Chapter 12

432 27 1
                                    

Hailee Point of View

Linggo na ngayon at dahil kailangan kong mag linis sa school ngayon bumalik ako kaagad ng city. Text ko pa si Floyd kailangan ko tuloy magpa load dahil expired na load ko.

"Hailee, birthday na ni Devina next week." So? Gusto ko sanang sabihin 'yan kay Cassy kaso baka ma offend siya kaya 'wag nalang.

"Hmm kaya nga." Sagot ko nalang sa kanya. Hindi ko kasi talaga 'yun close masyado kasing mayabang at 'di namamansin. Simula nong naka pag-asawa lang 'yung mama n'ya ng foreigner kinalimutan na kami. Hindi kasama sila Cassy kami lang talaga ng family ko kami kasi 'yung medyo naghihirap.

"Punta tayo, a." Nag smile lang ako sa kanya at bumaba na ako para makaalis ako.

Nagpa load muna ako para ma text ko si Floyd na papunta na akong school. Naka save na rin dito ang number ni Floyd sinave ko nakaraan.

~~~~~~~

To: Floyd
Sun 8:35 am
Papunta na akong school. Wait nalang kita don.

~~~~~

Naglakad na ako papunta sa school ng masalubong ko ang pinsan kong si Devina.

"Hailee," pagkakatanda ko 'di kami close? Pero grabe maka ngiti sa akin ngayon at akala mo close na close kami. Niyakap n'ya pa talaga ako.

"Punta ka sa birthday ko, a." Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Total naman mabait siya ngayon at 'di snob kaya pansinin ko nalang din. Ayoko naman maging masama tingin n'ya sa akin.

"Tsaka pala invite mo rin 'yung mga friends mo." Sinong friends?

"Sinong mga kaibigan?"

"Sila One." Okay I get it. Kaya ako pinansin nito dahil sa siyam na bakla este na mga lalaki pala. Sikat sila sa school at mukhang nalaman n'ya na nakakasama ko sila.

"Ah, kong papayag sila. Sige mauna na ako. Tsaka hindi ko sila close." Hindi ko na kayang makipag plastikan sa kanya kaya naglakad na ako.

Tumunog ang phone ko siguro nag reply si Floyd. Pag open ko ng phone hindi si Floyd 'yung message 'yung unknown.

~~~~~~~~

From: 09*********
Sun 8:48 am
Where are you?

~~~~~~

To: 09********
Sun 8:49 am
Nasa school ako. Why?

~~~~~~

Hindi na siya nag reply. Nakakainis mag t'text tapos 'di naman agad magrereply nakakaasar kaya ang ganon. Kapag ito talaga nag text ulit 'di ko na rereplyan.

Pumunta muna ako teacher namin para malaman n'ya na nandito ako.

Pagdating ko sa room na dapat naming linisan nandoon na si Floyd kasama n'ya si Aaron. Kumakain silang dalawa pagdating ko. Kakainggit maman ginutom tuloy ako bigla.

Hindi nila ako na pansin busy sila sa pagkain. Tapos ang linis na rin nitong room mukhang nalinis na nila. Wala na 'ata akong dapat pang linisin dito. Maayos na rin 'yung mga aklat na nagkalat dito last week. Tapos naka line na din 'yung mga upuan. Kulang nalang talaga design dito sa room. Tsaka 'yung ibang mga sira na upuan na nandito.

"Hi Hailee," ngumiti lang ako ng nag hi sa akin si Aaron. Tapos na sila kumain na dalawa. Sarap ng kinain nila kanina chicken huhu.

"May aayusin pa ba ako dito? Parang ayus na kasi lahat."

"Don't know. Umupo ka nalang siguro." Sagot sa akin ni Floyd. Oy may improvement na kami hehe. Pinapansin n'ya na ako.. Hindi na siya snob hindi na rin siya masungit.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz