"Pogs chat me... And he says that you love Edwin more than me." napatigil siya. "Hindi totoo yon diba?", tanong ko.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi... And starting from now, wag mo nang kakausapin ang pogs na yon. Naiintindihan mo?", just when I saw her face. It was full of anger. Sa'kin ba siya galit?

"O-okay. S-sab... May tanong lang ako."

"Ano yon?"

"Tayo pa ba?", tanong ko pero tiningnan niya lang ako ng makabuluhan.

"Hindi ko alam..." tumango siya at pumunta sa pinto at binuksan iyon. Pero, bago siya lumabas ay may sinabi siya. "Itanong mo sa sarili mo kung mahal mo nga ba talaga ako." at lumabas na ng pintuan.

Itanong sa akin kung mahal ko nga ba siya? Mahal ko naman talaga siya... Hindi niya ba ramdam yon?

Yong nangyari sa amin ni Aira? It was a mistake. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon.

Hinabol ko si Sabrina sa labas at pabukas pa lang siya ng gate.

"Sab... Galit ka ba doon sa ginawa ko kay Aira?", Fuck... Ano bang klaseng tanong yan David? Off course, galit siya. Sino bang girlfriend ang matutuwa kapag ang boyfriend niya makikipag-halikan sa iba?

What a nice question David.

Humarap siya sa'kin?

She smiled. "Why would I?", so, hindi siya galit? Thanks--- "Kung puwede ko rin naman gawin yon sa ibang lalaki." at ngumiti ulit siya. After that, pumasok na siya sa bahay nila.

Napaupo ako sa gutter.

Gagawin niya din yon?

No! Hindi kayang gawin yon ni Sabrina sa'kin. Pero, paano kapag ginawa nga niya?

Masasaktan ako kapag ginawa niya sa'kin yon...

Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko yong ginawa ko na ginawa niya and the worst... Sa ibang lalaki niya ginawa yon at hindi sa'kin.

I'm sure, makakapatay ako ng tao.

* * *

Sabrina's POV

"Ano pa hinihintay natin? Tara gantihan na natin." sabi ni Mae. Nandito kami sa bahay ni Andrea, wala daw kasi siyang kasama kaya pinapunta kami.

"Hindi muna sa ngayon." sabi ko at sumubo ng Pizza.

"Bakit?", tanong ni Anne.

"I will do everything para magma-kaawa siyang buhayin ko siya." sabi ko.

"Sab... That's not a good joke." si Alex.

I smirk...

"Who said that I was joking?", at inilapag ko ang baril. "Kilala niyo ko kung paano ako magalit right? At isa pa, sa lahat ng alam niya sa'kin... About pa kay Edwin ang sasabihin niya." then anger came into my bones... Again.

"Anong sabi niya?", tanong ni Lyn.

"It's just came in his mind."

"What a lame reason." sabat ni Mae.

"Kaya nga eh... By the way... Pupunta na muna ulit ako sa Pangasinan. Sobrang boring sa bahay."

"Kami... Uuwi muna kami sa mga probinsiya namin. Mamumuhay muna kami ng mapayapa." si Rose.

"Nice... Tagalog ahh." sabi ni Mae.

"Nag-aaral kasi ako." at nag-tawanan kaming lahat.

"See you in 20 then." sabi ko. 20 pa kasi ang pasok namin. Samantalang kila Maclen, James at David ay ngayon. Which is June 10.

* * *

"Kailan pasok niyo Sabrina?", tanong sa'kin ni Kuya Leo.

"Sa 20 pa kuya."

"20? Next week pa?"

"Yes kuya... Ahh kuya... Pupunta ako sa Saturday sa Pangasinan."

"Pangasinan? Ang layo no'n ah?", takang tanong sa'kin ni Kuya Red.

"Okay lang yon... And besides ando'n naman si Tita Jen... Remember?"

"Oo nga pala. Mag-iingat ka doon." si kuya Lei.

"Papahatid na lang ako kay Kuya Roger." sabi ko at kumain na ulit. Pagkatapos naman ay umakyat na ako.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at di-nial ang number ni John.

(Hello.)

"Hi John."

(Sabrina... How are you?)

"Fine... Sa sabado pupunta ako diyan."

(Bakit?) gulat niyang tanong.

"Bakit? Ayaw mo?"

(Hindi naman... Wala pa ba kayong pasok?)

"Sa 20 pa... Gusto ko munang manahimik. See you in Saturday."

(Okay... I'll wait you.) at ibinaba ko na ang cellphone ko. At humiga na sa kama.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now