To: 09*******
Sun 9:35 am
Hindi ako okay. Naiinis ako.

******

From: 09******
Sun 9:36 am
Why? Sinong gumalit sa'yo?

*****

To: 09********
Sun 9:37 am
Yung lalaki. Basta naiinis ako ngayon sa kanya hindi kasi siya nagpaparamdam. Gusto ko na siyang tortahin sa sobra kong inis sa kanya.

*****

From: 09********
Sun 9:39 am
Hahaha you're so funny. Baka busy lang siya.

****

To: 09********
Sun 9:39 am
Siguro nga. Pero pwede n'ya namang sabihin na hindi n'ya ako matetext. Nakakainis lang kasi paasa masyado.

*****

From: 09*******
Sun 9:40 am
Hailee.. This is my last text. Hope you enjoy.. Just stay what you are. I love the way you are and goodbye. I hope you will be happy.

*****

Kinabahan ako sa huling text sa akin ng stranger na 'to. Parang may kakaiba kasi talaga. Sobra akong kinabahan ng husto sa mga pinapagsabi n'ya.

"Hailee!" Napalingon ako sa tumawag sa akin and it's Floyd. Napangiti ako ng makita siya sobra ko siyang na mis kahit na 1 day palang kaming hindi nagkikita. Pero wait galit nga pala ako sa kanya.

"Buhay ka pa pala?" inis na sabi ko sa kanya. Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko ginawa baka kasi may valid reason din siya.

"Sorry Hailee." Bakit 'di n'ya kayang sabihin sa akin ang dahilan? Hinihintay ko na sabihin n'ya pero bakit tanging sorry lang. Pinisil n'ya 'yung ilong ko at ngumiti sa akin. Naku! Hindi n'ya ako madadala sa pa ganito n'ya hindi ako marupok na nilalang.

"Wag ka ng mag simangot dyan. Tara date tayo para makabawi ako sa'yo." Hindi ko pa rin siya kinakausap. Okay ako na talagang marupok dahil sumunod ako sa sinabi n'ya. Pero still 'di ko pa rin siya pinapansin.

"By the way masaya ako na naging maayos 'yung operation ng kapatid mo." Ngumiti ako sa kanya di dahil sa kanya okay? Ngumiti ako dahil masaya ako para sa kapatid ko.

"Oo nga, sobra akong thankful sa taong tumulong sa amin na bayaran 'yong operation ni Janna." Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Parang may problema siya na pinipilit n'ya lang itago.

"Floyd may problema ba?" Napansin ko kasing ang tahimik n'ya ngayon. Ah basta may kakaiba sa mga ikinikilos n'ya pati mga ngiti n'ya at 'yung kislap ng mata n'ya. Kilala ko siya kapag masaya talaga siya at ayos. Sa isang taong kasama ko siya kaya alam ko na.

"Huh? Ayos lang ako." Hindi ako satisfied sa sagot n'ya pero baka paranoid lang talaga ako. Natatakot lang siguro talaga ako na bigla siya magbago at mawala nalang bigla. Baka hindi ko kayanin..

*****

Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Sayang nga kulang kami dahil anim lang kaming nandito.

"Ito 'yung sinasabi mong date natin huh?" Expect ko kasi kakain kami or what pero nandito kami ngayon sa dalampasigan at sila One nagbabasaan na ng tubig.

"Hahaha oo. Masaya 'to! Tara!" Hinila n'ya ako pero 'di ako nagpahila sa kanya. Kasi nga 'di ako marunong lumangoy huhuhu.

"Hindi ako marunong lumangoy." Nahihiya kong sabi sa kanya, wala naman kasing dagat sa bahay at 'di rin ako nakakapunta sa may dagat.
Pero sobrang fresh ng hangin dito at ang ganda ng dagat.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Where stories live. Discover now