Chapter 29

367 21 2
                                    

Three weeks na 'yong nakalipas pero hindi pa kami nag-uusap ni Floyd. Always kasi siyang absent nagtataka na rin ako kong bakit. Hindi naman siya ganon dati kahit na antok na antok siya pumapasok siya. Pero ngayon hindi siya pumapasok. Sa isang linggo isang beses lang siya pumasok. Tinetext ko siya kong bakit 'di siya nakakapasok pero hindi siya nagrereply. Kahit na galit ako sa kanya nag-aalala naman ako kong anong nangyayari sa kanya. Kapag papasok naman siya 'di kami nag-uusap dahil nga galit ako sa kanya, gusto ko siya mismo ang kumausap sa akin. Pero wala, e. Hindi n'ya rin ako kinakausap gusto ko ng closure kong ayos pa ba kami o hindi na. Kong ako pa ba or may iba na?

Gusto kong lumapit kay Ryleigh pero ayoko kahit na naka smile siya sa akin kapag napapatingin ako sa kanya naiinis pa rin ako sa kanya.

Sobrang mis ko na si Floyd gusto ko ng marinig ang boses n'ya. Gusto ko na siyang makita. Naiiyak na naman ako ang sakit lang kasi. Hindi na ba ako importante sa kanya? Nagising ba siya isang araw na 'di n'ya na ako mahal?

"Hailee." ngumiti lang ako kay Markie siya na kasi ang pumalit kay Floyd sa upuan. Dati nasa unahan siya ngayon nasa hulihan na siya at katabi ako. Si One naman hindi na nakakatabi sa akin kasi busy siyang kulitin at pagtripan 'yong ate ni Ayen.

Hindi ko na sila nakakausap except kay Mark Stephen. Siya lang nasabihan ko ng lahat ng problema ko ngayon. Hindi ko akalain na 'yung taong inaway ko dati siya 'yung magiging katuwang ko ngayon.

"Ayos lang ako 'wag mo akong intindihin namimis ko lang siya." Yumuko at pinigilan kong 'wag umiyak dahil ayokong maging mahina. Pagod na rin 'yong mata ko kakaiyak ilang weeks na rin kasi ako iyak ng iyak tuwing gabi.

****

Ngayong uwian kami naman ni Markie ang mag kasama.

"Hoy, kayong dalawa nagsosolo." Sigaw sa amin ni Jake nasa likod pala namin 'yung pito. Feeling ko lang simula ng dumating 'yung new student nagbago ng lahat. Hindi ko na gaanong nakakausap sila.

"Hailee galit ka ba sa amin?" Hinarangan ni One 'yung paglalakad ko.

"Hindi." sagot ko. Hindi naman talaga ako galit sa kanila.

"Pero bakit parang iniiwasan mo kami?" tanong ni Third. Ako pa talaga ang umiiwas sila nga 'tong 'di ako pinapansin.

"Hindi ko kayo iniiwasan kayo 'yung umiiwas sa akin." namimis ko na 'yung dati. 'Yung masaya ako hindi 'yong ganito ang sakit lang kasi. Ang sakit lang ng mga nangyayari ngayon.

****

From: Floyd
09/03 Today 7:30 pm
Let's break up.

*****

This text break my heart.. Iniisip ko nalang na totoo ba 'tong nangyayari ngayon o nanaginip lang ako. Hindi naman siguro totoo 'yung sinabi n'ya 'di ba? Bakit? Tinatawagan ko siya pero hindi na nag ri-ring 'yong number n'ya.

Pumasok ako ng wala sa sarili ko. Sobrang sakit lang ng nangyayari sa akin. Gusto ko siyang makausap kong bakit. Bakit n'ya 'to ginagawa sa akin?

"Hailee." napaiyak na ako ng lumapit sa akin si One. Gustong gusto ko ng ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Wala na kami One. May ginawa ba ako? Bakit?" Halata sa mukha n'ya ang pagka bigla sa sinabi ko.

"Baka may dahilan," umiling ako. Siguro talaga nagising nalang siyang hindi n'ya na ako mahal.

"Pero bakit kailangan n'ya akong saktan ng ganito One. Sobrang sakit lang kasi ng ginagawa n'ya, hindi siya nagpapakita sa akin. Mas masakit pa na sa text lang siya naki pag break tapos wala man lang n'ya sinabi ang dahilan." Ngayon ko lang na realize na sobrang gago siya. Gusto ko siyang makita at maibuhos sa kanya lahat ng sakit na pinaparamdam n'ya sa akin ngayon.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon