WA [DR] 27 - Memories of Them

60.6K 2.1K 165
                                    

Tweet me @loys_dr with #WADR27. Your comments will be highly appreciated. Thank you!


WA 27 – Memories of Them

Mas lalong nangibabaw ang kabang nararamdaman ko. Nasa tapat na ako ng Cisos at nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Para lang akong tangang nakatayo sa harapan ng gate habang nakatitig sa malaking kastilyo. Umayos ka, Nathalia! I scolded myself.

Halos mapatalon ako nang may nagsalita sa likod ko, "Miss?" Damn! Tumalikod para para maharap siya, pero 'yong kaba ko mas lalong lumakas. Hiniling mo, ayan na sa harapan mo.

"U-uhh..." Nauutal kong sagot. Nakatitig ako sa kanya habang nakatitig rin siya sa akin.

"Okay ka lang? Elemental ka rin?"

Si Winane Graves lang naman ang taong nasa harapan ko. Wow. Pagkakataon nga naman. Hirap akong huminga habang kaharap siya. She's real. Very real. She's smiling at me, like what she did the first time we've met. Damn it! Déjà vu.

Mahina akong tumango. Na we-weirduhan na ata sa akin si Wina. This is not a dream anymore! Everything is real. Hindi nila ako kilala, pero kilala ko silang lahat. Ang hirap nito! I can't take the reality while I'm stuck in that dream. This is one hell of a colliding scenario.

"Papasok ka? Tara sabay na tayo." hindi pa man ako nakakapagsalita, nahila na niya ako.

Like the always.

"What's your room number?" She asks.

I know this will happen. Ibinigay ko sa kanya ang papel na may nakasulat na information ng titirahan ko. The same paper I gave her the day I arrived. Kita ko kung papaano lumaki ang kanyang mga mata. I remember,

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at nilapag ang gamit ko sa kabilang kama. Napalingon ako nang may babaeng lumabas galing sa isang pang pinto sa loob ng kwarto. She's petite, and does have a chocolate brown hair. She also has almond eyes. And she's smiling at me.

"You must be my roommate!" She said in a joyful tone.

That was the exact scene.

Mabait na siya, dati pa man. "Wow. We're in the same room! Room 21 din ako!" She said in glee. "Come on, I'll show you our room." Nahila na niya naman ako paakyat.

May mga namataan kaming mga students din sa receiving area. May mga nagkakatuwaan, may mga nag-uusap at kumakain. Well, I gues this is home. All the memories and flashbacks came back. All the longingness and familiarity poured like a glass of cold water.

Is this still normal?

I sighed when I saw our room's door. This is really is it. She opened the door for me, "Welcome to our room." She said.

It's big and spacious. May dalawang higaan at baol sa bandang paanan nito. May lamesa sa gilid ng kama at lamp. Magkabilaan ang pwesto kaya magkaharap lang 'to. And I bet I'm not the only one who will live in here. I saw some things layed on the other bed.

Katulad na katulad ang lahat sa kung anong nasa isipan ko. Ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit. Ang kaibahan lang, kasama ko si Wina ngayon.

"Uhh, ano nga pala ang pangalan mo?" Bigla niyang natanong. Bumalik na naman 'yong pakiramdam kong bigo. Bakit hindi nila ako kilala? Hindi rin ba sila nanaginip katulad ko? Nilahad niya ang kamay niya saka nagpakilala, "I'm Winane Graves. Wina na lang." She smiled.

Nakipag shake-hands ako at nagpakilala rin. "Nathalia Delacroix." I said.

Tumango-tango lang siya at iminuwestra ang loob ng kwarto. "Ikaw lang ba mag-isa rito?" Tanong ko. Kunwaring walang alam.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon