Revenge #27

438 15 2
                                    

Merry Christmas and Advance Happy New Year guys! I can’t believe na 10K reads na itong storya ni Snow. Thank you. Sorry sa hindi pag-update. Abala sa OJT eh :(

Revenge #27: Returned.

The clock slowly ticks. It’s like I’m standing here forever. Tahimik ang buong paligid. Rinig na rinig ko ang bawat paghinga naming dalawa. Wala ni isang nagtangkang magsalita. Nagsukatan kami ng tingin. I didn’t bother to wipe my tears. I want to show him how badly hurt I am from his stunt. I remained firm and quiet. My gaze didn’t leave his face for a bit.

Naging malambot ang mukha niya mula sa kaninang galit. Hahawakan niya sana ulit ako pero mabilis akong napaatras.

Huminga ako ng malalim. “Bakit?” Tanong ko ulit. I balled my fist to control my anger.

Umiling siya. Yumuko. Ikinuyom ang palad. Nag-angat ng tingin at tinignan ako ng mataman sa mata. There was something in his eyes I can’t determine.

“Bakit, Snow?” Matigas at malamig ang boses niya. Parang nanggaling sa kailaliman ng lupa. “Bakit gusto kitang makita? Bakit ginamit ko si Miguel?” Sarkastiko siyang natawa. “Bakit ka pumunta dito?” May bahid ng iritasyon sa boses niya.

Bakit ako pumunta dito? To check if he’s okay! Gusto kong malaman kung ano ang naging sitwasyon niya. Gusto kong magtanong! Gusto kong itanong kung bakit umalis siya. Gusto kong itanong kung masakit pa rin ba. Gusto kong.. Tumingin ako sa gilid ko. “Gusto kong makita si Miguel.” Mahinang bulong ko sa sarili. Alam kong hindi niya iyon narinig. I barely made a sound.

“Si Miguel hindi ba?” Automatikong nag-angat ako ng tingin. He laughed sarcastically. “Ano bang meron kay Miguel? Bakit pangalan pa lang niya, nabubuhay ka na?”

Tinitigan ko siya ng masama. I have enough! Hindi ko na kailangang malaman ang mga sagot sa tanong ko. Pumihit ako patalikod at nagsimulang maglakad.Tumataas ang presyon ng dugo ko. Pakiramdam ko ay umakyat na ito sa ulo ko. I reached my boiling point. I was beyond mad.  At the same time, naaawa at nalulungkot ako para sa sarili ko. He immediately grabbed my arm and I yanked his hand. Mabilis akong naglakad patungo sa pintuan. I want to go away from him. Nasasakal ako pag nasa paligid si Hans. Bakit niya ba pinanghihimasukan ang buhay ko? Sino ba siya?

Bago ko pa man mahawakan ang doorknob ay nahila niya ako. Muntik na akong matumba. He steadied me.

“Sorry.” He muttered and I shake my head.

“Will you stop saying sorry? May magagawa ba ‘yung sorry mo, Hans? Fuck, akala ko buhay si Miguel. Umasa ako. Para akong tanga na umasa na buhay siya. Na nakita na siya pero anong ginawa mo? Dinurog mo ‘yung pag-asa ko!!” Pakiramdam ko ay puputok ang ugat ko sa leeg. Galit ako! Sobrang galit. Patuloy na bumuhos ang luha ko.

Umamba siyang hahawakan ako ulit pero tinabig ko ang kamay niya.

“Ano bang meron kay Miguel? Bakit ba alalang-alala ka sa kaniya? Malaki na siya, Snow! For heaven’s sake kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Hindi ka niya kailangan.” His words pierced through my skin and bone.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now