14: Almost Said

45 4 0
                                    

Ashley's POV

Tumagal din ng almost 2 hours ang date namin ni Liam.

Ang dami naming napagkwentuhan! ^O^

Matagal na pala siya dito sa Phil. Pero ngayon lang siya nagpakita kasi daw ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Ay ano daw?! •﹏•

Ang totoo nga niyan, parehas din kami ng papasukang University sa college.

What a co-incidence diba?

Makakasama ko ulit yung childhood bestfriend ko sa isang school. ^_^||

Kinuwento sakin ni Liam yung mga naging karanasan niya sa America.

Never daw siyang nagka-girlfriend dun.

Kasi daw masyado siyang nagfocus sa studies. Gusto niya raw kasing sumunod sa yapak ni Tito Kenneth, yung father niya, at ni Sir. Wyatt, yung lolo niya.

Nung mga 6:30p.m. na, nagyaya na din akong umuwi kasi maaga yung lalakarin ko sa Grayson University bukas.

"Osige, hatid na kita" pag-iinsist niya.

"Hindi na, papunta na din yung driver namin. Okay na ko." tanggi ko naman.

Tinext ko kasi kanina si Patty, sabi ko pasundo ako kay Mang Gardo ng mga 6:30p.m.

Siguro nasa parking lot na din yun.

Lumabas kami ni Liam sa Kettio's at inihatid niya ako sa parking lot.

At nandun na nga yung kotse ko na dinrive ni Mang Gardo.

"Magkikita tayo ulit, Ash." Sabi ni Liam.

"Oo naman! Same school nga tayo diba?" Pumwesto ako sa tabi ng kotse ko at siya naman sa tabi ng kotse niya.

Magkatabi lang kasi yung pagkakapark ng mga kotse namin.

Tumango siya "Ingat!"

Tsaka na siya pumasok sa kotse.

"Salamat, ikaw din!" Yun na yung huling sinabi ko at umalis na kami ni Mang Gardo.

Pag-uwi ko, nakita ko si Patty.

Pangiti ngiti, habang nanunuod ng TV sa sala.

Di pa ata niya ko na-notice.

"Anong meron? Bat ngingiti ngiti ang little sister ko?" tanong ko.

Ang totoo, napapangiti ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya.

Gusto ko lagi siyang masaya. ╯﹏╰

"Hi, sis! Kumusta date mo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Okay naman. Ikaw! Bakit hindi mo sinabi sakin na si Liam yung ipapadate mo sakin?" umupo ako sa tabi niya. Sa couch.

"Siyempre gusto kong surpresahin yung older sister ko"

Uhhhhh.

Natouch naman ako ╯ 3╰

"Eh ikaw? Ano namang dahilan ng matamis na ngiting yan?" Inakbayan ko siya tsaka tinuro yung labi niyang kanina pa naka-kurba.

"Sis, remember the guy I've told you few days ago?" excited na tanong niya.

"Yung destiny? Yung the one na sinasabi mo?"

"Definitely! Guess what sis..." masayang masaya talaga ang mukha niya.

Hindi ko madescribe!

Hindi ako sumagot kaya tinuloy niya yung sasabihin niya.

"We've met again!" pasigaw na sinabi.

"Really? Wow! I'm happy for you!"

"Yah. And I'm very happy for myself! And alam mo ba kung paano ako nagpapansin sa kanya, sis?!" bakas na bakas talaga sa mukha niya ang excitement.

"How?" na-excite akong pakinggan ang ikkwento niya.

"Nung papunta ako sa Mall, I saw him walking on the sidewalk. And then, syempre nagpa-drop ako kay Manong. And then, I stood up malapit sa kanya, sa direksyon na pupuntahan niya mismo. And nung malapit na malapit na siya, omg! Hindi mo paniniwalaang ginawa ko to sis..." binitin niya yung kwento at sumigaw na parang kinikilig.

"What?! Continue!!!" pilit ko.

"Sinadya kong bungguin siya para ma-caught yung attention niya!" humagalpak siya sa katatawa.

Pero ako, mahinhin lang yung pagtawa.

May naalala kasi ako dun sa sinabi niya.

Naalala ko si Owen.

Ganun din kasi yung unang meet namin e. Nagka-bungguan kami.

"Pero medyo sablay. Kasi ang weird niya. He's acting like we've met already. Alam mu yon? Yung feeling ko dati pa nya ako kilala"

"Baka dati ka pa niya crush. Or worse, baka stalker siya"

"No sis. Iba e. Tinawag niya kong Princess. Hindi kaya, vampire siya? Baka 200 years na siyang nabubuhay, at yung Princess, baka ako yun before I was reincarnated and bago ako maging si Patrice Sarmiento?" -patty

"Nababaliw ka na ba? Yan napapala mo sa kapapanood ng twilight!"

"Pero the good news is... i got his calling card!" Bumalik yung ngiti sa mga labi niya.

"Oh what's his name?"

"His name is O..."

*ring ring*

Naputol yung sinasabi niya dahil nagring yung cellphone ko.

"Patty, I have to take this. It's my Photographer" pagpapaalam ko.

"It's okay , go ahead!"

Pumunta na ko sa kwarto ko at doon sinagot yung tawag.

Sayang hindi ko nalaman yung name nung kinahuhumalingan ng kapatid ko. Pero it's okay. Madami pa namang time.

I will surely meet this guy.

Somewhere...

Someday. ∩__∩

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora