Revenge #24

459 13 2
                                    

A/N: It's a little bit late but yeah, Happy Birthday Miguel Patrick Lim Robles!!! Love you and your imperfections. Where art thou?

Sabaw. Sorry. Mag-comment ka naman. Salamat! =)

Revenge #24: Left Behind

Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring Miguel Patrick Robles na nagpapakita sa amin. Matatapos na ang semestral break at magsisimula na naman ng panibagong semester pero wala pa rin siya. We can’t contact him since he left his phone and his parents stop contacting us after a week. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. I knew that we’re living in the same village but I don’t know his exact address. I’ve known him for months now but I really don’t know him. Ang alam ko lang sa kaniya: ang buong pangalan niya, ang edad niya at ang kursong kinukuha niya. Ni hindi ko nga alam kung anong klase ng Engineering ang kinuha niya. Is it Mechanical, Civil, Electronics Communication, Electrical or what so ever? I barely know him. Ang alam ko lang ay niloko niya at pinagpustahan ang pinsan ko, baliw na baliw siya sa isang babaeng may mahal namang iba at binasted siya nito sa harap ng mga tao. Ni hindi ko alam kung ano ang mga gusto niya sa buhay. His hobbies, interests, what he’s doing when he’s bored, his favorite sport, his likes and dislikes. Yes, I knew a chapter in his life but I don’t know his whole story.

And I am somehow responsible for everything that’s currently happening to him. Kung hindi ko ginawa ang lahat ng mga ginawa ko, siguro ay nandito pa siya at hindi umalis. We still don’t know if he’s.. alive. I swallowed the lumped in my throat upon thinking about that thought. Buhay pa kaya siya? Kung buhay pa siya, nasaan na siya? Bakit hindi siya nagpapakita? Is he lost? Okay kaya siya? May kinakain ba siya? Maayos ba ang tinitirhan niya? Nagamot kaya ang sugat niya? And if he’s not breathing anymore, is he.. oh God.. I can’t stomach that thought that he’s gone. I want him to be broken but I don’t want him dead.

Nagulat ako ng biglang may kamay na kumakaway sa harap ko. Nag-angat ako ng paningin at nakita ko si Hans. He was smiling broadly. He’s glowing like the sun behind him. Bahagya pa akong nagtakip ng mata dahil nasilaw ako.

“Tulala ka na naman.” Sabi niya sabay upo sa tabi ko. He crossed his legs and looked at me. Inabutan niya ako ng kulay pink na cotton candy.

Hindi ko ‘yun kinuha. Sa halip ay ibinalik ko ang paningin ko sa mga batang babaeng naglalaro ng habulan, sa mga batang lalaking nagpapalipad ng saranggola at sa mga tindero sa park. We came from the police to check out if they already found Miguel but we got nothing. Pagkatapos ay niyaya niya akong pumunta rito. To unwind, I guess.

“Snow, kainin mo na ’to. This will cheer you up.” Sabi niya sa masayang tono pero hindi ako nagpatinag.

I shook my head. “What if he lost a lot of blood because of the accident? Paano kung..” I stopped and struggled for words to say. Hinarap ko siya. “Paano kung patay na siya? Paano kung malamig na bangkay na lang natin siyang makikita?” I’m on the verge of crying and I don’t know why.

Hinawakan niya ang kamay kong nakalagay sa upuan. He looked straight into my eyes. “He’s not yet dead. Alam mo, hindi ko gusto iyong Robles na ‘yun but I think he’s a good person. He won’t die.” He assured me.

Napailing ako. “If he’s dead, I don’t know what to do.”

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon