Chapter 7

465 32 0
                                    


Nasa room na ako ngayon at itong mga kasama ko busy silang lahat. Super to the point na wala na akong maintindihan. Ako lang nga talaga ang tahimik dito. Pati sila Thunder ang iingay ngayon, anong meron? Si Floyd din maingay nakikipag tsismisan siya sa mga katabi n'ya. Pero 'di naman as in maingay siya, ako lang 'ata ang walang kausap ngayon.

Tapos 'yung iba nag p'practice na ng gagawin nila sa P.E subject. Samantalang ako ito tunganga, wala pa akong naiisip na gagawin ko. Kong kumanta nalang kaya ako? Kaso hindi naman kagandahan ang boses ko. Naka tingin nalang ako sa kanila habang nag-iingay sila. Kong lumabas nalang kaya ako? Ang ingay kasi talaga nila, wala kasi kami ngayong klase.

*****

Nasa likod ako ngayon ng building namin at kumakain ng chocolate na binili ko kanina. Habang kumakain ako may tumabi sa akin. Teka sino 'to? Napatingin ako sa tumabi sa akin holycrop!

Totoo ba 'to? Hindi ako namamalikmata tumabi talaga siya sa akin? Kaso nga lang naka earphone siya baka 'di n'ya ako na pansin. Pero impossible naman 'yun.

Halos tumagal kami ng 30 minutes na ganon ang position. Hindi ko magawang kumilos sa loob ng 30 minutes. Hindi ko inaakalang magagawa ko 'yun. Ganito 'yung impact n'ya sa akin. Potek!

Nag bell na para sa next subject. Tumayo na si Floyd para siguro bumalik na sa building. Kailangan ko na sigurong sabihin 'to. Huminga ako ng malalim at tinawag siya.

"Floyd," napahinto siya bago tinanggal ang earphone n'ya. Mukhang hinihintay n'ya 'yung susunod kong sasabihin.

"Naalala mo ba ako?" Tumingin siya sa akin na naka kunot ang noo.

"What?" Okay sabi ko nga 'di n'ya ako natatandaan. Okay lang naman.

"Ah, wala pala. Hwag mo na intindihin." Tumayo na rin ako at nauna na akong naglakad sa kanya.

"Yes, I remember you." Napahinto ako sa sinabi n'ya. Natatandaan n'ya ako? Omg natatandaan n'ya ako? Bakit parang ang OA ko, yun lang? Ang saya ko na. Buo na 'ata ang araw ko ngayon. Sobrang saya, kasi nakakausap ko na siya. Sa sobrang saya ko tumakbo na ako papunta sa room namin at iniwan siya. Waah 'di kaya nagalit 'yun? Iniwan ko lang siya doong mag-isa.

*****

Inaantok ako ngayon sa subject naming statistics. Nabubuang na akong mag-isip, meori apeuda aahh. (My head hurts)

"Bukas may quiz kayo rito." Buti naman sinabi kaagad ni sir na may quiz kami para 'di ako bagsak bukas. Pero wala talaga akong naintindihan maski isa sa mga sinabi n'ya. Tapos si Markie 'di rin naman nakikinig nag dradrawing nga lang. Tapos si Thunder cellphone ng cellphone, pero 'di sila pinapagalitan, ang unfair. Sana lang bumagsak sila sa quiz bukas.

****

Habang nagliligpit ako ng gamit dahil uwian na.

"One," lumingon naman sa akin si One ng tinawag ko siya.

"Turuan mo ko sa statistics please." Nag puppy eyes na ako sa kanya.

"Huh? Sa akin ka pa talaga nagpaturo eh, bobo ako sa math." Bobo daw? Eh siya nga kanina sigeng sagot sa mga tanong ni Sir.

"Okay lang naman kong ayaw mo." Sagot ko sa kanya bago lumabas na.

"Oy Hailee," hinabol n'ya ako.

"Galit ka ba?"

"Sorry na."

"Hindi ako galit." Sagot ko sa kanya

"Pero parang galit ka, e."

"Hindi nga! Okay lang naman." Bago iniwan ko na siya. Hindi talaga ako galit promise, nagtatampo lang ako. Pwede n'ya naman kasing sabihin kong ayaw n'ya akong tulungan. Siya lang kasi 'yung nag-iisa kong close sa room kaya sa kanya talaga ako hihingi ng tulong.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now