One

52.3K 704 38
                                    

Prologue:

She is desperate to hide from her family. He is desperate to get away from the woman who wants him just because he has money. 

She play pretend and didn't think ahead. He is cautious but didn't notice what is coming his way.  

She deceived her, but felt guilty about it. He was deceived, he supposed to be mad yet he couldn't. 

She has a lot of secret to unveil, yet the people around her is stopping her to do it. He is so confused but he felt that she is her missing piece. 

She is his secretary and he is her boss. They doesn't supposed to feel something for each other but they did. 

She forgets but he was there reminding her. She is Althea Luna Knight and he is Luigi Xavier Frey. 

And their story started with a hiring poster.

"HIRING: UGLY SECRETARY"


CHAPTER ONE

Her POV

"LUNA! LUNA! LUMABAS KA RIYAN!"

Napabilis ang hakbang ko papunta sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Nakayuko kong binuksan ang pinto at napabuntong hininga. Galit na mukha ni Aling Sena ang bumungad sa'kin.

"Hoy, Luna! Nasaan na ang bayad mo? Aba'y tatlong buwan ka nang walang bayad, ah! Anong akala mo sa apartment ko, pagma-may-ari mo na?" Inis na sabi nito sa akin.

Tiningnan ko siya pati ang paligid namin. Nakatingin sa akin ang mga kapwa ko nangungupahan. Ang iba ay naaawa, ang iba'y napapailing na lang.

"P-P'wede po bang 500 muna. Wala pa po akong n-nahahanap na trabaho, eh." Mahinang sabi ko. Nahihiya talaga ako sa kanya pero wala naman akong magagawa.

Inis niya akong tiningnan bago bumuntong hininga at inilahad sa harapan ko ang nakabukas niyang palad.

"Akin na! Basta't huhustuhan mo ako ng bayad bukas." Sabi niya.

Agad akong nag-tungo sa may ref matapos tumango kay Aling Sena. Tiningnan ko ang pera ko na nakapatong sa ibabaw noon.

800 na lang. Tapos ibibigay ko pa sa kan'ya ang 500. Tsk, isang linggo ko pa sana itong budget, e. Mauubos na rin ang groceries ko.

Nakanguso kong dinampot iyon at bumalik sa may pinto. Inabot ko na ang 500 pero hindi ko agad binitawan.

Huhuhu goodbye 500, hello gutom!

"Ano ba, Luna?! Bitaw na!" Asik sa akin ni Aling Sena.

Dahan-dahan kong binitawan iyon, agad ding namang umalis si Aling Sena na nagbu-bunganga pa. Kesyo, ang lakas daw ng loob kong umupa wala naman daw akong pera. Hays! Por que nakaka-angat siya sa akin ay ganito na lamang niya ako tratuhin.

Kailangang makahanap na 'ko ng trabaho ngayon dahil kung hindi, sa kalsada ako pupulutin. Napabuntong hininga na lamang ulit ako.

"Luna!" Napatigil ako sa pag-sara ng pinto nang may matinis na boses na tumawag sa pangalan ko. "Sabi ko naman sa'yo sumama ka na lang sa amin ni Glydel sa bar, e. Easy money doon!" Sabi ni Yna.

Kilala siyang nagta-trabaho sa bar dito sa lugar namin. Gabi-gabi itong naroon at pag-uwi niya kinabukasan ay marami na siyang dalang pera at grocery. Noon niya pa ako inaalok pero tinanggihan ko iyon, hindi ko kasi kaya.

"Oo nga naman, Luna. Sayang maganda, sexy at makinis ka pa naman. Bebenta ka nang malaki!" Gatong pa ni Glydel.

"Pasensya na pero hindi ko gusto ang gan'yang trabaho!" Nakayuko kong sabi.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now