Chapter 6

477 34 0
                                    

"Pst, Hailee." Kinukulit na naman ako ni One.

"Ano?!"

"Wala namang nangyari kahapon." Nag shrugged lang ako sa kanya baka hindi nga sila 'yon kapangalan lang. Hindi naman sila mukhang basagulero. Mga wala lang silang manners pero 'di ko sila ma imagine na nakiki pag-away sa ibang walang modo.

****

"Okay class may meeting kami ngayon kaya maaga kayong lalabas. Pero may ipapagawa ako. Para sa P.E gagawa kayo ng sayaw o kanta."

"Bukas na po ba agad Ma'am?" Tanong ng classmate ko.

"Nope, sa Friday n'yo ipeperform. Wala ako bukas hanggang Thursday. So, ang gagawin n'yo sa subject ko ay mag practice lang. Kayo na rin bahala sa susuotin n'yo." Tumango naman sila.

"Kayo na ang bahala maghanap ng partner n'yo kong sayaw ang gusto nyo o kanta. Pwede rin solo lang."

"Tsaka bago kayo umuwi maglinis kayo. Ang kalat na ng room n'yo kahapon pa 'ata kayo huling naglinis." Umalis na si Ma'am at ang iba lumayas na. Walang naiwang classmate ko 'di pala may naiwan si Floyd, One, Jake, Aaron at Thunder. Maglilinis ba sila?

"One maglilinis ka ba?" Tanong ko sa kanya. At umiling lang, napakatamad talaga nito. Ako na nga lang. Tumayo ako para kumuha ng walis.

Habang nagwawalis ako nakikinig ako sa pinag-uusapan nila. Sige ako ng tsismosa, alam naman nila na nandito ako pero nag-uusap pa rin sila.

"Nasa labas 'yung grupo nila Kaiser along with Brian." Sabi ni Thunder sa kanila at ako ito nagwawalis, kunwari wala akong paki pero nakikinig talaga ako.

"Again? Hindi na sila nasawa." Walang ganang sagot ni Jake. Mukhang sila nga 'yung nakaraan na narinig kong pinapag-usapan natatandaan kong may binanggit na Kaiser ang name.

"Nasa labas na ba sila Christian?" Tanong naman ni One.

"Oo, niyaya sila sa dati pa rin daw." Walang ganang sagot ni Thunder.

"Kaya na nila Christian 'yun." Napatingin tuloy ako kay Floyd ng sinabi n'ya 'yun.. At shems napatingin din siya sa akin pero agad akong nag-iwas. Bakit ba kailangan kasing may pa sulyap din siya sa akin. Sobrang lakas pati ng impact n'ya sa akin kapag napapatingin siya bak mabawi ko 'yong sinabi ko na 'di ako color blind!

"Sabagay kahit nga si Ayen lang mag-isa kaya sila." Sagot naman ni Thunder tumayo na sila para siguro umalis na.

"Oy, One partner tayo sa sayaw." Pag-aya ko sa kanya na ikinatingin nila.

"Oww.." Di naman siya agad naka sagot kasi nga naka tingin talaga sa kanya 'yung apat mukhang hinihintay din ang sagot n'ya. Parang interested sa isasagot n'ya.

"Ah hahahaha. Hindi pwede Hailee" tapos lumapit siya sa akin at pinat ang ulo ko. Nalungkot naman ako siya lang kasi ang close ko wala na ako ibang pwedeng ma partner.

"Hindi ko hilig ang sayaw, kanta ang gusto ko o kaya rap. Kong gusto mag-aya sa sayaw sila yayain mo, si Floyd, Thunder, Christian at Mark." Umiling naman ako sa sinabi n'ya. Hindi ko naman sila close para sila ayain ko.

"Okay lang," tumango naman siya sa akin bago lumabas na rin siya at sumunod na ang iba. Ako nalang ang naiwan. Nag-aayos na ako ng gamit ko para makalabas na. Napahinto ako ng paglabas ko ng pinto nasa gilid kasi si Floyd parang hinihintay n'ya ako. Nakasandal siya at nakapa mulsa sa bulsa ng pantalon n'ya.

Tumingin lang ako sa kanya at naglakad na rin paalis. Wag assuming Hailee 'di naman ikaw hinihintay non tsaka 'di ka non kilala.

Napahinto ako ng may humawak sa braso ko paharap don sa humila sa akin at nasobsob ako sa dibdib ng kong sinong humila sa akin. Napatingin ako sa lalaking humila sa akin and geez it's Floyd.

"B-bakit?" Bakit ako nauutal. Ang bango n'ya sobra nahiya 'yung gamit kong pabango namumurahin lang.

