Revenge #33

315 14 2
                                    

A/N: #Sabaw

Revenge 33: Friends?

I feel so alone. So out of this world. So different. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. 'Yung mag-isa ka at wala kang makausap sa isang lugar na sobrang maraming tao. Almost all of them were still outside. 'Yung iba hinihintay iyong mga kaibigan nila at may iba namang nagkukwentuhan samantalang ako, heto't nakamasid lang sa kanila, nakadungaw sa bintana.

I shut my eyes and leaned at the window as I let Ed Sheeran whispered sweet nothings in my ears. Palagi naman akong mag-isa, ano bang bago? Sanay na akong mag-isa, hindi ba?

"Excuse me." Agad kong naimulat ang mga mata ko at napatingin sa nagsalita.

There was a girl standing beside me. Mahaba ang itim na itim niyang buhok at bilugan ang mga mata. Medyo hindi siya kaputian at hindi rin katangkaran. Tinatagtag ko ang earphones ko at nag-angat ng kilay sa kaniya.

"Pwedeng patabi?" Tanong niya habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ko. Nasa pangdalawahan ako naka-upo kaya tinanguan ko na lang siya.

She gladly seated. "Akala ko talaga walang magpapaupo sa akin, salamat ha." She glanced at me. "Clarissa nga pala. Dapat second year na 'ko kaya nga lang bumagsak ako sa subject na 'to kaya ayun, balik ulit." Tumawa siya habang may hinahalungkat sa bag niya. "Grabe no? Bakit parang ang susungit ng mga kaklase mo? Buti na lang mabait ka."

I smiled a little bit and turned my gaze towards the view outside. Hindi pa sumisikat ang araw at halos lahat ay nasa bus na. Papunta kami sa isang resort ngayon sa Batangas para sa team building na sa kasamaang palad ay required. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi naman ako pupunta. Anong gagawin ko dun? Tutunganga? At sigurado kapag sinabing group yourselves into whatever number ay walang lalapit sa akin at magsasabing sa grupo na lang nila ako.

Pinikit kong muli ang aking mga mata nang magsimulang umandar ang bus. According to our professor, it will take us approximately an hour and a half to arrive in our destination. Pinilit kong matulog pero ayaw sumara ng isip ko. Lumilipad ito sa mga balak kong gawin para sa christmas vacation. Pagkatapos ng araw na ito ay wala na kaming pasok. Pabor 'yun sa akin dahil hindi na ako magtitiis sa apat na sulok ng classroom, sa barkada ni Jana na walang ibang ginawa kundi irapan ako at hindi ko na kailangang mag-isa. Kahit na madalas akong sinasamahan ngayon ni Miguel ay hanggang cafeteria, library, football field at labas ng classroom lang naman siya. Isa pa, he can't be with me the whole time. Hindi siya personal assistant ko para lang sundan at samahan ako saan man magpunta.

Sumalubong sa amin ang napakalaking hotel na may malaking swimming pool at sa baba nito ay ang kulay asul na karagatan. Papasikat pa lang ang araw. The view was breathtaking. It was also sorrounded by coconut and palm trees. Our professor handed us the schedule of our 2-day stay here for our team building and asked us to arrange ourselves alphabetically.

I rolled my eyes silently as I saw Jewel walked towards me.  Tumabi siya kay Kristin Uy.

"I will be announcing your roommates. Boys and girls will sleep in seperate rooms, understand?" Pinagtaasan sila ng kilay ng babaeng propesor.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now