Six

21.3K 322 4
                                    

LUNA's POV

Halos hindi ako makahinga nang titigan nila ako. Pero, kailangan ko silang i-entertain. Huminga muna ako nang malalim para pigilan ang luha ko at ayusin ang pag-sasalita ko.

"G-Good Afternoon po. W-What can I do for you?"

Mariin nila akong tinitigan.

"We're looking for Mr. Frey. Is he here?'' Tanong ng matandang lalaki.

Wala pa rin siyang pinag-bago. Mukhang suplado pero madali mong malaman na mabait siya. Matikas pa rin ang tindig niya kahit nasa mid-fifties na siya. Siya si Patricio Madrigal.

"Yes, he's here. Please come in."

Ngumiti ako nang bahagya. Napatigtig sa'kin ang kasama niyang babae.

"You know what, hija, you're smile remind me of someone from the past."

Napalunok ako. Past.

Hindi rin nag-bago ang itsura. Sopistikada pa rin siya pero mabait. Katulad ng asawa niya ay nasa mid-fifties na rin ito. Siya naman si Yassi Madrigal

Pinapasok ko na sila at iginiya sa table ni Boss. Mr. Frey is not a fan of setting an appointment kaya okay lang kapag may mga ganitong cases. Malugod naman silang tinanggap ni Boss at sinenyasan ako na bumalik na sa table ko.

Hindi ako makakilos ng ayos. Parang anytime sasabog na ako at iiyak. Hindi na ako sumusulyap sa kanila at pinilit kong itutok ang atensyon ko sa computer kahit wala pang pinapagawa sa'kin si Boss.

I wish Hanzel is here. Mas madali sanang harapin sila. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Alam mo, 'yong secretary mo parang pamiliar sa'kin!" Sabi ni Tita Yassi.

Naestatwa ako sa sinabi niya. Shit! Shit! Stop it!

"Oo nga, Mr. Frey. Naaalala ko rin sa kan'ya ang girlfriend ng anak kong si Hanzel." Sabi ni Tito Patricio.

"Talaga ho?" Kunwaring manghang sabi ni Boss.

"Oo hijo, nagsisisi nga kami at itinaboy namin siya noong mga panahong iyon."

Napayuko na ako nang mag-simulang tumulo ang luha ko.

"Would you mind to tell the story?" Tanong ni Boss.

"Well, Hanzel is our unico hijo. He has a heart disease." Tita Yassi pauses and look at my table. Siniguro kong nakayuko ako at hindi ipinapakita na umiiyak ako. "Hanzel meet his girl on highschool and they last until they graduated in college. Matibay ang relasyon ng dalawang iyon. Bagay na bagay sila. Until one day, they celebrate their 8th anniversary. Masaya si Hanzel noon at aalukin na niya ng kasal ang girlfriend niya kaya lang hindi natuloy dahil inatake siya ng sakit."

Sunod-sunod na ang luha ko. I miss Hanzel so much.

"Akala namin ay pinabayaan siya ng girlfriend niya kaya natagalan si Hanzel bago makarating sa hospital, ang hindi namin alam ay muntikan pang masagasaan ang girlfriend niya kakaharang sa mga sasakyan para manghingi ng tulong. Pinangunahan kami ng galit at pinalayo siya sa anak namin. We tried our best para hindi na sila mag-kita. Hindi namin alam na 'yong time na 'yon ay itinakwil siya ng mga magulang niya."

Kung kanina ay nakatagilid ako, ngayon ay tumlikod na ako at pinapatahan ang sarili ko. Bakit kasi nagtanong ka pa Boss, e? Nakakainis ka talaga.

"Hindi namin alam na tutol pala ang mga magulang ng girlfriend niya sa relasyon ng dalawa. Since then, wala na kaming balita sa kanya. Kahit ang pamilya niya ay wala nang alam. Pinapahanap nga siya hanggang ngayon. Pati si Hanzel halos siya lang ang hinihiling na makita."

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now