Revenge #23

443 13 2
                                    

Revenge #23: Gone

Ang hapdi ng pisngi ko. Dahan-dahan kong nilingon ang kung sino mang 'yun at nagtama ang mga mata namin ni Kate. Nanggagalaiti siya at namumula ang mukha niya. Hawak siya ni Ana at Jewel sa magkabilang braso.

Napahawak ako sa pisngi ko at nakatangang tinignan siya.

Inirapan niya ako. "Bakit nagulat ka?! Ngayon mo lang nalaman na malandi ka?!"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Kaya pala. Kaya pala dikit ka ng dikit kay Miguel noon pa man. Ano?! Masaya ka bang binasted siya ni Jana kasi mapapasayo na siya ngayon?" She rolled her eyes heavenly. "Woah, mga malalandi talaga. Hindi man lang nagpalipas ng isang araw!" Walang tabas ang bibig niya. Parang gusto ko siyang bigyan ng pansala para ma-filter naman niya ang sinasabi niya. Napailing ako. Wala siyang alam.

Natawa na lang ako sa pang-aakusa niya. Hawak ko pa rin ang pisngi ko habang tumatawa. Natigil siya sa kakasalita at nanliliit ang matang tinignan ako.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan ha?!" 

Umalingawngaw ang tawa ko sa buong paligid. Kitang-kita ko ang bawat matang nakatinging sa akin. Tahimik ang buong College of Business. Akin ang atensiyon nilang lahat. And I somehow hate and love it at the same time. Hate, dahil ayoko sa atensiyon simula pa lang at love, dahil gusto kong marinig ng lahat ang sasabihin ko sa pakialamerang nasa harap ko.

"Anong nakakatawa ha?!" Mataas pa rin ang boses niya.

Lumipat ang kamay ko mula sa pisngi papunta sa bewang ko. "You know what? The funny thing is you keep on calling me flirt when the truth is.. that girl beside you.." I pointed at Jana who was looking at us with so much confusion in her eyes. "..is the real flirt." I finished my sentence proudly.

Natigilan si Jana sa sinabi ko. Namutla siya.

"Anong pinagsasabi mo?! Wag na wag mong idamay ang kaibigan ko dito! Ikaw ang malandi!"

Napailing na lang ako habang nagsasalita siya at dinuduro-duro ako.

"Hindi ko nilalandi si Miguel. He's just using me as an excuse to see Jana. Ang totoong malandi ay iyang kaibigan mo. Hindi naman pala sasagutin si Miguel, pinaabot pa ng isang taon ang panliligaw. Malandi di ba?" Napaismid ako.

"Snow!" Puno ng pagtitimpi ang boses ni Josh nang sabihin iyon. He was pleading. But hell, do I look like I care?

Muling umaktong susugod sa akin si Kate pero napigilan siya nang dalawang nakahawak sa magkabilang braso niya. Masama ang mga tinging ipinukol sa akin ni Ana at malungkot naman ang mga mata ni Jewel.

"Wag mong baliktarin ang lahat! Ikaw ang malandi, user, bitch, whore, slut.."

Nagpanting ang tenga ko sa bawat salitang sinabi niya. Hindi ko na narinig ang mga kasunod na salita. Nagdilim ang paningin ko pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Matatanggap ko ang sabihan akong bitch at user pero ang whore, slut at flirt.. what the fuck? Saan banda sa pagkatao ko ang ganon?

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon