Forty Seven

5.8K 146 27
                                    

LUIGI's POV

Paulit-ulit kong dinampi ang mga labi ko sa buhok niya. She is finally mine!

I just don't get why does Hanzel let go of Al? Althea Luna Knight is too perfect to let  go.

'Bakit mo s'ya papakawalan kung mahal mo s'ya?'

Ngumiti siya sa akin ngunit bakas ang lungkot sa mga mata n'ya. 'I love her, Luigi but I can't make her happy like you do. Mahal ko siya at gusto kong makitang masaya siya. O-Okay lang sa akin kahit sa piling ng iba. Masaya ako kapag masaya s'ya. Yeah, I sound so pussy but the hell I care. I love her so I'm letting her go. Please keep her safe and love her like I do!'

Napailing na lang ako nang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Hanzel sa akin. Hanzel was so selfless. He love Al unconditionally, I hope she will find a girl that can heal him. I'm wishing him luck and the best.

Hindi man kami naging mag-kaibigang dalawa ay hinihiling ko pa rin na makahanap s'ya ng babaeng magmamahal sa kanya.

"Luigi..."

"Hmm?"

"Okay lang kaya si Hanzel? He's so good to me, I am wondering if how is he doing. Did I hurt him too bad? It's been a month."

"He'll be fine. He is strong. Dalawang beses na n'yang natakbuhan ang kamatayan, kaya 'wag kang masyadong mag-alala."

Umungat ang mukha niya mula sa dibdib ko at kunot noo niya akong tinitigan. "Dalawang beses? What do you mean?"

Mula sa dance floor ng classic restuarant na pinagdarausan ng date namin ay inaya ko siyang bumalik sa kinauupuan namin kanina bago ko s'ya ayaing sumayaw. She was so gorgeous on her dress and light make up. She smile on me when I kiss her forehead before I sat infront of her seat.

"Sabi ni Kuya Levi, Hanzel suffers from a heart disease, alam mo iyon diba?" Tumango siya. "Nagkahiwalay kayo noon dahil sa mga magulang n'yo, mahigit isang taon ka ring nagtago at nagkakilala tayo. You pretend to be an ugly one to be qualified being my secretary and then one of the office days, Hanzel's parent came on in our office then I learned about you and Hanzel. Pinuntahan mo siya sa hospital, ilang linggo mo rin siyang binantayan hanggang sa nalaman daw nina Kuya Lucius na may nagtatangka na sa buhay ni Hanzel.

Humanap sila ng taong magiging double ni Hanzel, wala na daw pamilya ang taong iyon at may katulad na sakit kay Hanzel. Pinabago nila ang mukha nito at s'ya ang nakasama mo isang linggo bago s'ya namatay dahil sa lason. Scriptted lahat ng sinabi n'ya sa iyo noon."

Nanginginig ang kamay niya habang nanggigilid ang mga luha sa mga bilugang mata niya. "W-Who attempt to kill him? Ba-Bakit humanap sila Kuya ng double? I... I-I don't get it Luigi!"

I heaved a deep sigh and caressed her cheek. Her pouty lips are trembling. Her eyes has too many emotions that I can't read. Gulong-gulo s'ya!

"Kinailangan nilang protektahan si Hanzel para sa'yo, Al. At hindi mo na kailangang makilala kung sino man ang may pakana noon. You shouldn't stress yourself, makakasama iyan sa'yo!"

Tumango-tango siya at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. "Naguluhan lang ako, pasensya na. Marami na pala siyang nagawa para sa akin, hindi ko alam. Hindi ko maalala..."

"Shh, okay na 'yun. Hanzel loves you and he can't be mad at you. He just want you to be happy, Luna."
Muli siyang tumango, lumipat ako sa tabi niya ay hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"He want you to be happy... with me. Do you want to be happy with me, Luna?"

"Luigi..." Tumulo ang luha niya kasabay ng pag-banggit niya sa pangalan ko.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now