"Salamat tol." At umalis na si John.

"Okay na ba kayo ni David?"

"Hindi pa eh."

"Siguro, ayusin niyo ang dapat ayusin. Forgive him from what he have done. Wala na si Aira sa landas niyo ngayon."

"Pag-iisipan ko. Naalala ko pa kasi yong nangyari." sagot ko.

"But Sab... Kung nasasaktan ka na dahil kay David. I'm just here."

Napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean?"

"Sabrina. Mahal kita. Mahal na mahal. Kaso alam kong nagmamahalan kayo ni David kaya nanahimik na lang ako."

Sasagot pa sana ako kaso may humila sa paa ko mula sa ilalim kaya puma-ilalim ako sa pool. Nang maka-angat naman ako ay nakita kong tawang-tawa si John.

He save me from Orlan.

Wait... Did Orlan just confessed on me?

* * *

David's POV

Kakalog in ko lang ng Facebook profile picture ni Orlan ang bumungad sa akin. He's with Sabrina. Wait... What??? Nasa Pangasinan si Sabrina. Why didn't she tell me? Oh... Sino nga ba ako para sabihin niya? Pero boyfriend pa rin naman niya ako diba? Wala namang nakipag-break sa'ming dalawa.

Haays... Ewan... Bakit ba ang gulo ng buhay?

Pinatay ko ang data ng cellphone ko at tinawagan ang cellphone number ni Maclen. Alam kong hindi yon sasagutin ni Sabrina.

Pero ring lang ito ng ring...

Haays... Ka-badtrip naman...

Nakita ko pa sa profile picture ni Orlan na inakbayan niya si Sabrina. Tapos si Sabrina naman tuwang-tuwa pa. Nasa swimming pool sila.

Haays... Nagseselos na ba ako?

Puwes, oo selos na selos ako.

Wait... Ito na ba yong sinasabi ni Sabrina na gagawin niya sa iba ang ginawa ko kay Aira?

Bakit of all people si Orlan pa?

I know it's just a friend gestures but I'm jealous.

"Dude, tara laro." at hinagis sa akin ni Marvin ang bola. Napailing na lang ako at sinalo iyon. Inilapag ko naman ang cellphone ko sa tabi ng t-shirt ko.

Madulas kasi dito sa half-court na ginawa ni Tito Jason. Kami kasi ang may-ari ng subdivision na ito. Sa family kasi namin to. Sa side ng Mommy ko.

Hindi ko nga alam kung paano napunta dito ang family nila Sabrina. Pero, thank you na din kasi dito siya lumipat kaya ko siya nakilala.

"Dude, anong nangyari sayo?", tanong sa akin ni Emman.

Kanina pa kasi akong hindi nakaka-shoot sa ring.

"Mukhang masama ang tinplate mo ngayon ah." sabi naman ni Marvin.

"Pagod lang ako." at umupo sa nilagyan ko ng cellphone. Hinanap ko ang name ni Maclen sa contacts at di-nial iyon.

Third ring and he answered.

Maclen's POV

Kaka-ahon ko lang sa pool dahil nagugutom na ako. Natatawa pa din ako sa nangyari kay Sabrina. Akala niya siguro shokoy humila sa kaniya. Takot na takot talaga siya eh.

Pagdating ko sa cottage namin ay kumuha ako ng specialty ni Sabrina, ang baked Mac. Masarap siya at sobrang sarap. Pero, sa kalagitnaan ng pag-kain ko ay may tumawag sa cellphone ko.

David's Calling...

Anong kailangan nito?

"Hello." sabi ko.

(Hello Maclen)

"Ano meron?"

(Nandiyan si Sabrina?)

"Oo... Nandito. He's with Orlan." sagot ko at tiningnan ko silang dalawa. They were both happy.

(Maclen... Please... Bantayan mo siya)

"Oo naman... Ayon lang ba?"

(Ikaw, Kamusta?)

"Okay lang... Tumataba na." at narinig ko siyang tumawa.

(Sige tol... Baka nakaka-istorbo na ako sa inyo... Enjoy.)

Kumain na ulit ako.

I look at Sabrina, she looks so happy with Orlan.

But in the case of Orlan. He likes Sabrina... I know because I know how Orlan likes a girl. And we're best friend since birth.

Gustuhin ko mang maging silang dalawa. Hindi puwede. Because Sabrina's David's property. At alam ko ang pakiramdam na ipinagpalit. Babantayan ko na lang si Sabrina.

"Ang layo naman yata ng iniisip mo?", sabay tabi ng upo sa'kin ni Sabrina.

"Hindi naman." at tumawa ako.

"Masarap ba?", tanong niya.

"Oo naman... Hindi ka pa ba kakain?"

"Maya-maya."

"David just call me awhile ago." tumingin lang siya sa'kin. "He's saying umuwi ka na daw."

"Ayoko muna. Ano to?", tanong niya sa'kin nang kunin niya sa tupperwear ang isang barbecue.

"Tikman mo... Masarap yan."

Tinikman naman niya iyon at bigla niyang naisuka.

"Ano to? Bakit iba ang lasa?", tanong niya agad Sabay inom ng tubig.

"Baga ng baboy." at tumigil siya ng inom. Anong meron sa baga ng baboy?

"What? Are you serious? Hindi ako kumakain ng lamang-loob." sagot niya.

"I'm serious." tumawa na lang siya. "Hindi mo pa ba natitikman yan?"

"Hindi pa... My friends really eat this but the smell it doesn't good."

"Iba-iba naman kasi tayo ng panlasa." sabi ko naman.

"Thank you ah." sabi niya at tumingin siya sakin.

"For what?"

"For helping me."

"That's alright. You're my cousin." ngumiti siya at bigla niya akong niyakap.

Siya lang yong babaeng niyakap ako bigla.

David... Please lang wag mo nang pakawalan si Sabrina. She's all worth it.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now