21: Have you heard the News?

47 3 0
                                    

Ashley's

"O-owen! Anong ginagawa mo dito? Diba umalis ka na?" pambungad na tanong ko sa kumalabit sa aking lalaki kanina.

"Ayaw mo kasing sumakay sa kotse ko e. Kaya sasamahan nalang kitang maglakad" ngiti.

"Hhhh. Dapat hindi ka na nag-abala. Kaya ko naman na e. Tsaka mapapagod ka lang pag naglakad ka" dahilan ko.

"Ayaw mo kong kasama? Osige aalis nalang ako" akmang tatalikod na siya pero hinila ko yung braso niya at medyo napalakas yata yung hatak ko sa kanya kaya...

Eto kami ngayon. Magkalapit ang mukha namin.

His eyes... they're brown.

His nose is perfect.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

His lips were red like roses.

Kung pwede lang kitang halikan ngayon, ginawa ko na. Pero hindi! Mali... mali... mali.

Medyo nilayo ko siya sa akin atsaka binitiwan yung hawak ko noon na kamay niya.

"T-tara. Sasamahan mo ba akong maglakad? Tara na!" sinabi ko yun para wag ng mapunta sa kung saan ang usapan.

Nauna akong naglakad at sumunod naman siya. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naiilang na yata kaming parehas. Ano ba kasing ginawa ko ╯︿╰

Nauuna ako sa kanyang maglakad. Nakakahiya, tinutulungan na nga niya akong umuwi, iniiwan ko naman siya.

Nilingon ko siya sa likod at iniabot ko sa kanya yung kamay ko. Parang nagyayaya. Ayoko kasi yung nagkaka-ilangan kami. Gusto ko sanggang-dikit kami. We're bestfriends, right?

"Bilisan mo na diyan" aya ko.

Ginawa naman nya. Binilisan niyang maglakad hanggang sa magkatabi na kami.

Isinabit ko yung kaliwang kamay ko sa kanang braso niya. Parang yung mga kinakasal, kung paano yung hawak ng bride sa groom. ^O^ Pero walang malisya.

"Sabihin mo lang pag hindi ka na komportable" tinutukoy ko yung pagkakasabit ng kamay ko sa braso. Sinabi ko yun ng hindi tumitingin sa kanya.

Pero nung tumingin siya sakin, napatingin na din ako.

"I feel so comfortable with you." seryoso yung mukha niya.

Owen naman e! Mapopossess nanaman niya ako dahil sa pinaparamdam mo. Ano to? Kinikilig ba ko? •﹏• Isa lang ang alam ko, masaya ako sa sinabi niya.

"Syempre we're bestfriends naman diba. Kaya dapat talaga komportable ka!" iniba ko yung mood. Baka kasi kung saan mapunta.

"Yeah. Bestfriends" ulit niya. Tapos binalik na niya yung tingin sa dinadaanan namin.

Binalik ko na din yung tingin ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Tahimik kaming nakarating sa village. Pero sa entrance palang...

"Hanggang dito nalang ako" sabi niya.

"Huh? Ayaw mo muna bang pumasok samin? Ipapakilala kita sa kapatid ko." Aya ko naman.

"Hindi na. Kakausapin pa kasi ako ni Dad" aniya.

"O-osige. Ingat ka ha. Salamat sa paghatid"

Tumango lang siya at tuluyan ng tumalikod.

Tumalikod na din ako at pumasok na sa village. Walking distance lang naman yung bahay namin mula sa main gate kaya keri ko na to! *^O^*

Nung malapit na ko sa bahay, nakita ko yung family car namin na palabas ng gate ng bahay.

Si Patrice to, sigurado.

Saan nanaman kaya siya pupunta? -_______-

Binuksan niya yung bintana ng passenger seat

"Ash, alis muna ako with Allison"

Tumango lang ako bilang pagpayag. Tapos umalis na siya. Ako, pumasok na sa bahay at nag-net.

Pag-open ko ng browser, 'yahoo!' Yung lumabas na page. Nakita ko yung news tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naintriga ako kaya kinlick ko muna yun.

"Oww. Ang sweet, babe yung tawagan" sabi ko habang binabasa yung news.

Pagkatapos nung kina Kathryn, nilipat ko sa next hottest balita.

O..

M...

G...

'Tyler's Prince and his girlfriend spotted on a food court'

Yung nasa picture...

Si Owen at...

At...

At...

AKO?! (⊙o⊙)?

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now