WA 17 - Fire and Ice

90K 2.8K 947
                                    

Comments will be highly appreciated :)

CHAPTER SEVENTEEN

FIRE AND ICE

"Anong pong sinasabi ninyo?"

"Go back to your dorm, Miss Delacroix. It's getting dark outside. The night watchers will roam around in ten minutes. Baka mahuli ka pa." There's coldness in his voice.

"Opo," Napayuko ako at humakbang palayo sa kanya.

Umakyat na ako. Nagmamadali akong bumalik sa Cisos. I only have the glory time of ten minutes bago maglibot ang mga night watchers. Madilim na. At kung tama ako, lagpas hapunan na kaya malamang nasa mga dorm na ang mga estudyante. Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang mabilis kong maabot ang Cisos.

Magulo ang isip ko. Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko dahil sa nalaman ko kani-kanina lang. Like what the hell! I can't take in everything in just a day!

I am the heir.

The heir I don't know how the hell happened!

Nasa tapat na ako ng kwarto namin ni Wina nang napabuntong hininga ako. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may pamilyar na boses ang bumati sa akin. Nilingon ko siya at nginitan.

"Hi," He said.

Nakangiti rin siya sa akin. "Hello," Bati ko rin. Marami pa namang mga estudyante sa baba. May mga nag kwe-kwentuhan rin sa may hagdan kaya hindi pa talaga nagpapahinga ang iba. "Bakit?" tanong ko nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. His blonde hair is messy. Bagay sa kanya ang just woke up look.

"Nothing." Tumabi kami sa hawakan kung saan tanaw ang kaganapan sa baba. "Saan ka galing? I waited—I mean, we waited for you in Eldford. Akala namin sasabay ka sa pagkain." Sabi pa niya. Nang balingan ko siya ng tingin, saka naman ang pag-iwas niya.

He's cute! Bagay talaga sa kanya ang malalalim niyang biloy. For me, Briz is not hard to like. Kahit naman magkaugali sila ni Uryll, may soft side naman si Briz. In fact, I have a secret crush on him. Hindi ko lang pinapahalata.

I shrugged, "Ynior brought me to Mirador Castle. May mahalaga lang kaming pinag-usapan kaya natagalan ako sa pag-uwi. Sorry kung pinaghintay ko kayo."

"Ahh." Lumapit pa siya sa akin. I stiffened when I sniffed him. He smells fresh from shower. Ang bango ng lalakeng 'to.

"Briz," I said. I'm running out of words.

Mas lalo pa siyang ngumiti. Humakbang siya kaunti. Akmang aatras ako nang hawakan niya rin ako sa baywang habang inaangat ang isang kamay papunta sa ulo ko. "May sumabit." Sabi niya at kinuha ang kung ano mang nakasabit sa buhok ko. Ipinakita niya sa akin ang isang maliit na tuyong dahon.

Urgh!

Binitiwan niya kaagad ako at humakbang paatras. Nakahinga ako ng mabuti sa ginawa niya. He just made my heart race so fast! "Nakakain ka ba talaga?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. Naisip ko, hindi nga pala talaga ako nakakain dahil hindi ko na namalayan ang oras. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom.

Dahil pareho kaming hindi pa inaantok, naisipan naming maupo muna sa hagdan. Pagod na rin akong mag akyat-baba kaya dito na lang kami.

"How are you?" Tanong niya. 

Napatingin ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin. I bit my lower lip dahil sa kakaibang pakiramdam ko sa tingin niya. "O-okay naman ako." Goddamnit! Bakit ako nautal?

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon