8: The Owner

51 4 0
                                    

Time check

6:58p.m.

Hindi ko pa din alam kung uuwi na ko o magiistay pa ko dito sa Unit.

Iba yung pakiramdam ko sa unit na to. Parang may kakaiba. Parang gusto kong magstay kahit isang gabi lang.

"Pero hindi, mali mali mali!" sabi ko sa sarili ko habang sinasampal sampal yung magkabilang pisngi ko upang magising.

Uuwi na ko. Tama, Ash. Uuwi ka na.

Tumayo ako ng dahan dahan at iika-ikang pumunta sa may TV para kuhanin yung susi.

Palabas na ko ng condo. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bag ko para sabihin sana kay Patty na ipasundo ako kay Manong Ed. Pero pagtingin ko sa phone ko...

"Dead Bats!" Hay. Hassle talaga tong araw na to. Kung anu-anong nangyari sakin na hindi maganda.

No choice! Magtataxi nanaman ako. >_<

Pumasok na ko sa elevator. Ako lang mag-isa kaya I pressed the #1 key. Sa ground floor yun, malamang.

Naku naku! Yung susi...

Saan ko ba nilagay?

Ah! Napasok ko nga pala sa bag ko nung kinuha ko yung phone ko.

Habang hinahanap ko yung susi sa bag ko,

*ting* (bumukas yung elevator)

"Heto!" Nakita ko na. Haha ^___^

Sinara ko yung bag ko. Lalabas na ko nung...

"Oops! Ano ba!" sigaw ko nung may muntik ng makabunggo sakin.

"Oh, ikaw nanaman? Haha!" at ngingiti ka pa?! Muntik mo na kayang tinamaan yung sugat ko na kagagamot MO palang.

Oo si Owen.

Si Owen NANAMAN! -_________-

"Co-incidence pa ba to? O sinasadya mo na talagang bungguin ako lagi?" biro ko. Pero totoo naman e. :D

"Hahaha. Joker ka!" tsaka siya tumawa ng mahina. "...teka, uuwi ka na nga? Okay na ba yan?" tsaka niya tinuro yung sugat ko na naka-benda.

"Ah, oo eh. Hinihintay na ko ng kapatid ko sa bahay."

Pero joke lang yun. Wala namang paki sakin yun kahit umagahin pa ko sa pag-uwi. Palusot lang para wala ng madaming tanong :D

"Hmm. May kapatid ka pala." napayuko siya ng konti at medyo nabago yung expression ng mukha niya.

Parang nalungkot na may pagsisisi, ganun.

"Oo, hm. Bakit? May problema ba?" pagtataka ko.

Muli niyang binalik yung tingin niya sakin at pati na din yung ngiti sa mga labi niya.

"Ha? W-wala. Wala naman. Sige, ingat ka nalang sa pag-uwi ha? Pag nasugat ka ulit, wag kang mahihiyang lumapit sakin." biro niya.

Ha?

B-bat ganito yung nararamdaman ko? Simpleng biro lang yung sinabi niya pero parang napaka-makabuluhan para sakin.

Hayyyy Ash! Nababaliw ka na nga. >____<

"Ah sige. Salamat." Yun nalang nasabi ko.

Medyo nagsalute siya. Parang, 'no problem' yung ibig sabihin nun. Tsaka na siya pumasok sa elevator.

Lalakad na ko ulit nung...

"Tumigil ka na! Ayoko na sayo, hindi mo ba naiintindihan yon?! AYOKO NA SAYO!" sigaw ng isang lalaki habang inaalog alog yung balikat nung babaeng nakaluhod sa harapan niya.

Lumapit ako dahil...

Dahil...

Ewan ko. Basta.

"Hinde. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa babaeng yun! Nilandi ka lang niya," sagot naman ng babae habang nakaluhod at umiiyak. "...kasi malandi siya!"

Tapos...

*pak!*

Tumakbo ako palapit dun sa babae. Parang hindi ko naramdaman yung sugat ko ng mga oras na yun. Mas nakaramdam ako ng galit...

At AWA.

"Sir! Hindi naman po yata tama na saktan niyo siya!" napasigaw ako habang naka-alalay sa babaeng nakaluhod. Pinipilit ko siyang tumayo pero ang tigas ng pagkakaluhod niya.

"Miss, tumayo ka na. Alam niyo po ba na ang pagluhod ay simbolo ng pagrespeto? At ang turo sakin ng Mommy ko, hindi karapat dapat ang respeto sa mga taong walang puso!" Diniinan ko yung word na walang puso sa mukha ng lalaking kaharap ko. "...kaya miss, tumayo ka na dyan please."

Hindi parin siya tumayo. Sa halip, ay umupo siya sa sahig at wala paring tigil yung pagbuhos ng luha niya.

"At sino ka namang pakyelamera ka?!" so, is he pertaining to me?!

"Hoy mister, una sa lahat, NAPAKAGANDA KO PARA TAWAGIN MO LANG AKO NG GANYAN! Pangalawa, ANG PANGIT MO! Pangatlo, ANG PANGIT MO PARIN! At pang-apat, ANG PANGIT MO TALAGA!" halatang nanggigigil na siya.

"Wag kang makikialam dito ha! Masyado kang nagpapabida!" at itinaas niya yung kamay niya.

Om! Sasampalin ba niya ko?!

Pumikit ako at medyo nagbend para umilag ng konti...

Naghihintay ako kung anong mangyayari...

Naku. First time ko yatang masasampal. T______T

Teka, kakafacial ko palang!!!

Pano niyan?! Sayang lang yung ginastos ko sa facial treatment ko?

Ayan na... Naka pikit padin ako.

Pero bakit...

Bakit ang tagal naman yata ng sampal?

Nag slow-mo ba yung mundo?

O baka naman dumating si Matteo Do at pinatigil yung oras?

Unti unti kong idinilat yung mga mata ko, to get out of curiosity.

Nag-ayos ako ng tayo dahil sa nasilayan kong tila ba naka-pinta na pangyayari.

M-may pumigil sa kamay nung lalaking nagtangkang sumampal sakin.

S-si...

O-o-owen! Kyaaaaaaah! Bat siya andito! Diba umakyat na siya?!

Itinapon niya yung kamay ng lalaki pabalik dito.

"Anong karapatan mong manggulo?!" parang galit. H-huh?

Galit?

Bat naman siya magagalit?!

Dahil muntik na kong masampal?

Teka, crush niya ba ko?

Love at first sight?! Hay. Isa lang masasabi ko. Ang corny niya!

Tila umamo yung mukha nung lalaking kanina lang ay tila ba nag-aalborotong bulkan. Bakit ganun? Mas malaki naman yung katawan nung lalaki kaysa kay Owen. Tsaka obvious naman na mas matanda din yung lalaki no! Ang pangit niya kaya, nakaka-umay!

Aha!

Alam ko na! :D

Baka may gusto siya kay Owen!

Asus. Bakla naman pala to e.

"Kung gusto niyong mag-away, pwede ba wag na kayong mandamay ng mga guests! Dun kayo sa bahay niyo kung meron man! Wala kayong karapatang manggulo at manakit ng ibang tao. Not here in my building!"

Not...

NOT.

HERE.

IN.

'HIS'

BUILDING?! O__________O

Mr. ALMOST Perfect's PlaygirlWhere stories live. Discover now