"Here," inabot n'ya sa akin ang calling card n'ya. Taray may pa calling card.

"Anong gagawin ko dito?" Napa facepalm naman siya sa tanong ko.

"Baka kakainin yan." What?

"Seryoso?" Pinakalma nya naman ang sarili n'ya bago siya sumagot sa akin.

"Just call me or text me sa Sunday." Tapos nilayasan n'ya na ako. Ah okay gets ko na 'yung project na maglilinis kami sa lumang room sa dulo. Oh my Gosh ngayon ko lang na realize na may number ako ni Floyd. Pero nawala din kaagad 'yun kasi wala nga pala akong load. Pinoproblema ko pa 'yung sa P.E kong anong gagawin ko. Ayaw ko naman yayain si Floyd na maging partner siya masyadong nakakahiya 'yun si One kasi, e. Tinanggihan ako, sa cute at ganda kong 'to tinatanggihan n'ya lang ako.

****

Palabas na ako ng school ng makita ko si Floyd, Jake at One na magkakasama. Naglalakad sila papunta kong saan din ang daan ko pauwi. Binagalan ko lang mag lakad kasi ang bagal nila mag lakad busy kasi sila sa mga phone nila.

Napatigil ako ng narinig ko ang name ko na pinapag-usapan nila.

"Floyd tulungan mo naman si Hailee. Hindi ko kasi siya pwede maging partner." Oh My Gosh! Nakakahiya mga pinapagsabi nitong si One.

"Close na kayo agad?" Tanong ni Jake.

"Pft. Syempre close na sila sa daldal ba naman n'yan." Oh Em Gee! Totoo ba 'to? Tumatawa siya? Bihira ko lang kasi siya makita sa room na nakangiti tapos ngayon tumatawa siya. Sana laging ganyan, parang ang soft nya tignan ngayon hindi 'yung lalaking masungit at walang pakialam sa akin.

Sa sobrang wala ko sa sarili ko, di ko namalayan na huminto pala sila sa paglalakad at nabangga ako sa likod ni Floyd. Tumingin sila sa aking lahat, waah nakakahiya.

"Oy, Hailee." Naiilang akong ngumiti kay One.

"Una na ako," sabi ko sa kanila at binilisan ang paglalakad.

"Sabay ka nalang sa amin." Napahinto ako sa sinabi ni One.

"Eh, di na. Malapit lang bahay ko dyan nalang sa may unahan." Sagot ko.

"Yon nga sabay ka nalang dyan din kami dadaan. Para safe ka, alam mo namang maraming adik dyan." Bwesit, na 'to. Totoo naman marami kasing tambay don sa may kanto tapos sa may unahan ang bahay nila auntie. Dahil mapilit si One kaya sumabay nalang ako sa kanila.

Nang malapit na kami sa kanto halos lumuwa mga mata nong mga tao dito sa amin. Wew, mukhang may bago silang pag tsitsismisan at ako 'yun. May kasabay lang akong mga lalaki syempre big deal na 'yun sa mga tsismosa may ma i-tsismis lang.

Napahinto pa ako ng makita ko si auntie na nasa labas na nagwawalis. Patay baka pati 'tong si auntie kong anong isipin sa akin.

"Dito na lang ako, salamat." Tumingin naman sila sa lugar kong saan ako nakatira. Wow, alam kong panget 'yung bahay namin este nila auntie I mean simple lang pala. Semi concrete lang kasi ang bahay nila auntie.

"Sige, alis na rin kami." Tumango lang ako sa kanila. Saan kaya sila pupunta? Napahinto ako sa pag-iisip ng makita ko si auntie na nakatitig sa akin.

"Sino mga 'yon?" Ngayon lang kasi ako nakita ni auntie na may kasamang lalaki. Iniiwasan ko na kasi lalo na strict 'tong si auntie kahit na ang dami kong friends na boys nong 'di pa ako nakatira dito.

"Mga classmate ko lang po 'yun." Sagot ko sa kanya at mukhang 'di satisfied sa sagot ko.

"Sure ka? Sayang akala ko boyfriend mo ang isa sa kanila." What? Napahinto ako sa sinabi ni auntie.

"Oh ba't ganyan ka makatingin? Binibiro lang kita tsaka mahirap na baka ma tsismis ka dito. Ayoko sa lahat 'yung tsismis na 'yan. Marami pating tsismosa dito sa lugar natin." Mapapangiti na sana ako, e.

Pero isa lang mapapangako ko auntie magiging kami ni Floyd. Binabawi ko na color blind pala talaga ako!

Amporkchop! Ang landi ko.

****

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now