Twenty Eight

12.8K 210 13
                                    

LUNA's POV

Tulala lamang ako sa nakabukas na TV. Kanina pa umalis yung dalawang tao, sinabayan lang nila ako kumain.

Hindi ko alam pero kahit konti pagkailang ay hindi ko maramdaman sa kanila.

Napahawak ako sa k'wintas ko.

Tulad-tulad kaming tatlo nito.

Sino ba kasi talaga kayo?

Tinanong ko yung mga pangalan nila pero ngiti lamang ang sinagot nila sa akin. They even give me a new phone. Dito daw nila ako ko-contact-in.

Pero isa pang nakakapagtaka, bakit dumating agad sila ng muntikan na kami--akong mabaril sa resto kahapon?

Hayy!

Nakakapagod na mag-isip. Napalingon ako sa pinto ng hotel room ko ng bumukas iyon.

Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Javier at Jayvee--boyfriend nya. May bitbit silang brown bag at sa tingin ko pagkain ang dala.

"Hey, what's up, Luna?" Bati sakin ni Jayvee

"Mukha kang zombie, Althea Luna!" Maarteng sabi ni Javier.

Nginitian ko lang sila at hindi na sumagot. Dumiretso sila sa mini kitchen. Ipaghahanda siguro nila ako ng pagkain hahaha. Hindi naman needed but they always did it for me. Napakasweet nila sa kin.

"Luna! Naalala mo yung dalawang tao kahapon?"

Napatingin ako kay Javier.

"Oo, bakit?"

"They are here. Actually, they occupied the room next to yours."

Napakunot ang noo ko pero napailing na lang din.

"Hayys, are you sure that you didn't know them, guys?" Tanong ni Jayvee.

"I swear, love. I--We don't know them, it just creep me out that they know me especially Luna." Sagot ni Javier

"Should we call a cop then?" Jayvee ask while waving his phone

Umiling ako at tumayo.

"No need, I think they are harmless naman. They actually save me twice." I said

Jayvee handed me a glass of orange juice. I took a sip on it and then the doorbell rang.

"Are you expecting someone?" Javier ask.

Umiling ako at muling uminom.

Binuksan nya ang pinto. Hindi pa man nya iyon nabubuksan ng maayos ay itinulak na iyon ng kungsino.

Nabitawan ko ang baso ko ng tuloy-tuloy na pumasok ang apat na lalaki. Naka-jacket sila at naka-baseball cap.

"Hey! Hey! Hey, stop." Itinago ako ni Jayvee sa likod nya ng mapansin nyang nakatingin sakin yung apat na lalaki.

Napakapit ako sa tshirt nya sa takot. Lumapit din si Javier at hinawakan ang kamay ko.

Bigla na lamang sumugod yung tatlong lalaki. Itinulak ako ni Javier papasok sa cr. Nilock ko ang pinto at sumandal doon.

Pinakinggan ko ang nangyayari sa labas.

Napaiyak na lamang ako ng marinig ko ang mga daing nila Jayvee at Javier pati na rin ang pagkabasag ng ilang gamit.

Sandali lamang tumahimik at maya-maya napapitlag na lamang ako ng may sumipa sa pinto ng cr.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ko ang paghikbi.

Kailangan kong makaalis dito. Baka kung anong gawin nila sakin.

Sunod-sunod pa din ang mga pagsipa sa pinto ng banyo. Nilibot ko ang paningin ko. Wala akong malalabasan.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now