Seven

19.6K 298 1
                                    

LUIGI's POV

"Althea? Ikaw si Althea hindi ba?" Tanong ko nang makabawi ako.

Pero anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa niya sa apartment ni Luna?

Nakatingin lang din siya sa'kin at wala akong mabasa sa ekspresyon niya. Isinara na niya ang pinto at nilagpasan ako.

"Sandali! Hinahanap talaga kita, e. " Pigil ko sa kan'ya.

Tumigil naman siya at nilingon ako. I handed her a small piece of paper where an address was written. Binigay iyon sa akin ng mag-asawang Madrigal dahil nga nag-offer ako ng tulong.

"What was that?" Nakataas ang kilay niyang inabot iyon.

Her voice is so damn sexy. I can tell that she is well-spoken and had a very good accent. I kinda like her, but she is someone's property.

"J-Just go on that address." Pinili ko na lang na iwan siya roon habang nakatitig sa papel.

I did a good job. Madrigal's Enterprises owes me now, kaya hindi na sila makakawala sa akin ngayon. They will do my bidding whether they like it or not.

Business is business. No more, no less. But I never expected that.

Althea is a goddess. Shit!


LUNA's POV

Hindi ako makapaniwalang hindi ako namukhaan ni Boss. Wala akong ayos bilang Luna the Ugly Secretary at Hailey. Pero paano niya nalaman ang totoo kong pangalan? Oh shit! Ang mga Madrigal!

Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa loob ng apartment. Siguro ay kailangan ko nang lumipat ng tirahan.

Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman ang oras. 2:38 pa lang.

Tiningnan ko uli ang hawak kong papel. Siguro ay pupunta na lang ako rito. Muli akong pumasok sa apartment ko. Nag-ayos ako ng aking sarili. Typically the real me. The real Luna Althea.

I wear a simple nude-color dress that hugs my curves but flowy on the hem, umaabot iyon sa taas ng tuhod ko and a wedge. I do my hair on a messy bun and put a light make up on. Dinala ko rin ang isang cream handbag, naglalaman ito ng ilang bagay na galing sa "parents" ko.

Agad akong umalis sa apartment at nag-dire-diretso sa kanto para mag-abang ng taxi.

Pumara agad ako at ibinigay ang address.

Sta. Lucia Hospital.

"Ma'am, malayo po ito rito, ah." Agad na sabi ng driver nang makita niya ang address.

"It's okay Manong. Babayaran ko kayo kahit magkano."

Tumango siya at nag-simula nang mag-paandar. Tumingin na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang paligid.

Sino kaya ang nasa hospital na iyon? Sana kung sino man siya ay ayos lamang ang lagay niya.

Inabot kami ng dalawang oras bago nag-salita ang taxi driver. "Ma'am malapit na po tayo. Isang kanto na lang."

Tumango ako at dinukot ang wallet ko sa handbag ko. I took one of my ATM cards.

"Manong, idaan niyo po muna ako sa isang ATM machine mag-w-withdraw lang ako."

Agad naman siyang sumunod at tinigil ang taxi.

Yes. Meron akong ATM cards pero hindi ko iyon ginagamit. Kapag ginamit ko iyon, ma-t-track ni Daddy kung nasaan ako. At iyon ang pinakahuling gusto kong mangyari.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now