Chapter 26

331 21 1
                                    


****

This is the last day na G-11 ako. Ito na rin siguro ang huli kong makakasama sila. Katatapos lang namin ma recieve ang award namin. Nag g-group selfie nalang kami ngayon. Pagkatapos nito uuwi na kami.

"By the way guys anong plano n'yo ngayong vacation?" Tanong ni Mark sa amin.

"Siguro ako sa Australia ako ngayong vacation." Sagot ni Christian. Mabuti pa sila ma e-enjoy nila ang vacation nila samantalang ako hindi.

"Ako hindi ko pa alam." Sagot ni One. "Baka mag stay nalang muna ako dito. Maybe month of may pa ako maka alis." Dagdag n'ya pa.

"Wala pa akong plano, e." Sagot ng iba sa amin.

"Ikaw ate Hailee?" Tanong sa akin ni Ayen na ikinatingin nilang lahat.

"Syempre kailangan kong mag trabaho." Nalungkot naman sila sa sinabi ko. Parang ang bilis lang no? Parang kakasabi ko lang na malapit na ang pasukan and now vacation na naman.

"Mag stay nalang siguro ako sa restaurant namin para lagi pa rin kitang kasama." Natuwa naman ako sa sinabi ni One. Bihira ko lang kasi siyang makita sa restaurant na 'yon. Always daw siyang sa bahay nila, e. Wala daw kasing tao ang bahay nila kong aalis pa siya dahil laging busy ang parents n'ya.

****

Matapos naming mag-usap na lahat nag ligpit na ako ng mga gamit ko. Pagkatapos nito pupunta na ako sa lumang room sa building. Siguro nandoon na siya dahil kanina pa sila umalis.

Paalis na sana ako ng may mapansin akong nakaukit sa upuan ni Mark.

"Stienfeld" Stienfeld 'yung middle name ko. Siguro naman dating student 'yung nag ukit nito dito. Hindi naman si Mark. Pero ano bang middle name ni Mark? Hayys nevermind na nga. Maghahanap ako ng mga Stienfeld sa facebook baka sakaling mahanap ko sila. Kaso hindi ko talaga kilala 'yung mga kamag-anak ni mama.

Kaya kahit mag effort ako maghanap baka 'di rin lang sila 'yon.
****

Habang papalapit ako sa lumang room kinakabahan ako. Kailangan ko na bang sabihin ngayon?

Pumasok ako sa room at nakita ko siyang nakaupo sa dulo.

"Bakit mo ako pinapunta dito? Hmm gusto mo akong ma solo no?" Baliw din talaga 'to siya minsan.

"Hindi ah! 'Wag kang assuming dyan. May sasabihin kasi ako." Teka paano ko ba 'to sasabihin? Hindi nya pa rin naman tinatanong sa akin. Tumayo naman siya sa akin at lumapit.

"Anong sasabihin mo mahal na Princesa?" Pagkasabi n'ya non naka pilyo siya na ngiti. Walang hiya 'di ba? Nang-aasar na naman siya. Hindi ko alam kong ma c-cringe ba ako sa ka cornihan nito pero dahil nga siya si Floyd hindi nalang siguro.

"Wala na pala akong sasabihin." Sabi ko nalang tapos medyo na curious 'yung mukha n'ya.

"Really? Akala ko sasabihin mo na mahal mo na rin ako." Eh? Bakit ang galing.

"Paano kong sabihin kong 'yon nga." Napatigil siya ng sabihin ko 'yun. Parang nagulat siya sa naging sagot ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang dalawa n'yang kamay. Parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko ng hawakan ko 'yung kamay n'ya. So, ito pala sinasabi nila na parang may spark!

Naka titig ako sa kanya gusto kong makita ang reaction n'ya pag sinabi ko na.

"Floyd, isa ka sa mga importante sa buhay ko na ayaw ko ng mawala. Lagi kang nandyan kapag kailangan kita. Alam mo simula palang naman gusto na kita. Hindi mo alam kong paano mo pinapabilis 'yung puso ko kapag nandyan kana. Ayoko na 'tong patagalin pa. Tinatanggap ko na. Sinasagot na kita gusto kitang makasama hanggang matupad natin ang mga pangarap natin." Hindi siya kaagad naka sagot sa mga sinabi ko. Mukhang na shock at nong matauhan siya niyakap n'ya ako kaagad.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now