Chapter 70 Gulat

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si.. Sigurado ka? Na walang ibang meaning ang lahat? Kasi naguguluhan na talaga ako Kenn.. Sabihin mo naman... " sabi ko

Di niya ako pinatapos sa sasabihin nang magsalita siya

"Oo I admit Gyl. Gusto kita!!!" sabi niya

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat nang marinig ko yung sinabi niya. Nang maka-kalma na ako ay umayos ako at muli siyang kinausap

"I'm sorry Gyl dahil nararamdaman ko ito pero maniwala ka,everyday na magkasama tayo, it feels brand new to me. Sorry, oo alam kong committed ka kaya ayos lang sa akin. Sorry ah di ko mapigilan eh, I can't Gyl" sabi niya

So what should I do?? Ano ba naman itong buhay na ito? Halo-halo ang naramdaman ko mula sa sinabi niya. Masaya na malungkot. Hindi pwede ito

"Di ako makapaniwala na magugustuhan mo ako. Alam mo nga na committed ako pero bakit? Bakit ako Kenn? Alam mo, kaya ganito ako lately, nagiging malungkot wala sa sarili kasi ikaw ang madalas naming pag-aaway ni Cevi" sabi ko

Siya naman ang nagulat this time dahil sa sinabi ko. Kailangan kong sabihin sa kanya ito para malaman ko ang sagot niya about dito

"Ineexplain ko sa kanya lagi na friends lang tayo pero di siya naniniwala. Tapos ganito ang malalaman ko sa iyo. Bakit Kenn?" sabi ko

"Sorry kung ganito ako sa iyo. Di mo naman ako mapipigilan sa nararamdaman ko diba. Oo hindi ko dapat maramdaman ito pero wala eh, traydor itong nararamdaman ko para sa iyo" sabi niya

"Ayaw ko namang lokohin ang sarili ko Gyl. Pero okay lang if you didn't love me back more than a friend, I understand" dagdag na sabi niya

Saglit akong tagilan sa sinabi niya. Tama naman siya, di ko pwedeng diktahan ang nararamdaman niya

Umalis siya saglit dahil may inutos sa kanya si Tito Lyric





FLASHBACK






"Okay Gyl and Kenn congratulations dahil mapoprmote kayo sa trabaho. I want to give this promotion dahil sa mga pinapakita niyo sa akin lalo na nung nagworkshop kayo. Congrats" Tito Lyric

"Maraming salamat po Sir" sabi ni Kenn

"Ah Tito ayos naman na po ako sa position ko pero thank you po, Sir Lyric" sabi ko

"It's okay Gyl and Kenn. Deserve niyo yun okay. So maiwan ko na kayo" sabi ni Tito Lyric

"Salamat po Sir" sabi ni Kenn

"Salamat po" sabi ko naman

Umalis na nga si Tito at naiwan naman kaming dalawa dito sa office

"So Gyl free ka ba mamaya? Yayain sana kita kahit sa coffee and frappe shop lang, you want?" sabi ni Kenn

"Ah sige, sige. Gusto ko yan" sabi ko

"Thank you Gyl" sabi ni Kenn

"Ayos lang yun" sabi ko








"Bakit magkasama na naman kayo ng lalaking yun? Ayan, sa kanya mo na nilalaan ang oras mo?" sabi ni Cevi

"Kumalma ka nga muna sandali. Niyaya niya lang ako sa coffee shop at treat niya yun" sabi ko

"Paano ako kakalma? Tapos kinakampihan mo pa yung lalaki na yun?" Cevi

"Cevi wala akong kinakampihan dito sinasabi ko lang kung ano talaga ang nangyari. Diba dapat proud ka sa akin kasi napromote ako sa trabaho? Kaya niya lang naman ako nilibre kasi napromote kaming dalawa. Kung ayaw mong maniwala, sige ayos lang, nagsasabi naman ako ng totoo" sagot ko






I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon