Chapter 28

353 22 8
                                    

[HAILEE]

Pasukan na ngayon at nandito na ako sa school. Tinitignan ko kong anong section ako at salamat naman dahil classmate ko pa rin 'yung mga classmate ko nakaraan. Hindi ko kasabay ngayon si Floyd dahil hindi daw siya makakapasok.

Pagpasok ko sa room namin wala pang student. Kaya nag facebook muna ako habang naghihintay sa kanila. Naghintay ako ng 30 minutes bago pa sila dumating.

"Aga mo pumasok, inspired?" bungad agad sa akin ni Jake kasabay n'ya si Christian, Mark at One. Si Mark naman hindi man lang siya tumingin sa akin. Ngayon ko lang naalala may itatanong nga pala ako sa kanya. Ang tagal ko na rin kasi ng huli silang nakita like one month ago na.

"Markie!" Sigaw ko sa kanya dahil nasa first row siya nakaupo samantalang ako nasa last row.

"Nandito na ako baby." Nagulat naman ako sa biglaang entrance ni Floyd. At kailan n'ya pa ako tinawag na baby?

"Akala ko 'di ka papasok?" Umupo siya sa tabi kong upuan.

"Syempre 'di mabubuo ang araw ko kapag 'di kita nakikita."

"Luh! Ang corny mo!" Sabi ko nalang sa kanya. Napatigil kami sa pag-iingay ng may pumasok na dalawang student hindi pala kasama nila si Ayen. Lahat kami naka tingin sa kanila.

"What she's doing here?" napatingin ako kay Floyd. Pabulong lang 'yong pag banggit n'ya pero narinig ko dahil mag katabi lang kami.

"Kilala mo sila?" napansin kong na bigla siya sa tanong ko pero agad naman siyang nakabawi.

"Nope 'yung ate lang ni Ayen si Winter." May ate pala si Ayen.

"Saan dyan 'yung ate ni Ayen?" magkatabi 'yong dalawang girl sa upuan may mga kulay ang buhok nila. Hindi naman kasi dito bawal ang may kulay ang buhok. Ewan nga kong bakit ang weird lang. Si Floyd kasi color ng hair nya blonde ganon din si Christian, Ayen at Clyde.

"Yung blonde 'yung buhok." napatango lang ako sa sinabi ni Floyd 'yung isang babae naman red 'yung hair.

Dumating na 'yung adviser namin. Alam ko naman kong anong gagawin syempre magpapa kilala.

"May new student pala tayo. Kayong dalawa muna ang mauna dahil 'di pa kayo kilala ng mga old student here." Naka tingin lang ako sa kanila ang ganda nila pero parang ang suplada nila. Ewan ba pero sabi nga 'di mo naman malalaman 'yong totoo kong 'di mo pa sila nakikila ng lubusan.

"Hi I'm Winter Xalyn Wyatt. Kapatid ako ni Ayen thats all." umupo na siya kaagad pagkatapos n'yang magpa kilala. Sumunod naman 'yung red hair.

"I'm Ryleigh Dhane." tapos umupo na siya.

"What's your last name Ryleigh?" tanong ng teacher namin akala ko nga 'yung Dhane last name n'ya na. Ilang seconds din kami naghintay na sabihin n'ya pero 'di siya sumagot.

"Gritzner" napatingin ako kay Floyd siya kasi 'yung sumagot. Hindi lang pala ako lahat kami tumingin sa kanya. I thought hindi n'ya kilala si Ryleigh. Napatingin ako kay Ryleigh na naka tingin din kay Floyd nag rolled eyes sa kanya si Ryleigh. Ang weird parang mag ka kilala talaga sila.

"How did you know her last name?" Curious na tanong ni Markie. Ako din gusto kong malaman kong paano n'yang alam.

"W-what? Hinulaan ko lang. I din't know that is correct." Tumingin ako kay Floyd tumingin rin siya sa akin at ngumiti. Pero feeling ko talaga nagsisinungaling siya sa akin.

****

Lunch break na ngayon pero 'di pa bumabalik si Floyd. Nag paalam kasi siya sa akin kanina may aasikasohin lang siya. Kasama ko ngayon 'yung walo pati 'yung sister ni Ayen. Feel ko ang cold ng ate ni Ayen hindi katulad ni Ayen na laging naka smile at laging positive sa mga bagay.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant