Chapter 17

386 21 0
                                    

Paalis na kami ngayon ni Cassy papuntang school. Mamaya pa naman kasing gabi ang birthday party ni Divina kaya makakapasok pa kami ngayon.

"Dapat maaga mamaya mag-uwian no?" Excited na excited naman 'tong babaeng 'to. Samantalang ako kinakabahan ako. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan pero may pakiramdam akong may 'di magandang mangyayari.

*****

Nasa room na ako ngayon at katabi ko si One at Ayen. Iwan nga kong bakit tumabi ngayon sa akin si Ayen ako tuloy nasa gitna.

At alam ko na kong bakit ako kinakabahan ngayon dahil wala akong review. Periodical test na kasi namin ngayon. Waah! Ito ba 'yun? Sana ito na 'yung dahilan kong bakit ako kinakabahan wala ng iba.

"Bakit pala 'di pumasok ngayon si Floyd?" Periodical test pati ngayon pero absent siya.

"Naka test na siya nakaraan pa." Huh?

"Paanong nakaraan pa? Meaning nauna na siya?" Tumango naman si One.

"Oo last week pa siya nag take. May importante kasi silang gagawin ng brother n'ya." Kaya pala kahapon 'di siya sumabay sa walo.

Pumasok na ang teacher namin ng tinawag n'ya ako. Kinabahan ako ng sobra ng tinawag n'ya ako.

Pinalabas n'ya ako sa labas ng room at don kinausap.

"Bakit po Ma'am?" Kinakabahang tanong ko.

"I have a bad news to you." Kumalabog ng husto 'yung dibdib ko sa sinabi ng teacher ko.

"Ano po 'yun?"

Parang nabingi ako sa sinabi ng teacher namin ng sinabi n'ya sa akin. Parang nawalan ako ng buhay ng malaman ko. Sana hindi ko nalang narinig? Ito ba 'yun? Ito ba 'yun kong bakit ako kinakabahan ng sobra?

"Hailee? Ayos ka lang ba? Okay lang naman kong mag absent ka ngayon. I-schedule nalang namin ang pag take mo ng exam." Agad akong pumasok sa loob ng room at kinuha ang gamit ko. Hindi ko na pinansin sila Ayen at One nong tinanong nila ako kong ano ang nangyari.

Agad akong tumakbo palabas ng school. Naiiyak na rin ako habang tumakbo. Bakit ba ganito? Kapag masaya ako lagi nalang may kapalit. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang? 'Yung wala ng kalungkutan na mararamdaman.

Habang nasa tricycle ako umiiyak ako.

*****

Napaupo nalang ako ng makita ko ang kalagayan ng kapatid ko. Si mama naman umiiyak.

"Ano pong nangyari?" Nanghihinang sabi ko.

"Francine may sakit ang kapatid mo." Hindi naman siguro malala 'yung sakit n'ya d'ba? Please lang 'wag naman sana.

"Ano pong sakit n'ya?" Napahagulhol na si mama ng tinanong ko siya. Parang gumuho ang mundo ko ng sinabi n'ya kong ano. Parang ayaw kong tanggapin sobrang bata n'ya pa para maranasan 'yung ganito.

****

From: Cassy
Thur 6:30 Pm
Oi hindi ka ba aattend? Nandito na kami sa birthday ni Divina.

*****

Mas lalo akong naiyak sa text ni Cassy. Hindi ba nila alam 'yung nangyayari sa amin? Siguro nga hindi nila alam. Buti pa sila nagsasaya samantalang kami ito. Hindi alam 'yung gagawin kong paano masosolusyonan 'tong problema namin. May leukemia 'yung kapatid ko. Hindi namin alam kong saan kami kukuha ng pera para sa treatment n'ya.

*****

To: 09********
Thur 8:00 pm
Alam mo bang ang dami kong problema ngayon pero wala akong masabihan. Pero dahil 'di mo naman ako kilala sasabihin ko nalang sa'yo.

*****

From: 09********
Thur 8:01 pm
Anong problema? Tell me. I will listen.

******

To: 09********
Thur 8:05 pm
Parang hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kasi matanggap. Sobrang sakit lang. Bakit kaya 'to nangyayari sa amin?

*****

From: 09********
Thur 8:06
Lahat ng nangyayari may dahilan. I know you can do it. You're strong right?

******

To: 09********
Thur 8:07
Hindi ko alam kong magiging matatag ba ako ngayon. Sobrang hirap kasi..

*******

From: 09********
Thur 8:08 pm
Just remember that your not alone. Just keep fighting..

*****

To: 09*******
Thur 8:09 pm
Thank you. Ikaw lang talaga masasabihan ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit kasi ng mga nangyayari.

******

From: 09******
Thu 8:11 pm
Don't worry I will be here for you.

****

Hindi na ako naka reply sa kanya dahil naka tulog na ako. Naka uniform pa ako at 'di nakakauwi. Gising na rin 'yung kapatid ko.

"Janna ayos lang ba pakiramdam mo?" Tumango naman siya ng tinanong ko. 5 years old palang siya pero mararanasan n'ya na 'yung ganitong hirap.

"Francine umuwi ka muna. Kailangan mo munang mag bihis." Ayoko sanang umalis kaya lang naka uniform pa kasi ako.

****

Nagpalit lang ako ng damit pagdating ko sa bahay nila auntie. Walang tao din pagdating ko mukhang kila Divina sila. Nag-iwan nalang ako ng note sa lamesa para mabasa nila na hindi ako makakauwi.

Pinoproblema ko pa 'yung bayarin sa hospital bill ngayon ni Janna. Naghahanap din kasi ng pambayad si papa. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko ngayon.

*****

Hindi ko alam kong papasok pa ba ako bukas. Hindi na kasi pwedeng umuwi si Janna sa bahay kailangan n'ya lang manatili dito para sa treatment n'ya.

Kailangan n'ya pa ng bone marrow buti nalang match sila ni papa. Pero hindi namin alam kong saan kami kukuha ng pang bayad para don. Sobrang laki, kong tumigil nalang kaya ako sa pag-aaral?

****

Lumabas muna ako ng room ni Janna para bumili ng pagkain namin.

"Hailee," napatingin ako sa tumawag sa akin. It's Floyd.

"Ahm.. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Dinalaw ko lang si Lucas may sinat kasi siya."

"Pagaling siya."

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Hindi na ako nakapag salita sa tanong n'ya. Tumulo nalang agad 'yung luha ko ng maalala ko 'yung situation ng kapatid ko.

"Hailee are you okay?" Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"I'm not okay but I need to be strong." Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan ako ni mama, papa at ng kapatid ko.

Bakit ba kasi kailangan pa 'tong mangyari sa amin?

Bumitaw na ako sa kanya ng ma realize ko kong anong ginawa ko.

"Pasensya na."

"Okay lang."

Nag paalam na ako sa kanya dahil bibili pa ako ng pagkain namin. Baka magising na mamaya si Janna kailangan may makain siya.

*****

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now