Revenge #8

646 15 0
                                    

A/N: Dedicated to Ate Jhing :) Alam kong hindi niya 'to mababasa pero okay lang. Way 'to ng pagpapasalamat kasi nagbigay siya ng feedback sa story na 'to. Thank you Ate Jhing!

Thoughts? Comment it below. Thanks.

Revenge #8: Keep it.

Sinadya kong hindi pumasok ng dalawang araw sa school. Sumakto nga at may seminar kami nung Tuesday tapos isang subject lang pag-Wednesday at hindi naman major subject. Wala akong ginawa kundi bantayan si Rain sa hospital. Mabuti na lang at nasalinan agad siya ng dugo. She was okay now. Matamlay lang siya pero maayos na ang kalagayan niya.

"Snow pumasok ka na. Anong oras na!" Utos sa akin ni Tita Rowena. Kakauwi niya lang kahapon galing States at halata mo sa kanyang may jetlag pa siya.

"Mamaya pa pong 10 o'clock ang pasok ko Tita." Angal ko naman.

Sinimangutan ako ni Tita. I laughed at her face because she's too cute. Nasa mid-40's na si Tita Rowena pero sobrang ganda pa rin niya. She looks elegant and stunning. Hindi halatang stressed siya palagi sa trabaho.

"Bahala ka. Basta pumasok ka! Lagot ako kay Klare kapag umabsent ka." She glared at me. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya para kumuha ng almusal ni Rain sa baba.

Tumunganga lang ako doon. Malamlam pa rin ang mga mata ko pero mas maayos na ito kesa noong Monday. Sapat na rin ang tulog ko kaya hindi ako mukhang zombie. I was about to head to the bathroom when I heard Rain's voice.

"N-noo. D-don't l-leave!" Malakas na sabi niya. Pagkatingin ko sa kaniya ay nakapikit pa rin siya pero may tumutulong luha sa mga mata niya. "N-noo. M-migs n-noo. I-i l-love y-you." She whispered the last words.

Hinawakan ko ang kamay ni Rain at pinisil ko iyon. "Rain. Gising!" Niyugyog ko pa ang balikat niya. Akala ko magigising na siya dahil napailing siya pero hindi pala.

"M-migs. P-please. I'll do anything. P-pleasee." Humagulgol na talaga siya. Fuckshit na Miguel. Kahit panaginip hindi pinapalampas?

Mas lalo kong pinag-igihan ang pagyugyog kay Rain. "Rain ano ba! Gumising ka na. Panaginip lang yan!" Sigaw ko. Not a moment later, her eyes greeted me. Punong-puno iyon ng lungkot habang parang gripo kung tumulo ang mga luha niya.

She wiped her tears using the back of her right hand. "I'm sorry." She whispered.

Umupo ako sa kama at humarap sa kaniya. "Ano ba Celyn Rain! Hindi mo kailangang magsorry. Hindi ka dapat sa akin nagsorry. Sa sarili mo." Mahinahon kong sabi. After 3 days, nakapagsalita na siya ng maayos. Simula kasi noong lunes, puro iyak lang siya. Puro Jana at Miguel. Ngayon, kahit man lang sa panaginip may nabuo na siyang pangungusap.

Umiyak na naman siya. Ewan ko lang talaga kung anong gagawin ko dito sa pinsan kong 'to. "Rain can you please talk? Say anything you want. Makikinig ako. Kahit tungkol kay Miguel, makikinig ako."

Tumango-tango siya at hinawakan ang kamay ko. "Please, wag mong sabihing ano, nandito ako." Nakayuko niyang sabi.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now