Chapter 14

391 21 0
                                    

Pumasok ako sa room na hindi tumitingin sa mga classmate ko. Alam ko namang nakatingin sila sa aking lahat. Pero ayokong tumingin sa kanila. Tahimik lang akong nakaupo at nagsusulat ng kong ano-ano sa notebook ko.

Kahit ng tumabi sa akin si One hindi ko siya pinansin.

"Hailee," kahit na kinukulit n'ya ako hindi ko pa rin siya pinapansin. Kahit na lahat sila nagpapansin sa akin. Hindi pala silang lahat except kay Floyd nakahiga lang siya sa desk at walang pakialam sa mundo. Habang ito namang walo nangungulit sa akin. Tipong tinatapunan na nila ako ng mga papel at may mga nakasulat don. Yung iba hindi ko na binasa dahil sobrang corny at mga kalokohan lang naman nila ang pinapagsabi nila. Pero kahit na ganon napapangiti ako. Kasi nag eeffort silang maging maayos kami kahit na hindi ko pa naman sila as in close.

Napatingin ako kay Floyd na ngayon ay walang pakialam sa mundo. May humawak naman sa balikat ko at si One.

"Hailee sorry na, a. Bati na tayo." Nag smile lang ako kay One bago tumango. Pero kasi gusto ko marinig yung sorry n'ya. Siya kaya 'yung muntik na dong maka patay sa taong 'yun pero may nabaril na siya dati.

****

Habang kumakain ako sa likod ng building namin dahil lahat nasa cafeteria. Hindi sumama si One sa akin ngayon may pinagkaka busyhan 'ata siya.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin. It's Floyd. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Okay awkward.

Niligpit ko na 'yung pinagkainan ko bago ako humarap kay Floyd. Magsasalita na sana ako ng mapatigil ako dahil nakapikit siya. Natitigan ko 'yung mukha n'ya. Sobrang gwapo, ang tangos ng ilong at mapupula 'yung labi n'ya.

"So, hanggang ilang oras mo ako titigan?" Napaayos ako ng upo ng mag salita siya.

"Hindi kita tinititigan!" Sagot ko sa kanya ng matauhan ako.

"Really huh? Then what is that?" Napalunok ako ng tumingin siya sa akin.

"Hindi nga sabi! Ang kulit mo." At nag poker face ako sa kanya. Umayos ako ng position ko sa pagkakaupo sa bench na nandito.

"Hmp. Hindi ka ba mag so-sorry?" Tanong ko sa kanya.

"For what?" Hayys.

"Sa nangyari kahapon." Tumaas naman 'yung kilay n'ya sa sinabi ko.

"Why would I? Una wala naman akong kasalanan sa'yo para mag sorry." Okay sabi ko nga.

"Ah okay." Sagot ko nalang sa kanya.

"Hailee we know that our fault. It's because of us nadamay ka sa gulo. Pero hindi ibig sabihin non kailangan na naming mag sorry sa'yo. It's because you're disappointed with us? Nope I can't do it that."

"Hindi naman kita pinipilit na mag sorry. Tsaka nanibago lang naman ako nong nakita ko kayo sa mga ganong itsura nyo. Nakita ko 'yung isang side ng buhay nyo. But anyway thank you for reminding me na dapat limitahan ko 'yung pakikialam ko sa buhay n'yo. Isa pa hindi ko pa naman kayo kilala." Sagot ko sa kanya at niligpit na ang gamit ko.

Patayo na ako ng hinawakan n'ya ako sa wrist ko.

"Hindi naman kita pinipigilan na pakialaman ako. What I meant to say before you came to our life may mga bagay na ginagawa na namin at hindi na namin mababago." Then he let my hand go.

Tama naman siya sa mga sinasabi n'ya. Hindi na ako sumagot sa sinabi n'ya at naglakad na paalis.

****

Habang nasa klase naka tingin lang ako sa kanilang siyam. I want to be friend with them but we can't be friends. May mga bagay na dapat iwasan dahil kailangan.

"Hailee hahatid ka namin mamaya." Hindi ako sumagot sa sinabi ni One.

*****

Pauwi na ako ng makita ko na nasa likod ko sila Jake, Ayen, One at Mark.

"Hindi nyo na ako kailangang ihatid. Kaya ko naman 'yung sarili ko."

"Pero baka may mangyari na naman sa'yong masama." Sagot naman ni Jake.

"Oo nga ate Hailee." Sabi naman ni Ayen. At kailan nya pa ako sinimulang tawaging ate?

"Tapos ano? Gagawa na naman kayo ng hindi maganda?!" Napatigil naman sila sa pagsigaw ko.

"Niligtas ka lang naman namin don sa mga 'yun." Sagot ni One at tumango naman sila.

"Yun nga, e. Hindi ko naman sinabing halos patayin n'yo na! Ayokong magkaroon ng mga kaibigang kriminal!" Ohmygosh! I don't want to say that but I need to. Napatigil sila sa sinabi ko.

"Yun ba 'yung tingin mo sa amin?" Seryosong sabi ni Mark.

Hindi na ako sumagot at tinalikuran sila.

*****

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko ng maisipan kong itext 'yung lagi kong nakakatext. Pero ilang araw na siyang di nagtetext sa akin bakit kaya?

~~~~~

To: ***********
Tue 8:09 pm
Hi?

~~~~~~~

Nag reply kaagad siya nong tinext ko. May load naman pala pero hindi nagtetext hmp!

~~~~~~

From: 09*********
Tue 8:10 pm
Hi good evening.

~~~~~~

To: 09*********
Tue 8:11 pm
Walang good sa gabi ko ngayon.

~~~~~~~

From: 09*********
Tue 8:12 pm
Why? Is there something wrong? What happened?

~~~~~

To: 09*********
Tue 8:14 pm
Hmm maliit lang naman na bagay na pinapalaki ko.

~~~~~

From: 09*********
Tue 8:15 pm
IHmm just ignore it.

~~~~~~

To: 09*********
Tue 8:16 pm
Tama ka. Goodnight.

~~~~~

From: 09******
Tue 8:17
Ang aga mo naman matulog ngayon.

~~~~~~

To: 09*******
Tue 8:18 pm
Inaantok na kasi ako.

~~~~~~~

Hindi ko na tinignan 'yung reply n'ya at humiga na.
Goodnight everybody.

*****

Next update ..

July 14, 2019
11:30 P.M

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now