WA 3 - The Twin's Imaclum

139K 4.2K 465
                                    


CHAPTER THREE

THE TWIN'S IMACLUM

We talked for an hour. They're nice. Especially, Rio. Nakakatuwa siyang kausap. He can lighten up a mood in just a snap. Hindi siya nauubusan ng mga kwento at mga nakakatawang biro. Palagi na lang niyang binabara ang kakambal niya, which is Wina.

"I hate being your twin!" Wina whined like a child.

Tawang-tawa naman si Rio habang kinukurot si Wina sa pisngi, "Sorry, Win. The feeling's not mutual. I love being your twin." And he continues what he's doing.

Tumatawa ko silang pinapanuod. Ngayon lang ulit ako natuwa ng ganito. After seven years of pure sulking and sorrow, ngayon lang ulit ako na carefree sa mga ginagawa ko.

Natigilan ako nang kalabitin ako ni Briz. Itinuro niya ang kambal, "You know what? Wala pa 'yang nakikita mo ngayon. Mas may malala pa sa ginagawa nila."

One thing I discovered today, si Briz at Uryll may maraming pagkakapareho. They both have good looks, same height, at paraan ng pakikipag-usap. Medyo harsh silang sumagot, only that, si Briz mas approachable kaysa kay Uryll.

Briz is stoically blunt and straightforward while Uryll is monosyllabically blunt and ultra straightforward. Para siyang walking 'do not mess with me or else' na tao. You wouldn't want to get into his way.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked him.

He smirked, "Hindi lang kurotan ang nangyayari sa kanila. Mostly, physical pain ang ginagawa nilang dalawa. And I mean it. Kasi nagagawa nilang mag wrestling sa ground kapag wala silang ginagawa."

Wrestling? Seryoso ba siya? Wala sa pagmumukha ni Wina ang pumapatol sa ganoon.

"Wow." That's all I can reply.

Pinanuod namin 'yong dalawa na magsapakan. Parang wala lang sakanila ang nasasaktan. Masokista ba ang dalawang 'to?

"Kapag sinabi ko sayo na kambal sila, pero magkaiba sila ng Imaclum... maniniwala ka ba?" Biglang tanong ni Briz.

Kanina lang, para siyang si Uryll... Tahimik na nagmamasid sa amin. Now, he's talking to me. He has this stoic tone na para kang lalamigin ka sa sobrang walang pagkabuhay. Ano pa kaya kapag nag salita 'yong isa?

I raised my brow, "Paano naman nangyari 'yon? Kambal sila pero hindi magkatulad ang Imaclum nila?"

He nodded, "Can you guess Rio's Imaclum?" He looked at me-waiting for my answer.

"Elemental?" Tanong ko.

He just shrugged at ibinalik ang tingin sa dalawa.

Dalawa lang naman ang pwede sa Worthwood. So, either Elemental or Sorcery siya. Base palang sa sinabi niyang hindi identical ang Imaclum nilang dalawa, nagtatalo na sa utak ko kung ano nga ba ang Imaclum ni Rio. Pwede naman siyang Elemental, pero hindi katulad ni Wina na kayang manipulahin ang tubig. He can be wind, ice, or any element. He can be a Wizard naman, pero parang hindi...

"Elemental. Wind." I answered finally.

"No..." He chuckled. "He's a wizard, Nathalia."

"He's a wizard?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Hindi naman halata sa kanya." Sabi ko. Wala sa itsura kasi talaga ni Rio.

Natawa si Briz ang napailing sa reaksyon ko, "Yes, he is. And you're right! He's not really fit to be a wizard, hindi naman kasi marunong humawak ng wand 'yan. Puro paporma lang sa mga babaeng naroon sa dorm nila." Sabi niya na para bang hindi naririnig ng kambal.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon