Prologue

1.4K 44 1
                                    

WARNING📍 IN-APPROPRIATE CONTENT.

****

He is Jerk! Hindi ko nga alam kong bakit ko siya minahal ng ganito. Siya lang naman kasi 'yong ka una-unahang lalaking nagmahal at minahal ko. Pero lahat ng bagay may katapusan dahil nawala nalang siyang bigla. Iniwan n'ya nalang ako bigla sa ere na parang walang nangyari. Sobrang sakit man non pero isa siya sa pinaka memorable na nangyari sa buhay ko pero siya rin yong pinaka worst. Naaalala ko pa kong paano kami nagka kilala.

Naglalakad ako non pauwi na sa bahay ng may mga lalaking humarang sa dinaraanan ko. Alam ko kong anong gusto nila. 16 years old lang ako nong time na 'yun. Siguro dahil na rin sa suot ko, kasalanan ko naman. Maikling short kasi ang suot ko at naka crop top pa ako. Pero hindi naman naka base sa damit 'yan kong talagang manyak sila.

"Miss patikim naman dyan." Nakakadiri sila mukha silang mga adik gusto ko silang pang sipain kaso wala. Wala naman akong laban sa kanila. Lima sila siguro baka bukas mababalita nalang sa TV na may panibago na namang na rape victim at ako 'yun. Pero nilakasan ko 'yung loob at tumakbo ako pabalik sa pinanggalingan ko.

"Tulong!" Nagsisigaw na ako sa daan kaso malabong may makarinig sa akin lalo na liblib 'tong lugar na 'to. Naiyak na ako ng na hawakan ako ng isa sa mga lalaking humawak sa akin. Nag simula na ring gumapang ang mga kamay n'ya sa ibang parte ng katawan ko.

Umiiyak nalang akong pinabayaan sila. Wala naman akong magagawa dahil ito na siguro 'yung kapalaran ko.

Hinawakan nila ako at kinaladkad kong saan malayo sa daan. Nagkalakas ako ng loob ng may nasalubong kaming lalaki.

"Kuya tulong!" Tumingin lang siya sa akin pati sa limang lalaki. Tingin ko matanda lang siya sa akin ng kunti or halos mag kasing age lang kami.

"Bata wag kang makikialam dito Kong ayaw mong pati ikaw mamatay kasama nito." Hindi n'ya nga kami pinansin at nilampasan lang kami. Nagpupumiglas naman ako at nagsusumigaw.

"Parang awa muna! Tulungan mo ako." Napunit na rin 'yung damit ko dahil sa nagpupumiglas ko. Tsaka alam ko namang wala siyang laban dito dahil isa lang siya at lima sila. Pero hindi naman masamang umasa kahit man lang humingi siya ng tulong para maligtas ako.

"Please," binuhat na ako ng lalaki papunta sa mapunong lugar.

"Let her go." Napatingin ako sa lalaking nag salita. Siya 'yung lalaki na hinihingian ko ng tulong.

"Hoy bata wag kang makikialam!" Tinitigan n'ya lang naman 'yung mga lalaki na parang hindi man lang siya natitinag.

Nanlaki yung mata ko ng may hawak siyang baril. Tingin ko naman nasa 17 or 18 years old palang siya papaanong nagkaroon siya ng baril.

"Gusto n'yo rin bang mamatay?" Parang natakot 'yung mga lalaki sa nilabas n'ya pero agad din itong nawala na ikinatawa nila.

"Hoy bata wag mo nga kaming tinatakot! Alam naming hindi 'yan totoong baril!" Napatigil sila ng kinasa n'ya ito at nasaksihan ko mismo ang pag bagsak ng isa sa mga lalaking muntik ng mang rape sa akin. Tinamaan siya sa binti at iika ikang tumakbo.

Napa atras 'yung iba pang mga lalaki na nagkalakad sa akin.

"Gou ayaw ko pang mamatay!" Nagtakbuhan sila palayo sa amin. Lumapit sa akin 'yung lalaki na nag ligtas sa akin. Natatakot man ako sa kanya ng inabot n'ya yung kamay n'ya para tulungan ako pero tinanggap ko pa rin.

"Salamat. Paano kong magkaso sa'yo 'yong lalaki na nabaril mo?"

"Don't mind him. I can I handle that." Inayos ko na rin 'yung damit ko kaya lang punit punit na talaga. Tinignan n'ya rin ang ayos ko. Nahihiya tuloy ako kaya tinakpak ko ng mga braso ko ang dibdib ko.

"Here," inabot n'ya sa akin 'yung jacket n'ya.

"Salamat." Naglalakad na kami ngayon pauwi sa bahay. Malayo kasi talaga ang bahay namin sa city nasa bundok pa. Hindi ko nga alam kong bakit napadaan siya dito? Kilala ko naman kasi 'yung mga nakatira dito at hindi ko siya kilala. Wala ko pa siya nakita kahit isang beses.

Nang malapit na kami sa bahay.

"Salamat sa paghatid tsaka pala 'yung jacket mo pwede bang hindi ko muna ibalik baka kasi makita ako ng parents ko na ganito ang itsura." Tinitigan n'ya naman ako bago siya sumagot.

"Okay, be careful next time." Umalis na siya at naka tingin pa rin ako sa kanya habang papalayo siya.

Hindi ko man lang natanong kong anong pangalan n'ya... Pumasok na ako sa loob ng bahay at ito lang ang maipapangako ko. Ako nga pala si Hailee Francine Corpuz at hahanapin ko 'yung lalaking nag ligtas sa akin.

******

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now