Chapter 9

447 33 0
                                    


Nasa balcon ako ngayon ng bahay nila auntie nagppractice ng kanta. Wala pa akong gitara na gamit dahil 'di pumayag si Aaron. Masyado daw kasi sa kanya mahalaga 'yung gitara na 'yun kaya 'di n'ya ako mapapahiram. Naintindihan ko naman tapos sabi ni Floyd papahiramin n'ya ako. Ewan lang kong pahiramin n'ya talaga ako paiba iba pati 'yun ng ugali.

"Oy Hailee, may hindi ka sa akin sinasabi." Lumapit sa akin si Cassy at tumabi.

"Anong hindi ko sa'yo sinasabi?"

"Bakit close mo 'yung siyam?" Tapos hinampas ba naman ako at kinikilig pa siya.

"Huh hindi ko sila close nakasabay ko lang sila." Sagot ko sa kanya.

"Wow! Wag ka na nga magkaila dyan kaya pala kasama ka rin nilang umalis kanina pati hinatid ka rin nila dito. Hindi mo nga sila close." Sarcastic na sagot n'ya.

"Hindi naman talaga. Ewan ba kong bakit nila ako sinama." Sagot ko nalang sa kanya 'di naman din siya nangulit at bumaba na. Tinawag na rin kasi siya ni auntie.

Tumingin ako sa phone ko 7:20 P.M na pala at may 1 message.

~~~~~~

From: 09**********
Thur 7:00 pm
Hi

~~~~~~~~~

Thur 7:22 pm
Hello

~~~~~

Reply ko sa kanya. Hindi ko pa natatanong name n'ya. Hindi ko na rin tinanong pa kasi lagi n'ya rin naman ako tinutulungan. Muntik pa akong ma late ulit kanina.

~~~~~~~~

From: 09*********
Thur 7:23 pm
What are you doing?

~~~~~~~~

Thur 7:24 pm
Kumakanta haha.

~~~~~~

From: 09*******
Thur 7:24 pm
Really? Marunong ka?

~~~~~~

Thur 7:25 pm
Siguro hahaha. Ikaw ba?

~~~~~~

From: 09********
Thur 7:26 pm
I think I am not.

~~~~~

Thur. 7:28 pm
Ah. Nakakainis nga bukas na ang performance namin. Wala pa akong susuotin tapos wala pa akong props na gagamitin.

~~~~~

From: 09********
Thur 7:30 pm
Is that so? Wala ka bang mahihiraman?

~~~~~~~

Thur 7:31 pm
Meron sana kaya lang hindi ko alam kong papahiramin n'ya ako.

~~~~~~~

Pag tapos n'yan wala na siyang reply. Bakit kaya? Bumaba na rin ako para kumain.

Matapos kong kumain naghugas muna akong plato.. Si Cassy na kasi nagluto kaya ako na sa hugasin.

"Hailee may tao sa labas." Sabi ni Auntie.

Napatingin ako sa whole clock namin 8:30 PM na tapos may naghahanap pa sa akin.

Lumabas ako para tignan kong sino 'yung naghahanap sa akin. Nakatalikod siya pero kahit naka talikod siya kilala ko. Una ko ring na pansin 'yong bag na lagayan ng gitara.

"Floyd," lumingon siya sa akin at inabot n'ya 'yung gitara.

"Here," ng iabot n'ya sa akin 'yong gitara hindi 'yong gitara ang napansin ko 'yung kamay n'ya. May mga sugat kasi 'yung mga daliri n'ya.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now