meron akong mga sikreto sa buhay na siya lang ang nakaka-alam, at halos lahat din ng sikreto niya kinukwento niya sakin.

Lumaki kami na ang mommy lang ang nagtaguyod saming dalawa. Pero masaya kami lagi. Ni minsan hindi namin naramdaman na may kulang sa pamilya. Kasi pinuno kami ng pagmamahal ni Mommy.

Mga 5 minutes na ding nakikipag-landian si Ash sa Jeff na yun. Naku naku! Wala tuloy akong maka-usap. Ang tagal!

10 minutes naaaa! Wala kasi akong kasama dito kundi siya at yung mga maids. Si mommy kasi sa Thailand nagwowork. Alangan namang makipagkwentuhan ako sa mga maids?

20 minutes . . . Na-babagot na talaga ako. Magmo-mall na nga lang ako with friends!

Umakyat ako para pumasok sa kwarto ko at magpalit ng damit pero nung maharap ako dun sa pinto ng kwarto ni Ash...

"What?! Hindi nga kita niloloko diba?! Wala akong iba! Wtf naman Jeff!"

"Ano? So you mean, kailangan kong ireport sayo lahat ng ginagawa ko at kung sino sino ang nasa paligid ko? Ang labo mo naman e! Model ako Jeff at may pangalan ako. Kaya kung madami man akong kaibigan na lalaki, natural nalang yun. Kaya pwede ba , stop being so immature!"

"Ah ganon?! Osige! Mas mabuti nga siguro kung tapusin na natin to! Wala ka ng aasahan sakin from now on!"

"Bye Jeff. Humanap ka nalang ng katapat mo!"

Ay ang taray! Palibhasa meron siyang 'RESERBA'. Nakatayo padin ako dun sa tapat ng pinto niya ng biglang...

*inggggk

Bumukas yung pinto! Nagulat ako pero tumuloy sa paglalakad na parang walang narinig. Kaso nung paliko na ko sa kwarto ko,

"Chismosa..."

Nagkamot ako ng ulo habang naka-smile at humarap sa kanya, "Hindi ko naman sinasadya"

"Haha! No, it's okay. Tara mall tayo, my treat!" insist niya. Sanay na ko dito, na kahit magbreak sila ng ka-relationship niya, parang wala man sa kanya. Kasi nga, never siyang nagseryoso sa mga naging boyfriend niya. As in NEVER! May history yun e. Ganito ang pagkakakwento niya sakin...

*flashback*

"Ayoko na, itigil na natin to!" Papa

"Delfin, kaya kong tanggapin ka sa kabila ng pambababae mo. Wag mo lang kaming iiwan ng anak mo!" nakaluhod na si Mama at nakayakap sa kaliwang paa ni papa nung sinabi nya yan. Tapos umiiyak.

"Gertrude, masasaktan ka lang! Mahal ko siya! Kaya please, pakawalan mo na ko!" hindi pa din tumayo si Mama at patuloy pa din ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Paano si Ashley? Ang anak natin? Ayoko siyang lumaki ng walang ama!" Umuungol na sa kaiiyak si Mama pero parang walang pakialam si Papa.

"Mayaman naman ang mga magulang mo e. Edi humingi ka ng tulong sa kanila!" pagsabi niya dun ay hinatak niya yung paa niya na noo'y yakap yakap ni Mama.

"Gertrude, sana balang araw mapatawad mo ko. Minahal kita, pero lalaki ako. May mga bagay na hindi ko mapipigilang gawin. Sorry!" yun na yung mga huling salitang narinig ni Ash kay Papa. Naiwang umiiyak si Mama habang nakaupo sa sahig.

Hindi alam ni Mama, magpasahanggang ngayon, na saksi si Ash sa pag-iwan ni Papa sa kanya. Pinalaki kami ni Mama ng si Mamu at si Pappy lang ang katuwang. Yung pangyayaring yun ang hinding hindi makakalimutan ni Ash. Yun na rin marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, ang tingin niya sa mga lalaki ay katulad ni Papa. Kaya pinaglalaruan niya lang ang mga nagiging boyfriend niya.

*end of flashback*

a/n:

Hello Wattpad World! :) Vomments naman dyan :D Para ganahan si author :))) *kisses*

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now